00:00Mga kapuso, 42 tulog na lang, Pasko na, at pami-pamilya ang dumayo sa Valenzuela para po sa pagpapailaw ng
00:10Christmas trees sa Valenzuela City People's Park.
00:13At saktong money yan lalo na ngayong long weekend.
00:16Saksi si Jamie Santos.
00:20Iba ang saya kapag sama-sama ang pamilya sa pagsalubong sa Pasko.
00:24Sa Valenzuela City, sinabayan pa ng makukulay na ilaw at dekorasyon ng pagdiriwang ng pagbubukas ng Christmas season.
00:32Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor West Gachalian ang pagpapailaw sa Christmas tree sa Valenzuela City People's Park sa Barangay Karuhatan.
00:41Tampok sa parke, ang iba't ibang Christmas decorations na nagsilbing atraksyon sa mga pamilyang dumayo para mamasyal.
00:49Pati ang fountain, tila sumasayaw at sumasabay sa tugtog ng Christmas songs.
00:54Sinabayan pa ito ng fireworks display na lalong nagpasigla sa gabi.
00:58May food bazar din para sa mga gustong kumain at changgi naman para sa mga nais mamili.
01:04Hindi lang mga dekorasyon ng tabok sa pagdiriwang, kundi pati ang pagkakataong magsama-sama ang pamilya at magkakaibigan.
01:12Pero para sa mga dumalo, higit pa sa mga ilaw at kasiyahan ang kahulugan ng pagdiriwang ng Pasko.
01:18Mahalata po yan sa ating mga Pilipino na kahit anong klima, nagagawa po rin po natin i-enjoy yung gantong
01:25panahon, lalo na ngayong Pasko.
01:27Bahagi na ng kulturang Pilipino ang maagang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
01:31Para sa ilan, mahalagang ipagpatuloy ang tradisyong ito sa kabila na mga nangyayari sa bansa at sa iba't ibang panig
01:38ng mundo.
01:38Sa culture po natin Pilipino na simula September po, i-celebrate na po yung Pasko and deeply rooted po talaga
01:47sa Christianism.
01:50So, dapat lang po talaga na i-celebrate natin kahit despite sa mga nangyayari sa Philippines and all around the
01:58world para ma-feel po natin yung true spirit of Christmas po.
02:03Ito po yung okasyon kung saan nagsasama-sama po yung pamilya, dito po nabubuo po ulit yung, dito po nagkakaroon
02:12ng kamustahan.
02:13Kasi sa loob po ng isang mahabang taon, ito po yung dulo na kung saan makakapag-catch up po. Ito
02:19po yung pinaka na-enjoy ng mga Pilipino.
02:21Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments