00:00Nagastos na naman kung kailan magpapasko dahil magmamahal ang singil ng Meralco ngayong Nobyembre.
00:06Pero tila may pag-asa nga bang magbago pa ang ihip ng hangin sa Desyembre?
00:12Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:16Magpapasko pa naman, panahon kung kailan, mapapangiti na naman tayo sa mga ilaw pamasko
00:22na nagpapaliwanag sa karaniwang madilim na mga gabi.
00:25Pero kailangan bang maghinay sa pagtadtad ng ilaw sa bahay ngayong tataas ang bayarin sa kuryente?
00:3349 centavos per kilowatt-hour ang dagdag singil sa mga Meralco customers ngayong buwan.
00:38Isang bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan, madadagdagan ang buwan ang bayarin ng 98 pesos.
00:45Mas mataas ang konsumo, lalong mataas ang dagdag sa bill.
00:49Ayon sa Meralco, dahil daw ito sa mas mataas na generation cost na ibinabayad sa mga generation companies para sa
00:56paglikha ng kuryente.
00:58The generation cost is primarily driven by the increase in the price of first gas prime core gen,
01:07which registered at 2 peso and 92 centavos increase.
01:11The wholesale electricity spot market at 4 pesos and 40 centavos round it off.
01:16Namitigate naman ng aming mga power supply agreements at almost 28 centavos per kilowatt-hour.
01:23Pero balik sa tanong natin, kailangan bang magpigil sa pagpapailaw ngayong Paskong?
01:28May ibang mas dapat pagtuunan ng pansin?
01:31Ayon sa Meralco, hindi naman gaano malakas kumonsumo sa kuryente ang mga Christmas lights.
01:36Ang dapat daw bantayan ay yung paggamit ng mga cooling devices gaya ng electric fan at aircon.
01:42Para maging optimal daw ang paggamit ng mga aircon, iset raw dapat sa 25 degrees ang temperatura.
01:50Ano't anuman ang dagdag-singil malaking epekto sa mga Meralco customer,
01:54tulad ng parlor ni Shane na nagkapatong-patong na ang bayarinda sa mahinang negosyo nitong mga nakalipas na buwan.
02:01Yung sunod-sunod po na umuulan nung last time po, halos 3 weeks po kami walang customer po.
02:07Kaya po wala din po kami ang pambahay ng bill.
02:10Napakalaking bagay po noon. Pwede na po pabili ng ano po yun, ng mga like mantika.
02:17Yung electric fan, siguro sa gabi lang, kasi sa gabi lang naman kami and sa bahay lahat.
02:21Pero tila may pag-asang magbago ang simoy ng hangin sa Disyembre.
02:26Hindi pa kasi ramdam sa bill ngayong Nobyembre ang ibinaba ng presyo ng petrolyo na ginagamit ng ilang power plant
02:32o ang pagbawi ng halaga ng piso kontinulyar na may epekto rin.
02:36Yung fuel na ginamit na October, yun pa yung no-order in prior months,
02:41so kunyari August or September.
02:42So hindi pa natin nakita yung efekto nung recent pagbaba ng world oil prices
02:47sa presyo ng fuel na ginagamit ng mga generator.
02:50So nakamakita natin yung mga susunod na buwan.
02:54So yung exchange rate na ginamit natin for the November generation charge,
02:57hopefully if this will be maintained up until the last banking day of November,
03:04may epekto na yun sa December generation charge.
03:07Bukod dyan, may aasahan namang 17 centavos per kilowatt hour na refund
03:11mula sa actual weighted average tarif o awat na pinare-refund ang Energy Regulatory Commission.
03:17Simula na rin yan ngayong Nobyembre at tuloy-tuloy hanggang sa ma-refund na sa mga customers
03:23ang kabuhuang 2.64 billion pesos.
03:27Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.