24 Oras: (Part 3) Mga tinalakay sa 49th ASEAN Summit; Nadisgrasyang truck sa Antipolo; Bagong James Bond, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naka-heightened alert ang Cyber Crime Investigation and Coordinating Center
00:05at iba pang ahensyang nagbabantay sa cyberspace.
00:09Yan ay lalo pat na sa bansa si US President Donald Trump
00:13na makakapulong bukas si Pangulong Bongbong Marcos.
00:17Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso,
00:21sa ngayon ay may dalawang tao na silang inirefer
00:24sa National Bureau of Investigation o NBI
00:27matapos umanong mag-post ang dalawa ng panawagang magdala ng mga baril sa mga rally.
00:34Ang ganitong pag-uudyok daw ng karahasan ang gusto nilang iwasan.
00:39Bukod sa social media, tinututukan din daw nila ang dark web
00:43at mga online discussion forum.
00:47Samatala, sumalpok ang isang 10-wheeler sa isang convenience store
00:51sa Maharlika Highway sa Chaong Quezon.
00:53Ayon sa pulisya, nawala ng preno ang truck na papuntasan ang Bicol.
00:58Wala naman nasugatan o nasawi sa insidente.
01:01Nakikipag-ugnayan na rin ang may-ari ng truck sa pamunuan ng convenience store.
01:13Sa kauna-unahang pagkakasama ng virtual taekwondo sa Asian Games,
01:17makasaysayan ang pagkakapanalo ng 22-year-old si Jeyo Ziape
01:22na nakakamit ang first-ever gold sa event na ito.
01:26Kilalaanin po siya at ang kanyang Asian Games journey
01:29kasama ni Martin Javier na parating in the game.
01:37Sa kanyang unang salang sa Asian Games,
01:41dalawang medalya agad ang inuwi ng 22-year-old taekwondo ace
01:45na si Jeyo Ziape.
01:48Una siyang lumaban sa men's individual poomsay,
01:51taking home the bronze medal.
01:54Pagdating po dun talagang yung iniisip ko na lang po talaga is
01:57ipakita yung kung ano man yung meron na po.
02:00Jeyo's need to perform a standard poomsay
02:03and after that magpo-perform naman siya ng freestyle poomsay.
02:07Sabi ko siya, itrust na lang natin si God.
02:11Parang ilaban mo na yan.
02:12Nagkaroon siya ng sobrang gandang performance.
02:15Nagulat din ako.
02:16Kaya parang nahabol pa namin yung bronze.
02:19Bukod dyan,
02:21Jeyo's made Asian Games history sa virtual taekwondo.
02:25Sa buwe naman ng pagsalang ng sports sa Asian Games,
02:28nakuha agad ni Jeyo's ang first-ever gold.
02:31Nag-ihintay po kami ni Coach Jordan.
02:34Parang medyo nahihilo po ako kasi yun niya po sunod-sunod.
02:38Siguro at that time po, parang iniisip ko lang po talaga na manalo po.
02:43Kasi kumbaga nandun na po kasi.
02:46So, mahirap na po pakawalan.
02:49Umepekto naman po agad yung naplano namin.
02:52So, naging smooth lang rin po yung sa final round.
02:55Ngayon, kabilang na siya sa hanay ng gold medalist sa Asian Games
03:00kasama ni na golden boy Carlos Yulo at pole vaulter E.J. Obiana.
03:05Para po silang mga kuya talaga po.
03:07Being the youngest yun po dun.
03:09Talagang tinake ko na rin po yung opportunity para mag-learn po sa kanila po.
03:15Ngayon, focus ulit sa koleheyo si Jeyo's
03:18habang sinasabay ang training para marating ang pangarap na maging world champion.
03:25Habang ako naman, nakitraining para masubukan ang virtual taekwondo.
03:30First off, we start with the calibration.
03:32So, yung arms mo from the controller and yung legs mo from the sensors
03:36and also the sensors from the back.
03:38So, pati yung spine na-align sa system.
03:40Then after that, we start the game.
03:41Okay, each player has health bars, 1,000 points each.
03:45And then, dun na, lalaban tayo si Sipa.
03:48Tapos, we can only kick to the body or to the head.
03:50Pag mas mabilis ang Sipa, mas mataas ang damage.
03:54Mas mataas din ang damage pag sa ulo ang tama.
