00:00.
00:02Sa pag-arangkada ng umuusbong na electric vehicle industry sa Pilipinas, target ng gobyerno na umabot sa 50% ang
00:10EV share ng kabuoang vehicle fleet ng bansa pagdating ng 2040.
00:15Sa ginanap na ASEAN EV Conference 2026, inilahad ni Energy Secretary Sharon Garin ang mga hakbang para mapabilis ang paglawak
00:23ng EV industry.
00:24Kabilang dito ang pagtatakda ng EV parking spaces na may mga charging stations at pag-standardize ng permits para sa
00:32pagtatayo ng charging facilities.
00:34This is why the Department of Energy is prioritizing two measures under the Electric Vehicle Industry Development Act or EVIDA.
00:44First, a department circular for identified establishments.
00:48Second, a joint memorandum circular with the DILG, DPWH, and Anti-Red Tape Authority.
00:56Pero, giit ng kalihim, kailangang magtulungan pa rin ang gobyerno at private sector para maabot ang 2040 target.
01:04Kailangan tayong magsama-sama at magtrabaho para maabot natin yung 50% by 2040.
01:11Para naman kay Electric Vehicle Association of the Philippines President Willy Tietan, higit pa sa pagpapalit ng sasakyan ang nakataya
01:19sa transition na ito.
01:20EV is an ecosystem and every piece matters.
01:26And why does this matter so much?
01:29Because electric mobility is not just a transport issue.
01:33It is a development strategy.
01:35Inaasahan kasi itong magbubukas ng investment opportunities sa EV manufacturing, infrastructure, at skills development habang lumili ka ng green jobs.
01:45Sa ngayon, mahigit 2,000 EV charging points na ang sinusuportahan ng Miralco sa public, private, at residential establishments sa
01:53loob ng franchise area nito.
01:54Ayon kay Valtman Chavez, one Miralco EV program lead, pinalalawak pa nila ang investment sa charging infrastructure upang matugunan ang
02:02inaasahang pagdami ng EV users.
02:05Para naman kay Asian President of Electric Vehicle Association's President Edmund Araga, mahalaga ang pagbuo ng magkakatugmang polisiya sa ASEAN
02:13upang mapabilis ang paglipat sa mas malinis na transport system.
02:17Kasabay nito, pinalalawak ng TESDA ang training programs para sa EV at hybrid vehicle servicing upang maghanda ng mga skilled
02:25workers para sa lumalaking industriya.
02:28Sa kabila ng mga polisiya at plano na nanatili pa rin hamon sa mga Pilipino, ang pagiging abot-kaya nito.
02:35Pero, handa naman umano ang mga ahensya ng gobyerno para matiyak na ang pag-usad na ito ay hindi lang
02:41sa ngala ng pagiging moderno,
02:43kundi para rin sa hangarin na walang maiiwan sa mga ordinaryong Pilipino.
02:49Elijah Canlas, para sa Bayan.