00:00Samantala mga kapuso, dumipensa po ang Malacanang Sapuna sa malaking pondong inilaan para sa ASEAN Summit 2026
00:07na halos 23 bilyong piso ang halaga.
00:11Humingi naman ng pasensya si Pangulong Bombo Marcos sa mga naabala sa Baygiit
00:16na may mas malaking benepisyong hatid ang ASEAN Summit po para sa Pilipinas.
00:21At may unang balita si Chino Gaston.
00:30Sumugod sa Trump Tower sa Makati City ang mga miyembro ng grupong Akbayan Youth.
00:34Suot nila ang mga bland na wig na kapareho ng hulay ng buhok ni US President Donald Trump.
00:40Kasama sa ipinapanawagan nilang mga isyo ang pagbasura sa Pax Silica Initiative
00:46at pagtulong ng Amerika sa Israel sa kampanya nito sa Gaza.
00:50We reject Donald Trump here in the Philippines and we call our national government to deport him now.
00:56Ang bagong alyansang makabayan o bayan, nagsabing aaraw-arawin nila ang protesta
01:01at susundan si Trump saan man magpunta.
01:05Sagot dito ng PNP, labag yan sa security protocol.
01:08Kaya kung itutuloy nila yan, ididisperse at aarestuhin ang mga rallyista.
01:14Hindi po absolute kasi yung right to peaceful assembly.
01:16Kaya nga meron tayong qualifier doon.
01:18If you trample or yung sinapawan mo na yung karapatan ng iba to peacefully live,
01:24mag-e-end na po yung right.
01:27Bilang paghahanda sa ASEAN Summit,
01:30suspindido ang number coding sa Metro Manila mula lunes hanggang miyerkules.
01:35Nagkabit ng bagong signages tulad sa EDSA Makati Southbound Lane.
01:39Sa kabilang lane, inaapura na mga tauhan ng DPWH ang pagpipintura sa bangketa.
01:45Ilang notorista na rin ang katlumpung minutong pinahinto.
01:48Ito ang stop and go system para magbigay daan sa mga dumaraang delegates ng ASEAN Summit.
01:56Traffic na sa ilang bahagi ng Metro Manila.
01:59Na traffic pati ilang senador.
02:01Kaya begtado pati roll call ng impeachment trial.
02:04To afford some of the senator judges facing heavy traffic given the season
02:11and perhaps pre-ASEAN preparations to be able to arrive at a later time.
02:16We shall call the roll at 11 a.m.
02:22Let the journal and the record reflect that intention and that intention of the presiding officer.
02:33Batid ni Pangulong Bongbong Marcos na may mga naaabala dahil sa mga paghahanda para sa ASEAN Summit.
02:40Pansamantala namang ito, kaunting pasensya lang.
02:43Di ako na mas matimbang pa rin ang mga benepisyong matatamasa natin
02:47mula sa mga polisiyang mapagkakasunduan at sa mga trabahong malilikha.
02:53Ayon sa Pangulo, nakikinabang sa iba't ibang pagditipon ng ASEAN ang mga lokal na industriya
03:00gaya ng paghahabi at local food manufacturer.
03:04Pati mga hotel, transport provider at maging ang gumagawa ng mga souvenir para sa mga event ng ASEAN.
03:12Pagkakataon din ito para manghikayat ng mga delegado na bumalik sa Pilipinas bilang turista.
03:18Mas malalim pa sa pagiging visa-free natin sa mga ASEAN countries ang dalang benepisyo ng ugnayang ito.
03:26Lalong-lalo na sa panahong ito na marami tayong krisis na hinaharap
03:30mula sa pagtaas ng presyo ng langis, tapos ang ating mga security concerns,
03:36tapos itong parating na El Niño ay kailangan buo ang paggalaw ng buong ASEAN.
03:42Kaya sa kabila ng pambabatikos ng ilang grupo sa P22.9 billion na budget na inilaan para sa pag-host
03:50ng ASEAN Summit,
03:51ayon sa palasyo, sulit ang gasto sa pondo na bubuksad din naman daw sa audit.
03:57Kaugnay naman ang mga inilagay na barrier na inilagay para takpan ang mga ilog at karinderiya
04:03sa mga bangunahing kalsada papuntang airport, sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
04:09Sa aking nakita, meron tayong nakita ang mga arts na ginawa.
04:13Ito ay pagmamalaki na rin kung ano ang kakayahan ng mga kinikilala nating mga artists sa Pilipinas.
04:20Sinagot din ang palasyo ang mga nagsasabing vanity o iabang lang ng Pangulo ang paghahanda sa ASEAN Summit.
04:28To suffer because of the vanity of the President?
04:34Bakit? Ang Pangulo ba nagpapaganda sa sarili niya?
04:36Ano ba ang pinapaganda natin? Hindi ba ang Pilipinas?
04:40Ito ang unang balita. Chino Gaston, GMA News.