00:00Hindi lang ang mga estudyante ang apektado na rin ng init ng panahon dahil sa El Niño,
00:05ang ilang nagtatrabaho sa kalsada.
00:07Noong nakaraang linggo, isang traffic enforcer sa Mangaldan, Pangasinan, ang nahilo.
00:12May unang balita live si Jasmine Gabriel Galman na GMA Regional TV.
00:17Jasmine?
00:21Susan, kasabay nga ng napakainit na panahon,
00:24bunsod ng Very Strong El Niño,
00:25isinasalang-alang ng lokal na pamahala ng kapakanan
00:28ng mga traffic enforcer,
00:30kaya naman nagpatupad sila ng adjustments sa oras ng duty ng mga enforcer.
00:38Maya't maya kung uminim ng tubig,
00:40ang traffic enforcer na si Jason Molik
00:43na naka-assign sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Mangaldan, Pangasinan.
00:47Kung nakakaramdam ng pagkahilo,
00:49agad siyang pumupunta sa lilim.
00:50Kung hindi naman masyado mabigat ang daloy ng trapiko,
00:53pansamantala siyang gumigilid at minomonitor ang usad ng mga sasakyan.
00:57Sa sobrang init ng panahon,
00:59hindi na raw nila kinakayang magbabad sa araw.
01:12Kasabay ng naranasang mainit na panahon na bunsod ng El Niño,
01:16nagpatupad ng adjustments sa duty hours ng mga traffic enforcer.
01:19Isinabay ito sa implementasyon ng modified class schedule sa mga skwelahan sa bayan.
01:24Alas 6 na rin ang umaga,
01:26ang simula ng duty ng mga enforcer.
01:28Ang ginawa namin kaagad ay nag-adjust ng oras.
01:32Tamang-tama dahil yung mga traffic enforcer natin dumarating na 5.30, 5.40.
01:37Sakto naman na sasalang sila ng last size.
01:40Maliwanag na rin yun.
01:41May weekly medical check-up din namang enforcer.
01:44Hindi raw birong epekto ng mainit na panahon.
01:46Isang traffic enforcer na raw ang dinala sa infirmary nung nakaraang linggo
01:50matapos makaramdam ng pagkahilo.
01:53Habang nakaduti,
01:54umayos din agad ang kanyang kondisyon.
01:56Pinapatid ko rin sa HR department
01:59na talagang ganun ang gagawin namin
02:01kasi yun nga,
02:03talagang tagus sa katawan yung init.
02:05Pansamantala rin inilipas sa ibang pwesto
02:07ang mga enforcer na maedad na
02:09at may mga iniinom na maintenance medicine.
02:17Susan, sa ngayon nagpapatupad na ng shifting
02:19sa oras ng duty ng mga traffic enforcers.
02:22Samantala, karaniwang nagsasagawa na lamang muna
02:25ng monitoring sa kalsada ang mga traffic enforcers
02:28sa pagitan ng alas 10 ng umaga
02:30hanggang alas 3 ng hapon
02:32sa mga pagkakataon na wala namang traffic build-up sa kalsada.
02:35Susana?
02:36Parang salamat.
02:37Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
02:44Go!