03:57Meron ding stun bar na pag napuno, magiging defenseless ang kalaban ng 3 seconds.
04:04Sinibog tayo ni Coach Dane.
04:07We got cooked by Coach Dane.
04:10Both rounds, we lost.
04:11It's really playing like a video game except your character is you.
04:16For this one, at least you have to know the basics of taekwondo.
04:19Ngayong araw, nalaman natin ang kwento ng ating Asian Games Gold Medalist in Virtual Taekwondo.
04:25At kasubukan pa natin maglaro kanina.
04:28So, this has been Martina Vier.
04:31Gius Siapic.
04:32Keeping you in the game.
04:37Ininiklarang labag sa saligang batas.
04:39Ang pagre-required ng bond o bayad mula sa mga tripulante na kumukuha ng claims sa Korte.
04:47Ay sa Korte Suprema.
04:49Labag ito sa due process at equal protection clauses ng konstitusyon.
04:54Dahil nagbibigay ito ng financial burden sa mga tripulante.
04:58Hinihinga ng bond ang mga seatfavor bago nila makuha ang claims para masiguro ang repayment o pagbalik ng bayad sakaling
05:07mabaliktad o baguhin ang desisyon ng Korte.
05:10Ang sabi ng Korte Suprema, mananatiling valid ang pagpapatupad sa Magna Carta o Filipino seatfarers.
05:18Maliba na lang kung may provision itong idedeklarang unconstitutional.
05:31Inalakay ang seguridad ng mga undersea communication cables sa isang pagkitipon na kasabay ng ASEAN Summit.
05:38Pusible umuno kasi ang paranabutake sa mga kable na mahalaga pa naman sa internet at telecommunication.
05:44Nakatutok si Chino Gaston.
05:49Hanggang abroad ka ba makipag-chat, text at call?
05:52Panay ba ang surf mo gamit ang mga international platform?
05:56Malaki ang papel sa koneksyon natin sa ibang bansa.
05:59Ang labing isang undersea communication cables na dumaraan sa mga pinag-aagawang karagatan sa South China Sea.
06:07Yan pa naman ang kumukonekta ng internet at telecommunication ng Pilipinas sa Guam at Mainland Asia.
06:14Kaya good luck pag nasira.
06:17Kaya tinalakay yan sa pangatlong araw ng Manila Dialogues.
06:20Pagaman, 72% pa rin ng mahigit 200 insidente ng pagkasira ng undersea cables kada taon
06:27ay dahil sa pagsabit ng mga angkla ng barko at fishing gear ayon sa Research Institute on Contemporary Southeast Asia
06:35at sunod namang dahilan ang mga undersea earthquakes,
06:38posibli pa rin daw na may manabutahe para gipitin ang internet at communication infrastructure ng ibang bansa.
06:45The problem of attribution, are they linked, really linked to genuine fishing activities
06:52or anchoring of deep sea fishing boats or commercial boats
06:57or are they operations of sabotage by states through militias or specialized units?
07:02Kapag nasira o naputol pa naman yan, limitado ang mga barko at gamit sa rehyon
07:08para isagawa ang pagkukumpuni kagaya ng nangyari noong 2006.
07:13The important thing to realize there is that's a natural disaster.
07:18That was not someone with illicit or nefarious intent.
07:22It highlights the first of three vulnerabilities that I want to address very quickly.
07:29Concentration being one.
07:31We cannot change the geography of the subsea environment.
07:35Many cables are laid in the same place.
07:37So when you have an accident or an incident
07:39or an event of malicious intent,
07:43oftentimes there are cables co-located in those areas.
07:47Ang problema ng Pilipinas,
07:48bukod sa halos walang gamit para silipin ang lagay ng mga undersea cable,
07:53kulang rin daw sa ngipin ang mga batas ng bansa.
07:56Some of our laws do not specifically mention these instances as prohibited.
08:02Maritime domain awareness has to be improved as well.
08:06And number three, the ability of our vessels,
08:09our Coast Guard vessels and other maritime arrangements
08:14to be able to immediately react to a possible deliberate or state-sponsored dragging of an anchor.
08:25Sa rehyon, ilang beses na naggaroon ng pagputol o pagsira ng undersea cables
08:30malapit sa Taiwan at Japan.
08:32Binabantayan din ang Philippine Coast Guard ng ilang Chinese research ships sa North Luzon
08:36sa paniniwalang sinusuri nito ang mga undersea cables
08:40na bahagi ng communication infrastructure ng Pilipinas.
08:44Sino gasto na katutok? 24 oras.
08:48Adventure at nature trip na malapit lang sa Metro Manila?
08:52Meron yan sa Antipolo, kung saan pwede pang mag-picknick malapit sa famoso nilang falls.
08:58Yan at ang iba pang side trip na pwedeng gawin doon.
09:01Tinutukan live, di ba?
09:03Malazan.
09:04Mark!
09:08Last day na bukas ng ASEAN long weekend din nyo.
09:13Pwede hunin yung pang last hura itong Antipolo City
09:17at may suggested itinerary ako sa inyo.
09:23Mga 45 minutes to 1 hour lang from Quezon City ang ating main destination,
09:28ang hinulugang taktak sa barangay de La Paz, Antipolo.
09:32Wazeable yan.
09:33Agahan nyo dahil bukas na ito ng 7am at hanggang 3pm lang ang activities.
09:39Ang daming bisita ng famous waterfalls ng Antipolo.
09:43Karamihan mga taga Metro Manila rin, gaya ng mga health workers ng Caloocan.
09:47First time nyo dito sa hinulugang taktak.
09:52Pangalawa na.
09:54Bakit nyo binabalikan palagi?
09:56Maganda.
09:59Libre pa.
10:03Mabuhay ang mga health workers!
10:08Magsuot ng comfortable walking shoes dahil may trek pababa para makalapit sa falls.
10:13Pero may elevator naman para lang sa mga may edad, PWD at buntis.
10:19Sa baba, wow!
10:22Nakakarelax ang lagaslas ng hinulugang taktak.
10:28Tayo na sa Antipolo at do'y malibu tayo.
10:34Sa batisto kong tawagin ay hi, hi, hinulugang taktak.
10:39Doon naman tagal-tagal kung taga Metro Manila.
10:41Ngayon lang ako nakapunta rito.
10:44Very refreshing.
10:45Talagang nature walk ka talaga dito.
10:48May water element at may mga matatandang puno.
10:52Libre pa.
10:54Hindi na pinapayagan ng maligo sa falls kasi hindi na maganda ang kalidad ng tubig.
10:59Pero may swimming pool na napapalikiran ng cottages para makapag-picknick din.
11:05Ito na yung pinakamalapit na balik provincia feels.
11:09Swimming sa batis.
11:11Free again.
11:13Pinakanag-enjoy ako sa adventure activities gaya ng mag-navigate kami ng mga tagotundo
11:19sa spiderweb na elevated net platform.
11:23Nakakalula.
11:24Lalo na kumakukulit ang kasama mo.
11:27Shout out mga tagotundo!
11:30Makukulit!
11:32Ayoko sumabay sa inyo.
11:37May harness naman para sa mga susubok ng spiderweb.
11:41Hindi lang pwede yung masyado pang bata at mga may kondisyon sa puso at alta presyon.
11:47Isa pang masayang gawin dito ang canopy walk.
11:50Basta kaya ng dibdib mo maglakad sa suspension bridges na three top walkways.
11:5580 feet ang layo. Ibig sabihin, walong palapag na gusali.
12:02Nandito ko sa ibabaw, nagtitiwala lang sa tibay na mga kabling ito.
12:07Mga bagay na ginagawa ko para sa GMA News.
12:12Game!
12:15Mahaba ang pila sa mga adventure activities pero presko naman dahil sa mga puno.
12:21At kayo, tagasa naman po kayo.
12:24Mabubuo natin ang buong Metro Manila today.
12:28Bakasyon din dahil sa ASEAN.
12:30Bakit po kayo dito nagsadya sa hinulugang tak-tak?
12:33Kasi po, wala pong entrance.
12:36Libre.
12:37At saka banting ng ihos.
12:39Pag-uwian na, the best pa sa lubong ang local products ng antipolo na kasuy at yung suman sa ibos.
12:45Ang dami nagtitinda niyan along Sumulong Highway.
12:48Bago bumaba ng Metro Manila, magkapik-kapika muna at manood ng sunset sa mga overlooking restaurant sa Sumulong Highway.
12:57O magpaabot ka na kaya ng dinner.
13:04Ulitin ko lang, for your guidance, ulitin ko yung operating hours ng hinulugang tak-tak.
