00:00Vistado ang sabwata ng isang driver at merchandiser para pagnakawan ang supermarket na hinahatira nila ng frozen chicken.
00:10Binabawasan daw ng dalawa ang mga delivery para maibenta sa labas. Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:19Sa kulungan ng bagsak ng dalawang lalaking ito,
00:23matapos mahuling nag-nakaw-umano ng sako-sakong frozen dress chicken sa docking seksyon ng isang supermarket sa Tondo, Maynila.
00:31Ang mga sospek, driver ng closed van at ang kasabwat daw niya ang merchandiser na nag-inventory ng delivery.
00:39Ayon sa pulisya, sa halip na 35 sako,
00:43binawasan ng sospek na driver ng 10 sako ang idineliver nilang frozen dress chicken sa supermarket.
00:49Binayaran din daw niya ang kasabwat niyang merchandiser ng 5,500 pesos para itag as completed ang delivery kahit kulang
00:58ito.
00:58Dapat ang driver ng van magbababa ng 35 saks of frozen dress chicken.
01:06Ang ibinaba lang is 25 saks na dress chicken.
01:11Kaya nung paalis na yung van, pinahold ng guard doon sa mga kasamayan niya.
01:17Inaresto sila ng mga kasamang security guard at saka itinawag sa pulisya.
01:22Posibling i-re-resell daw ng driver na sospek ang hindi ibinabang sako-sakong manok.
01:27Siguro ibibenta sa labas kasi yung 10 saks is nagkakahalaga ng 38,950 according to doon sa supervisor.
01:39Gusto lang din magkapera.
01:40Paliwanag ng driver.
01:50Ang merchandiser naman na sospek aminado rin sa nagawa.
01:57Sinampahan na ng reklamong qualified theft ang mga sospek na nakapiit sa Rahabago Police Station 1.
02:03Narecover naman ang sampung sako ng frozen dress chicken.
02:06Nasa kustodya pa ng pulisya ang closed van.
02:09Laman ang mga narecover na sako habang hinihintay ang kautusan mula sa korte.
02:14Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments