Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Bumper to bumper ang trafico sa bahagi ng Skyway palabas ng Metro Manila, mag-alas 9.30 ngayong gabi.
00:08Kasabay po yan ang Payday Friday at Long Weekend.
00:11At bumagal din ang trafico sa ilang bahagi ng EDSA, gaya ito lang sa EDSA Bonny, mag-alas 10 ng
00:17gabi.
00:17Sa ngayon, traffic sa EDSA Northbound Lane sa Bandang Mandaluyong, pati na sa North EDSA sa Quezon City,
00:25ngayon din sa Ayala Underpass Southbound.
00:29Usad pagwang din ang mga sasakyan sa bahagi ng Kubaw.
00:36Panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
00:41Batay sa apat na araw na trading, apat na piso hanggang limang piso ang posibing bawas sa kada litro ng
00:47diesel.
00:48Tatlo hanggang apat na piso naman sa kada litro ng gasolina.
00:51Ayon sa DOE Oil Industry Management Bureau, mas tahimik ngayon ang sitwasyon sa Persian Gulf, kaya pababa ang presyo ng
00:58langis.
00:58Pero ayon sa Oil Industry Source, nananatili ang banta sa supply dahil sa mga pag-atake sa energy infrastructure ng
01:05Saudi at mga banko ng Strait of Hormuz.
01:11Dagdag singil naman at dapat paghandaan ng mag-customer na Meralco ngayong Nobyembre.
01:15Pero posibing bumaba ang singil sa Desyembre ngayong pababa ang presyo ng langis.
01:19Saksi, si Bernada Tray.
01:24Nagkapatong-patong na ang bayarin sa parlor na pag-aari ng negosyanteng si Shane.
01:29Mahina pa ang negosyo nitong mga nakalipas na buwan.
01:32Yung sunod-sunod po na umuulan nung last time po, halos 3 weeks po kami walang customer po.
01:38Kaya po wala din po kami pambayad ng bill.
01:41Kaya panibagong sakit ng ulo ang halos 49 centavos kada kilowatt hour na dagdag singil na Meralco ngayong Nobyembre.
01:47Katumbas iyan ang 98 pesos na dagdag sa bill na makakumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
01:54Ayon sa Meralco, dahil ito sa mas mataas na generation cost na ibinabayad sa mga generation companies para sa paglikha
02:02ng kuryente.
02:03Nakaapekto pa rin ang gera sa Middle East, gayon din ang paghina ng piso contra dolyar nitong mga nakaraang linggo.
02:09Tumaas din ang demand sa kuryente sa Luzon dahil sa mas mainit na panahon nitong Oktubre, bunsod ng El Niño.
02:16The generation cost is primarily driven by the increase in the price of first gas prime core gen which registered
02:26a 2 peso and 92 centavos increase.
02:29The wholesale electricity spot market at 4 pesos and 40 centavos round ito.
02:35Namitigate naman ng aming mga power supply agreements at almost 28 centavos per kilowatt hour.
02:42Pero kung magmamahal ang electric bill, paano na ang nakagawi ang Christmas lights sa darating na Pasko?
02:49Ayon sa Meralco, hindi naman gaano malakas kumonsumo sa kuryente ang mga Christmas lights.
02:54Ang dapat daw bantayan ay yung paggamit ng mga cooling devices gaya ng electric fan at aircon.
02:59Para maging optimal daw ang paggamit ng mga aircon, isetraw dapat sa 25 degrees ang temperatura.
03:07Ang good news, posibleng magbago ang simoy ng hangin sa Disyembre.
03:11Hindi pa kasi ramdam sa November bill ang ibinaba ng presyo ng petrolyo na ginagamit ng ilang power plant,
03:18gayon din ang pagbawi ng halaga ng piso kontradulyar.
03:21Yung fuel na ginamit ng October, yun pa yung na-order in prior months, o kunwari August or September.
03:27So, hindi pa natin nakita yung efekto nung recent pagbaba ng world oil prices sa pressure ng fuel na ginagamit
03:34ng mga generator.
03:35So, baka makita natin yung sa mga susunod na buwan.
03:38So, yung exchange rate na ginagamit natin for the November generation charge,
03:42hopefully if this will be maintained up until the last banking day of November,
03:49may efekto na yun sa December generation charge.
03:52Bukod dyan, may aasaan namang 17 centavos per kilowatt hour na refund
03:56mula sa actual weighted average tarif o awat na pinare-refund ang Energy Regulatory Commission.
