Skip to playerSkip to main content
THIS WEEK’S HEADLINES, EXPLAINED!

Mula sa pagbaba ng presyo ng langis hanggang sa pagtaas ng unemployment rate sa Pilipinas, ano nga ba ang kuwento sa likod ng mga numerong ito?

Samantala, bakit mahalagang maging transparent pagdating sa pagdedeklara ng investment sa SALN ng mga public official? Paano mapoprotektahan ang personal na impormasyon sa gitna ng data breaches? At sino nga ba ang nag-viral na tech billionaire na si Jensen Huang?

Iba't ibang isyu at mga tanong na naghahanap ng kasagutan, hihimayin natin sa The Week Explained kasama si James Agustin.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00What is the definition of loose investment, man?
00:12Mula sa pababa ng presyo ng langis hanggang sa pagtaas ng unemployment rate ng Pilipinas,
00:18pati sa mainita diskusyon sa impeachment trial at maiinit na kontrobersiyang pinag-uusapan online.
00:24Ilan lamang yan sa mga balitang umagaw ng atensyon ngayong linggo.
00:28Ano nga ba ang kwento sa likod ng mga ito?
00:30Balikan natin ang mga yan sa panibagong episode ng The Week Explained.
00:36Sa gitna ng pagbulusok ng pandaigdigang presyo ng langis kasunod ng pagkapanalo ng Democrats sa midterm elections,
00:42posible rin kaya magdulot ito ng tuloy-tuloy na rollback sa presyo ng langis sa Pilipinas?
00:47At sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong linggo,
00:52naging usapin ng umano'y loose investment ng vicepresidente sa isang kumpanya.
00:56Ano nga ba ang sinasabi ng batas pagdating sa investment ng mga public official?
01:01Safe pa ba ang personal information mo?
01:04Matapos magsumitin ang data breach notifications ng ilang government agencies,
01:08ano nga ba ang posibleng mangyari kapag na-compromise ang iyong personal data?
01:12Bakit nga ba tumaas ang youth unemployment rate sa bansa?
01:16Jensen Wang, nag-resign na bilang CEO ng American tech giant na NVIDIA,
01:21kasunod na mga ulat tungkol sa kanyang close relationship sa isang hinihinalang Chinese spy.
01:27Bakit nga ba ito nagdulot ng pangamba sa pambansang seguridad ng US?
01:31Ako si James Agustin at itong The Week Explained.
01:35Dahil mabuti ng malinaw.
01:38Presyo ng gasolina, ibaba.
01:41Yan ang when.
01:42Sa katatapos lang na midterm elections sa Amerika,
01:45naging usap-usapan ng big win ng Democrats.
01:47Kasunod nito, kapansin-pansin naman ang pagbaba ng pandaigdigang presyo ng langis,
01:52na ayon sa mga eksperto,
01:54epekto raw ng optimism o yung inaasahang paghupa ng tensyon sa Middle East.
01:58Naramdaman mismo yan dito sa Pilipinas,
02:01na mag-anunsyo ng double-digit rollback sa presyo ng gasolina kada litro ngayong linggo.
02:05Kaya naman, tanong ng marami, tuloy-tuloy na kaya ito?
02:09Matapos magwagi ng Democrats sa US midterm elections
02:12at makuha nila ang control sa Senate at House ng Amerika,
02:16bumulusok agad ang pandaigdigang presyo ng langis.
02:20Ang Brent Crude na International Benchmark o basihan ng presyo
02:24bumagsak sa $94.62 per barrel.
02:28Habang ang West Texas Intermediate Crude Oil na isa pang major benchmark
02:33naging $88.12 per barrel.
02:37Ayon sa mga analysts,
02:38epekto ito ng optimism o inaasahang paghupa ng tensyon sa Middle East
02:43bunsod ng political pressure kay US President Donald Trump na isang Republikan.
02:48Ang pagkakapanalo kasi ng Democrats ay magbibigay sa kanila ng kapangyarihang harangin
02:53ng mga gagawing hakbang ni Trump.
02:56Ayon sa Lipo Oil Associates, isang consulting firm sa Houston, Texas,
03:00pwede rin i-restrict ng Democrats ang pondo para sa Middle East war
03:04na inilunsad ni Trump noong February 2026.
03:09Ang epekto ng pagkapanalo ng Democrats sa presyo ng langis ay naramdaman natin dito sa Pilipinas
03:14ayon sa Department of Energy.
03:17Ayon sa Oil Industry Management Bureau,
03:20kasabay ng political development na ito sa US,
