00:03Mga kapuso, oras na para sa bagong kaalaman.
00:06Sa isang bayan sa Aklan, may isang bulaklak na tila nagsisabing natural na orasan.
00:12Kung ano yan, alamin sa pagsaksi ni Mab Gonzalo.
00:20Pag narinig mo ang tunog na ito,
00:25ibig sabihin, bangon na dahil panibagong araw na naman.
00:29At kapag ito naman ang iyong narinig,
00:35ibig sabihin, puyat ka na naman.
00:38Este, gabi na!
00:41Pinadali nga ng teknolohiya ang mga buhay natin.
00:44Pero bago pa man dumating ang mga cellphone, relo, at iba pang klase ng orasan,
00:49alam niyo ba kung ano ang nagsisilbing natural clock o orasan bukod pa sa araw at buwan?
00:54Walang iba, kundi ang mga...
00:58Halaman
01:02Kamakailan nga, nagviral ang post ng tubong Aklan at licensed forester na si Keith Rebanyo.
01:07Tampok sa kanyang post ng isang puno na ang bulaklak,
01:11nagbabago ang kulay mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.
01:16Lakas makaanolog feels.
01:18Namumukadgan ito ng alas 9 ng umaga at ang kulay, matingkad na dilaw.
01:23Sa tanghali naman, nag-aagaw na ang kulay kahel at rosas.
01:27At pagsapit ng hapon hanggang magdapit hapon, ang kulay nito nagiging maroon.
01:33Unti-unti na rin nagsasara ang talulot nito hanggang sa tuluyang maglagas.
01:41Ito ang malabago o hibiscus tiliashus.
01:44Kilala rin ito sa tawag ng malibago, palibago o palabago,
01:49kabilang sa beach forest species ng bansa.
01:51Yung puno po ng malabago, naturally po talaga na matatagpuan sa mga beach ecosystem,
01:58pero kaya rin po nitong mabuhay kahit hindi po malapit sa dagat.
02:04Ayon kay Professor Lilian Rodriguez ng UP Diliman Institute of Biology,
02:09likas sa maraming species ng halama na sundan ang natural na ritmo ng araw.
02:13So kaya po nila sinusundan yung ganitong rhythm,
02:16kasi yung mga pollinators po nila na insekto, active lang po kapagka may araw.
02:22Kapagka wala na pong araw, kailangan na rin po nilang isara
02:25para protektahan din yung mga pollen nila na nasa loob.
02:29Sa mga hangin, against moisture, saka yung sea na saltiness.
02:37May pagkakahawig din ito sa gumamela,
02:40dahil magkamag-anak ang dalawang bulaklak.
02:42Pareho itong nasa genus hibiscus.
02:45Pero di gaya ng maraming uri ng gumamela,
02:48ang malabago ay native o natural na tumutubo rito sa Pilipinas,
02:52tatak Pinoy.
02:53Maganda po siyang itanim sa mga bahay natin
02:56kasi para po talaga siyang gumamela,
02:58pero atin.
02:59Ang gumamela po kasi introduced sa atin.
03:01Tingin ko po kasi napakaganda po nung bulaklak,
03:04magandang maganda yung kulay at marami po.
03:06So talagang kitang kita po yung rhythm nila
03:08ng pagbukas, saka ng pagsara.
03:12Pero paglilinaw ni Kynth,
03:14itinuturing mga natural na orasan,
03:16hindi dapat ito gawing basihan ng oras,
03:18lalo na sa pabago-bagong klima ngayon.
03:20Meron din po kasing ibang factors po
03:23sa pagpapalit ng kulay,
03:25gaya po ng temperature,
03:26at kapag yung weather po natin,
03:29masyadong tirik yung araw,
03:30so mas madali po siyang mag-change ng color.
03:34Dagdag ni Dr. Rodriguez,
03:36win-win situation ito
03:37para sa parehong mga halaman at insekto
03:39at pati na sa pagpapanatili ng balanse
03:42sa ating kalikasan.
03:44Kung naghahanap po kayo ng magandang itanim sa bahay,
03:47tapos susuportahan po yung natives,
03:49kasi pag sinuportahan po natin yung mga halaman na atin talaga,
03:52sinusuportahan din po natin yung mga insekto natin.
03:55Binibigan po natin sila ng pagkain,
03:57saka ng tirahan.
04:01Maganda po na maitanim sila
04:03kasi mamimaintain po yung balance ng ekosistem.
04:09Ako si Mab Gonzalez,
04:11ang ninyong saksi.
04:12Ako si Mab Gonzalez,
04:16natin sila ng pagkain,