04:02Simula na rin yan ngayong Nobyembre at tuloy-tuloy hanggang sa ma-refund sa mga customers
04:07ang kabuhuang 2.64 billion pesos.
04:11May good news ding maaasahan ng mga kumukonsumo na LPG.
04:15Ayon sa LPG Marketers Association,
04:17posibleng bumaba pa ang presyo sa Disyembre dahil sa paggalaw ng presyo sa world market.
04:22As of today, ang ibinababa na po sa international market ay nasa $120 per metric ton.
04:28So, ang katumbas po nito ay mga halos 10 piso na po bawat kilo.
04:33Nagbaba na po kami kahapon ng 2 piso kada kilo.
04:36As initial advance rollback.
04:38At masusundan pa po ito linggo-linggo hanggang sa dumating po tayo sa Disyembre.
04:43Ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
04:52Hindi pa mga nakakarating sa Pilipinas,
04:55magkakasunod na ang protesta laban kay US President Donald Trump at sa Fax Silica Project.
05:00Nagsimula namang dumating ang ilang leader para sa ASEAN Summit.
05:04Saksi, si Marie Jumal.
05:09Dumating na sa Pilipinas si Brazilian President Luis Inacio Lula da Silva,
05:14isa sa mga dadalo sa ASEAN Summit and related summits na magsisimula sa linggo.
05:19Imbitado ang Brazilian President Milang Guest of the Chair sa plenary session.
05:23Nasa bansa rin siya para sa state visit,
05:25ang unang pagbisita sa Pilipinas na isang kasalukuyang Brazilian President.
05:30Ngayong araw at bukas, nakatakda ang mga pagpupulong ng mga foreign minister.
05:34Sa linggo hanggang martes naman,
05:36ang mga sunod-sunod na pulong ng mga leader ng ASEAN Member States,
05:40kabilang ang mga pulong sa mga partner tulad ng Australia, Japan at South Korea.
05:45Apot ang pahunahing usaping inaasahan magbubungan ng mga desisyon
05:48at karagdagang hakbang sa summit na may direktang epekto sa mga mamamayan.
05:52Kabilang dito ang energy security,
05:54lalo na ang mga hakbang para matugunan ng patuloy na epekto ng crisis sa Middle East,
06:00sa supply at mahal na presyo ng enerhiya,
06:03particular ang mga produktong petrolyo.
06:05Isa rin sa pinakamahalagang usapin sa summit,
06:07ang pagkakaroon ng Court of Conduct sa South China Sea.
06:11Ayon sa DFA, nasa 70% na ang progress ng negosasyon.
06:14From the Philippines side, what we want to ensure is that the COC will guide the behavior of all parties
06:23in the South China Sea.
06:25And we are also pushing for, you know, the rights of the third parties to be respected
06:31even if they're not part of the negotiation.
06:35May pulong din si Pangulong Bombo Marcos kay United Nations Secretary General Antonio Guterres
06:40at mga leader ng Japan, Australia, Brazil, South Korea, India at Laos.
06:45Magkakaroon din ang bilateral meeting si Pangulong Marcos at U.S. President Donald Trump.
06:50Sa martes, inaasahan darating ang U.S. President kasabay ng closing ceremony ng ASEAN Summit.
06:56Sabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Dax Imperial,
06:59magtatapos nito sa isang ASEAN-U.S. Special Summit.
07:01The intent of ASEAN and U.S. is to have a more candid discussion during this summit.
07:09And when we planned this summit, the important consideration here was for leaders-only participation
07:20and that would enable actually these leaders to candidly discuss the agenda that is set for that summit.
07:31Paxilica!
07:33Paxilica!
07:34Paxilica!
07:34Paxilica!
07:35Paxilica!
07:36Paxilica!
07:36Ngayong biyernas, nagprotesta ang mga estudyante mula sa iba't ibang universidad sa Metro Manila
07:41bilang pagtutol sa pagbisita ni Trump.
07:44Pangamba nila sa pagdating ni Trump,
07:46masiselyuhan na ang Paxilica project para sa supply chain ng artificial intelligence,
07:51semiconductor at advanced manufacturing.
07:53Ang kanyang pagpunta po mismo dito ay isang sign o manifestasyon na talagang rinarotsyada na ang Paxilica.
08:01Hindi po kailanman papayag ang mga kabata ng mga Pilipino na masira po ang ngayon at ang kinabukasan na dapat
08:07natin inaasam.
08:09Ayaw namin po, dahil wala na kaming lupa.
