00:22J.P.
00:30At Vicky, mga kapuso, hindi man natapos kung kailan pa man ASEAN Chair ang Pilipinas sa ASEAN 2026
00:35ang mga matagal ng binubuong Code of Conduct on the South China Sea.
00:39Iginiit pa rin ni Pangulong Bongbong Marcos na makaharap niyang opisyal ng China sa ASEAN-China Summit
00:44na importanteng matapos na talaga ang COC para matigil na ang napakatagal ng problema sa West Philippine Sea.
00:55Mahigit dalawang dekada ng pilit binubuo ang Code of Conduct o COC on the South China Sea
01:01ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at ng China.
01:05Sa gitna pa rin niya ng agawan sa ilang teritoryo sa dagat na yan, hindi lang ng China at Pilipinas.
01:11May overlapping claims din sa South China Sea ang Vietnam, Malaysia at Brunei.
01:16Dahil Pilipinas ang ASEAN Chair, tinarget nitong matapos ngayong 49th ASEAN Leader Summit and Related Summits ang COC
01:23na inaasahang magpapakalma ng sitwasyon sa South China Sea.
01:27Pero kahapon, sinabi na ni Foreign Affairs Secretary Teresa P. Lazaro na siya ring ASEAN Ministerial Chair
01:33na hindi na matatapos o aabot ang konklusyon ng COC ngayong 49th ASEAN Summit.
01:39Ipa-uubayan na ito sa Singapore na siyang Chair ng ASEAN sa susunod na taon.
01:44There's no conclusion yet. Sinabi ko nga na 80%. Actually, it's even increasing as discussions continue.
01:52What was the COC before we shepherded it? It was only about 50% perhaps.
01:58But to go to 80 and even moving, then there's a little bit, konti na lang pag-uusapan nila sa
02:06Singapore.
02:07Ayon sa ilang opisyal ng gobyerno na kasama sa negosyasyon, kabilang sa mga hindi pa nare-resolva kung ano ang
02:13saklaw na teritoryo ng COC,
02:15pati ang kahulugan na mga sensitibong termino at ang pagkilala sa 2016 arbitral ruling,
02:21sabi naman ni Lazaro kabilang sa hindi pa napagkakasunduan ay kung magiging legally binding ang COC.
02:28This is still pending. The relationship between the DOC and the COC, yun pala nga natapos. The three are still
02:38pending.
02:39Hindi pa man tapos ang COC sa ilalim ng Chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN,
02:43binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa opening remarks niya sa ASEAN-China Summit,
02:48ang halaga ng pagtalima sa international law.
02:52Sa harap ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng Communist Party ng People's Republic of China na si Chinese Premier Li
02:58Xiang,
02:59sinabi ng Pangulo na importante ang mapayapang pag-resolva sa mga hindi pagkakaunawaan at pagpipigil sa mga aksyong maaaring magpalala
03:08ng tensyon.
03:09Ngayong 2026, ilang insidente pa rin ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard at agresibong aksyon ang inabot ng
03:16Philippine Coast Guard
03:17at mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
03:20Ipinasa man sa Singapore ang pagtatapos ng COC.
03:25Binigyang importansya pa rin ng Pangulong Marcos ang pag-usad ng ASEAN at China sa pagbuo na isang makabuluhang COC.
03:33During this anniversary year, our shared commitment to international law and the peaceful settlement of disputes must be reflected in
03:41our actions,
03:42including through self-restraint, mutual respect and practical cooperation.
03:47Binigyang di naman ni Premier Siang ang pagpapanatili at pagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng China at ASEAN.
03:57Tradition has not lost its relevance due to international turbulence, but grown more mature and resilient as we work together
04:07to tackle one challenge after another.
04:10Ayon mismo, kay United Nations Secretary General Antonio Guterres na nakapulong ng ASEAN ngayong araw,
04:16may mga bansa talagang ayaw kilalanin ang ungklo sa kabila ng importansya nito.
04:20We as United Nations of course stand for the UN Convention on the Law of the Sea.
04:28It is very important to have a successful negotiation of the code of conduct that has been conducted at the
04:34present moment by ASEAN with China.
04:40Siyempre, Vicky, mga kapuso, muling nausisa si Secretary Lazaro nang humarap siya sa mga mamamahayag matapos sa mga napakaraming pulong
04:47ngayon at ang pulong ng China at ASEAN.
04:48Sabi niya, and I quote,
04:49So I don't think it's a failure, kaugnay sa COC. I think we don't have that. I think we have
04:56done what we have to do.
04:57I mean, as far as sa Filipinas chair, we didn't have more time. Wala na raw oras. And I don't
05:01know what's wrong with that.
05:03Giit po ni Secretary Lazaro.
05:04At ang usapin tungkol sa South China Sea ay tatalakayan po bukas ng ASEAN kapag nakamiting nila si US President
05:10Donald Trump sa US-ASEAN China Special Summit bukas.
05:15At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Vicky.
05:17Maraming salamat sa'yo, JP Soriano.