03:23ang inaasahang pagresolba ng sigalot sa pagitan ng US at Iran
03:26at paghupa ng pangamba sa oil supplies mula Middle East.
03:31Nitong November 10, nasa 16 pesos 80 centavos per liter
03:36ang tapies sa presyo ng kada litro ng gasolina.
03:39Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng double-digit rollback sa gasolina
03:44sumula ng sumiklabang tensyon sa Middle East.
03:47Nasa 4 pesos 10 centavos per liter naman
03:51ang rollback sa diesel at 3 pesos 70 centavos per liter sa kerosene.
03:57Malaking kaginhawaan daw ito sa mga motorista.
04:01Ang tanong ng maraming choper ngayon,
04:03magtutuloy-tuloy na kaya ang pagbabasa presyo ng petrolyo sa ating bansa?
04:12Kung si Energy Secretary Sharon Garin ang tatanungin,
04:15posible rao na hindi agad-agad mag-stabilize ang fuel prices,
04:19lalo't hindi rin stable ang palitan ng piso kontra dolyat.
04:23Naano na nang sinabi ng DOE nitong June 2026
04:26na kung magkakaroon man ang kasunduan ng Amerika at Iran
04:29na tuluyan ng itigil ang gera,
04:31posibleng abutin pa ng 6 na buwan hanggang isang taon
04:34bago bumalik sa dati ang oil prices sa Pilipinas.
04:38Dahil hindi agad masusolusyonan ang epekto ng kaguluhan sa supply ng langis.
04:45Paliwanag din ang ilang analyst sa January 2027
04:48pa manunong pa ang mga bagong miyembro ng US Congress.
04:52Kasunod nito,
04:53pipili muna sila ng mga pinuno
04:55at ipapinalize ang committee assignments
04:57bago sila makapagpasa ng mga bagong batas.
05:01Bagaman pwedeng i-pressure ng Democrats si Trump
05:03na tapusin na ang Iran War,
05:05hawak pa rin ni Trump ang veto power.
05:08Ibig sabihin,
05:09pwede pa rin niyang harangin o tutulan ang pagpasa ng anumang batas.
05:13Nananatili rin ang kanyang control sa military operations
05:16at iba pang executive actions
05:18na pwedeng maka-apekto sa supply ng langis.
05:21Sa tingin naman ng Dow Jones Energy
05:23isang market intelligence platform.
05:26Oras na matapos ang Iran War,
05:27posibleng bumaba agad ng $20 per barrel ang krudo.
05:32Pero matatagalan bago ito maramdaman sa mga gasolinahan.
05:36Ang mga barko raw kasing na-divert dahil sa tensyon
05:39ay pababalikin sa kanilang dating ruta
05:41at posibleng magdulot ito ng backlog.
05:44Ang dalang langis ng mga barko
05:46ay kailangan pang i-refine at i-proseso
05:49bago maibaba sa merkado.
05:52Sa refineries ng Russia,
05:54nagmumula ang malaking porsyento ng diesel sa global market.
05:58Wala rin daw kasiguraduhan na hindi na magkakaroon
06:00ang pag-atake sa Strait of Hormuz bago matapos ang 2026
06:03dahil pwede raw gamitin
06:05ang kasalukuyang administrasyon
06:07ang window na ito
06:08para isakatuparan ang kanilang layunin
06:11bago maupo ang mga bagong halal
06:13na mababata sa Amerika.
06:16In short,
06:17may temporary relief man tayo
06:19sa mahal na petrolyo.
06:21Hindi pa natin masasabi na may katiyaka
06:23na magtutuloy-tuloy ito.
06:25Pangako naman ng DOE is
06:26sisiguruhin daw nilang matatamasa
06:28ng mga Pilipino
06:29kung merong bawas presyo
06:31sa international oil prices.
06:32Ako po si Dana Tingkungko
06:34para sa GMA News.
06:36Loose Investment
06:37Yan ang terminong ginamit ni Gencorp
06:39in-house counsel at defense witness
06:41Suset Balucanag, Punay.
06:42Sa kontribusyon umano ni VP Sara Duterte
06:45sa isa sa fast food branches
06:46na pag-aari ng Gencorp Industries Incorporated
06:49kung saan nakatanggap umano
06:51ang vice-presidente
06:52ng buwan ng payout
06:53bilang return of capital
06:54na umabot sa 2.14 million pesos
06:57sa loob na apat na taon.
06:59Loose Investment daw ito
07:00dahil nagsimula ako muna ito
07:01sa unang kontribusyon
07:03ni VP Duterte noong 2007
07:04bago pa man magsimula
07:06mag-operate ang natural branch.
07:08Ano nga bang sinasabi ng batas
07:10pagdating sa investment
07:11ng mga public official?
07:12Alamin niyan
07:13sa explainer na ito.
07:16Sampai jumpa na ito.

Recommended