13:09Nag-ooperate sila from 7 a.m. to 4 p.m.
13:12Pero yung mga activities na pinakita ko kanina, 8 a.m. pa yan at hanggang 3 p.m. lang.
13:18Monday sarado sila kasi maintenance day nila yan.
13:22Vicky?
13:22Iba talaga pag long weekend, may panahon magpagupit, o?
13:27Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
13:36Magandang gabi mga kapuso.
13:37Ako po ngayon yung Kuya Kim na magbibigay sa iyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
13:41Ang minsan binansagang pinakamabilis na barko sa Amerika na naglayang noong 1950s at nagsakay sa ilang sikat na personalidad sa
13:49buong mundo.
13:50Sinadyang palubugin itong nakaraang linggo.
13:52Bakit kaya nila ito ginawa?
13:58Ito ang tinuturing na pinakamabilis na barko na kayang tumawid sa karagatang Atlantiko.
14:03Noong dekada 50, daan-daang mga pasahirong hinatid nito mula New York patungong Europa sa loob lamang ng tatlong araw.
14:10Ito ang makasaysayang SS United States.
14:14Pero nitong nakaraang linggo, ang pinakamabilis na barko dahan-dahang naglayag mula Alabama patungo sa baybay na Florida kung saan
14:22sinadya itong
14:26palubugin.
14:29Ang SS United States na dinisenyo ng American Naval Architect at Marine Engineer na si William Francis Gibbs,
14:36ang largest ocean liner na ginawa sa Estados Unidos.
14:39May haba itong 990 feet o humigit kumulang 302 meters.
14:43Mas mahaba ito kesa Titanic.
14:46Sa unang paglayag nito noong 1952,
14:49tinawid nito ang Atlantic Ocean sa loob lamang ng 3 days, 10 hours at 40 minutes.
14:53Dahil dito, nakuha nito ang prestigyosong blue ribbon.
14:57Kabilang sa mga kilalang personalidad na ringgipasahero ng SS United States,
15:01apat na U.S. presidents, ang artista si Mylene Monroe, si Walt Tisley, at ang fashion designer na si Coco
15:08Chanel.
15:09Pero noong 1969, nagretiro na ang SS United States.
15:13Sa nakalipas na tatlong dekada, nakadak lang ito sa Philadelphia.
15:17Nitong nakaraang taon naman, dinala ito sa Alabama para linisin.
15:21Hanggang nito ngang November 11, naglayag ito pa Florida sa huling pagkakataon.
15:25Doon tinanggal ang mga plugs sa hull ng barko, kaya nakapasok ang tubig sa loob nito.
15:30Hanggang sa dahan-dahan ng ang lubog sa puso ng dagat ang dambuha ng barko,
15:34na siya na raw ngayong magsisilbing tahanan ng napakaraming lamang dagat.
15:40Ang Maui Fastest Ocean Liner, ang tinuturing na ngayong largest artificial reef sa buong mundo,
15:46at hindi lang daw mga isda ang inaasang sarsadya sa SS United States.
15:51Umaasa kasi ang lokal na pamahalaan na makaka-attract ito ng napakaraming divers na malaking tulong sa turismo.
15:57Pero alam niyo ba bago nasungkit ng SS United States ang record para sa largest artificial reef,
16:03hawak ito ng isa pang pinalubog ding barko.
16:05Ano ito?
16:12Ang dating record holder para sa largest artificial reef in the world,
16:17hawak ng USS Oriscani, na kilala din sa tawag na Mighty O.
16:21Isa itong attack aircraft carrier ng US Navy, na may habang 888 feet o 270 meters.
16:28Makalipas ang ilang dekada sa serbisyo, dinikomisyon ito noong 1976,
16:32hanggang sa sinadya na itong panubogin sa Gulf of Mexico noong May 17, 2006.
16:39Nasa 226 kilos na explosive ang nagamit para mapanubog to.
16:43Sabatala para malaban ng trailer sa likod ng barilang balita, i-post o i-comment lang,
16:47Hashtag Kuya Kim, ano na?
16:49Laging tandaan, kimportante ang may alam.
16:52Ako po si Kuya Kim at sangot ko kayo 24 horas.
16:57Pabilang sa mga napag-usapan ng ASEAN at mga kalyadong bansa,
17:01ang problema sa supply ng langis.
17:03Isang panukala ng Japan ang pagtutulungan para sa pag-imbak ng langis sa Asia.