08:11Tinatapos na rin ang FEG ni Trump para sa malakihang pagkilo sa liwasang Bonifacio.
08:17Sasalubungin namin si Donald Trump ng protesta at ang FEG na ito,
08:20ang isa sa mga simbolo namin ang papoprotesta kaming mga alagad ng sini.
08:24Nagsama-sama kami at nagkaisa na gumawa ng FEG na ito na tinatawag namin Trumpocalypse.
08:31Kasabay rin sa walkout ang mga estudyante sa mga universidad sa Baguio City.
08:36Paxilica!
08:38Paxilica!
08:39Paxilica!
08:39Ako si Maris, umali ang inyong saksi.
08:43Traffic ang sumalubong pati po sa mga pasahero na patungong airport na yung simula ng long weekend.
08:48Sa PITX, karamihan sa mga unang na fully booked ang mga bus na biyaheng Baguio.
08:53Saksi, si Katrina Song.
08:59Biyaheng Vietnam para sa long weekend ang pasaherong si Jenny Rose.
09:03Pero bago makarating sa airport, hassle daw ang commute kahit pa nag-TNBS na siya.
09:09Almost one hour din po ako nag-book.
09:12And after po nun, kahit sa skyway po, nahirapan po kami makapasok since traffic.
09:19Medyo na traffic din po kami dyan sa may labas.
09:22Si Rosie, na biyaheng makolod kasama ang anak, inagahan na ang pagpunta sa airport.
09:27Sobra, kahit nga wala yan, sobrang traffic eh.
09:30So ngayon, talagang sigurado yan na sobrang traffic.
09:35Puti nga hindi kami na-cancel kasi yung sa Iloilo na-cancel eh.
09:37Sa inirabas na abiso ng Department of Transportation at Civil Aeronautics Board o CAP,
09:42sinabi nitong aabo sa 264 domestic flights at 58 international flights,
09:48mula November 13 hanggang 19 ang apektado dahil sa ASEAN Summit.
09:52Ang mga apektadong pasahero, maaari raw mag-rebook ng libre, kumuha ng full refund
09:57o ilagay ang halaga ng tiket sa travel fund na magagamit sa susunod na transaksyon sa airline.
10:03Ayon sa new NIA Infra Corporation no NNIC, normal pa sa ngayon ang sitwasyon sa NIA.
10:09Bukas pa inaasahang mas narami ang mga pasahero sa paliparan.
10:13May ikbit din ang siguridad dahil bukod sa pulisya ay kapansin-pansin ang pagdami ng security forces sa NIA Terminal
10:203.
10:21Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange sa PITX, pahirapan na raw ang pagkuhan ng mga tiket kanina.
10:28Kung last minute na lang na bus kung ano available, yun na lang po kinuha namin.
10:32Pag aircon, wala na. Kung ano na lang po, basta makauwi.
10:37Mahaba-haba lang yung paghihintay kasi marami pong pasahero ngayon kumukuha.
10:43Usually kasi pag ano, diretsyo na kami sakay.
10:47Ngayon po, aantay pa kami ng mga 3 hours bago makakasakay.
10:53Ayon sa pamunuan ng PITX, karamihan sa mga unang na fully booked ang mga bus na biyaheng Baguio.
10:59Gayun din ang papuntang La Union at Batangasport.
11:01This time, na-observe natin ang mga nauunang mapuno na mga biyahe natin, yung mga pasyalan.
11:07So meaning, yung mga travel ngayon, mostly panggala.
11:10Ngayong araw, nasa mahigit isang daang libo na raw ang mga pasahero dito.
11:14Pero inaasahang darami pa ito at maaaring umabot sa dalawandaang libo.
11:19Sa very long weekend, diba? So talagang inaasahin na maraming tao ngayon, lalo na mamayang gabi hanggang bukas.
11:26Handa raw dito ang PITX.
11:27Para naman tiyaking sapat ang mga pampublikong sasakyan sa gitna ng long holiday break,
11:33nagbigay ng special permit ang LTFRB sa mahigit 370 na bus.
11:38Nasa 245 units dyan ang biyaheng Northern Luzon.
11:41Nasa 111 units naman ang biyaheng Central Luzon.
11:45Ang iba pang nabigyan ng special permit, mga bus na patungong Bicot, Southern Luzon at Western Visayas.
11:52Ako si Katrina Son, ang inyong saksi!
11:57Ako si Katrina Son, ang inyong saksi!

Recommended