00:00Mga kapuso, narito pa rin po tayo ngayon sa World Trade Center dito po sa International Media Center dito po
00:07sa Pasay City para nga po sa gaganaping 49th ASEAN Summit.
00:13At ngayon pong araw na ito, ilang sandali na lamang po ang hinihintay bago ang formal na pagbubukas ng International
00:21Media Center.
00:22At kanina nga nakita na natin na meron na pong mga ilang mga opisyal ng pamahalaan ang nagtungo rito sa
00:30mismong IMC kasama po ang ilang mga pare para basbasan ang IMC.
00:36At kasunod po niyan ang magiging first official press briefing o press conference ng summit na gaganapin po rito.
00:45Ayan, makikita nga po natin narito po yung mga pare na nagbabasbas na nga po sa paligid ng IMC.
00:51Ayan, inikut na po nila yung IMC. Bawat sulok, bawat lugar po rito ay kanila po binasbasan para masigurong magiging
01:00successful of course at magiging peaceful din.
01:06And very smooth ang flow ng buong 49th ASEAN Summit.
01:11At gaya nga po na nabanggit ko kanina, pagkatapos po ng formal na pagbubukas doon sa labas kung yung pinakita
01:18kong area sa inyo kaninang alasais,
01:20e dito naman po gaganapin sa likuran ko lamang po yung press briefing.
01:24At kaugnay po niyan at iba pang mga asahan natin para sa 49th ASEAN Summit 2026,
01:30ay makakapanayan po natin si DFA Assistant Secretary Dominic Xavier Dax Imperial,
01:35ang spokesperson po ng ASEAN Affairs.
01:37Magandang umaga po sa inyo, ASEC Dax.
01:40Hi, good morning. Magandang umaga po sa inyong lahat.
01:46Alright.
01:47Mula po ngayong araw na ito, may mga asahan na po ba tayo, mga delegates na magsisidatingan na po dito
01:53sa ating bansa?
01:55Yung mga international delegates po, ASEC?
01:59Yes. Sa ngayon po, we are already expecting...
02:03Actually, today is the meeting of the senior officials and tomorrow naman po yung meeting ng mga foreign ministers.
02:12So marami na po tayo mga delegasyon ngayong araw pa lang magsisimula na yung kanilang meeting.
02:21And the peak of their arrival, when are we expecting this, ASEC?
02:26And of course, ang pinakamahalaga po dito ay yung pagpupulong ng mga leaders.
02:31So asahan din po natin na yung mga leaders, especially ng ASEAN,
02:36ay dadating na po sila simula bukas.
02:39And then magsisimula po yung kanilang meetings, of course, on the 15th hanggang sa 17th po ito ng November.
02:50Alright, three days to go before the ASEAN summit proper.
02:57Masasabi po ba natin 100% ready na po ang Pilipinas para sa gaganaping summit?
03:03Definitely, masasabi ko po na 100% ready.
03:07Alam niyo po, iyong preparasyon dito sa ASEAN summit,
03:11ito po talaga ay a whole of government approach.
03:16And actually, hindi lamang po sa gobyerno.
03:18But yung ating po mga kapabayan, everyone pitched in to the preparations.
03:24At yung pag-prepare po natin dito, hindi lamang nangyari a few days or a few months ago.
03:31But in fact, since last year, nag-prepare na po tayo dito.
03:34And yung DFA naman po ay nakikipagtulungan with the ASEAN National Organizing Council.
03:41Ito pong NOC, sila po talaga yung punong abala, kumbaga, sa pag-prepare,
03:47especially sa mga administrative, sa operational preparations para sa summit.
03:52And according to them, talaga pong we are 100% ready.
03:57Yung nga po, magsisimula yung meetings ng mga senior leaders.
04:01And then this will proceed until po sa pagpupulong ng mga pinuno mismo.
04:09And idagdag ko rin po na hindi lamang yung ASEAN leaders yung pupunta,
04:13kundi meron din po tayong mga leaders from our dialogue partners.
04:17So talagang malaki po ito na pagpupulong itong ASEAN Summit.
04:24Speaking of dialogue partners,
04:29meron po ba tayong aasahan na magkakaroon ng pagpupulong mismo,
04:34bilateral meetings, si Pangulong Bongbong Marcos at si US President Donald Trump?
04:40Meron pong pagpupulong bilaterally between the two leaders,
04:44si President Marcos at si President Trump?
04:47And bukod po doon, marami pang ibang bilateral meetings na gaganapin
04:54sa pamumuno po ni President Marcos.
05:00Alright, security wise, since darating nga po yung mga world leaders sa ating bansa,
05:05meron po ba tayong partikular na tinututukan na banta?
05:09Well, on security naman po, per our coordination with the National Organizing Council,
05:16ang sabi naman po nila ay ready na rin po tayo sa mga security concerns na na-identify
05:23ng mga committees na nag-handle nito.
05:26We're looking, of course, at yung sa siguridad ng mga delegasyon.
05:32We're also looking at yung, even sa cyber security,
05:35kasi nga po, kailangan bantayan natin yung ating mga facilities.
05:40So, according to NOC, they are ready and prepared to handle such security issues.
05:50Alright, ASEC, sa pag-uusapan ng mga ASEAN leaders,
05:54they're expecting to reach the conclusion of the Code of Conduct sa West Philippine Sea.
06:00Ano po yung inaasahan natin na talagang maaabot na ba ito by this 2026 summit?
06:08Sa ngayon po, yung negosasyon sa COC, it's ongoing, the negotiations.
06:14And ang maasahan po natin ngayon is yung pagpapatuloy na pag-negotiate dito sa COC.
06:22Sa Pilipinas po, mahalaga na kailangan ito po ay very substantive.
06:29Tsaka yung mahalaga rin po para sa Pilipinas na yung COC na mapag-aagreehan ng mga bansa sa ASEAN and
06:37with China
06:38is it's an agreement that will determine the behavior of all the parties at sea.
06:49And then, at the same time, gusto rin po natin na yung mga karapatan po ng third parties
06:54or yung ibang bansa na hindi part nito ay hindi rin po sila maaagrabyado dito sa agreement na ito.
07:02So, we are ensuring na yung mga elements po na yun ay nakapaloob dito sa agreement.
07:07And that's why patuloy pa rin po yung pag-uusap at yung negosyasyon sa COC.
07:15All right. Huli na lang, ASEC. Aasaan po natin mapag-uusapan din yung tungkol sa patuloy na gulo sa Middle
07:22East
07:22at yung mataas na presyo ng produktong petrolyo. Very briefly, ASEC.
07:29Tama po yun. So, during this summit, kasama po sa agenda yung patuloy na impact ng Middle East crisis.
07:39Hindi lamang po sa ASEAN, but especially dito po sa ating bansa.
07:43Alam naman po natin na nararamdaman pa rin po natin yung epekto ng crisis dito sa Pilipinas.
07:51So, yan po ay nasa agenda. Pag-uusapan po ng mga leaders kung ano po yung ano pang mga measures
07:58na dapat nating ma-implement.
08:02Hindi lamang ma-identify, but ang importante dito ay ma-implement yung mga measures
08:08na mag-a-address para po naman ay maibsan yung impact nitong crisis sa Middle East.
08:16At ang isa pa pong importante dito is, hindi lamang yung ASEAN leaders yung mag-uusap-usap.
08:21Kaya po, importante na pupunta dito yung mga leaders from our dialogue partners.
08:26Kasi sila po, kasama rin sila sa magiging pag-uusap, sa mga kooperasyon.
08:32So, ito po ay magiging hindi lamang regional, but global na siya na pag-uusap tungkol sa pag-address natin
08:39sa crisis.
08:40Alright.
08:43Maraming maraming salamat po sa inyong panahon at sa informasyong binigay niyo po sa amin.
08:47DFA Assistant Secretary Dominic Xavier Dax Imperial spokesperson po ng ASEAN Affairs.