17:08Ngayong gabi naman eh, formal lang isinara ang summit.
17:11Nakatutok live.
17:18Emile, magkakaugnay ang mga hamon na kinakaharap ng ASEAN,
17:21kaya dapat itong harapin ng may pagkakaisa.
17:24Yan ang binigandiin ni Pangulong Bongbong Marcos sa closing ceremony ng ASEAN 2026 Summit ngayong gabi.
17:34Hanggang sa closing ceremonies ay naging makulay ang hosting ng Pilipinas sa summit ng Association of Southeast Asian Nations o
17:42ASEAN.
17:43Inilipat na rin ng Pilipinas ang chairship ng ASEAN sa Singapore.
17:47Bago nito, pinag-usapan sa Asia Zero Emission Community Summit ang posibling solusyon
17:52sa paggalaw sa presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na gera sa Middle East.
17:57Lumahok ang Japan bilang kaalyado ng ASEAN
17:59at isinunong ang pagbuo ng isang oil security task force sa ASIA
18:03at pagtayo ng Asian version ng International Energy Agency o IEA.
18:08We will create the Asia Oil Security Task Force
18:13with the aim of rules making for emergency release and transfer
18:17and establish the IEA hub in Tokyo to serve the core functions of the task force.
18:24Asia's energy lifelines remain deeply vulnerable.
18:28Disruptions along critical supply routes such as the Strait of Hormuz never stay local.
18:34Sabi ni Prime Minister Takaichi Sanae,
18:36kailangan ng kooperasyon ng mga bansa sa Asia para sa oil stockpiling o pag-iimbak ng langis.
18:44I also wish to propose an initiative for cooperation on oil stockpiling in Asia
18:50through the use of idle tanks in Japan which can coordinate with the Philippines-led Joint Stockpiling Scheme.
18:57Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Christina Roque na may ilang bansa na sa Asia
19:02na nagpahayag ng suporta sa panukalan ng regional oil stockpiling,
19:05kabilang na ang Pilipinas, Singapore at United Arab Emirates.
19:10Pero sabi ng Pangulo, hindi sapat ang pag-iimbak ng langis.
19:14We must deepen information sharing and practical storage arrangements
19:19as well as commit to upholding international law to keep sea lanes open and maintain fair, transparent markets.
19:28Minumungkahi rin ang Japan ang Power Gulf Initiative
19:30na magpapatibay ng koordinasyon sa mga bansang nagpoproduce at nagkokonsumo ng krudo sa Asia.
19:36Japan will serve as the nexus connecting oil producing countries in Asia.
19:43Muli namang ibinida ni Pangulong Marcos ang plano nito sa nuclear energy
19:47para makamit ang target na mapataas ang renewable energy capacity ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
19:53As we work toward increasing its share in power generation mixed to 50% by 2040.
20:01We are laying the groundwork for nuclear power as part of a diversified, reliable and low carbon energy source
20:09alongside partners like Japan while pursuing viable frontiers in biofuels, hydrogen, ammonia and carbon capture.
20:22Emile, special pang binati ni Pangulong Marcos, si former President and Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo
20:29na personal na dumalo sa pagtitipon kanina.
20:32Samantala, inanunsyo rin ng Singapore ang tema ng kanilang ASEAN chairship na deeper integration, wider partnerships.
20:39Yan ang latest mula rito sa Pasoy City. Balik sa'yo, Emile.
20:42Maraming salamat, Bea Pinlak.
20:50Mula sa pagiging isang wizard, vampire at superhero, secret agent naman ang bibigyang buhay ni British actor Robert Pattinson
20:58na bagong James Bond.
21:01May mensahe pa nga sa kanya ang royal family.
21:04Makichika kay Nelson Canlar.
21:08The name's Pattinson, Robert Pattinson, introducing your new agent 007, identity confirmed, dahil si Robert Pattinson ang pinakabagong James Bond,
21:21karakter na isang British secret agent na may charm at laging naka-tailored tuxedo, na huling ginampanan ni Daniel Craig.
21:28Mula sa mga nobela ni Ian Fleming, naging isa ito sa longest-running and highest-grossing movie franchise in Hollywood
21:36history.
21:37Pero di naman bago si Robert o R. Pattinson sa mga kilalang franchise.
21:42Gabi lang sa mga iconic characters na ginampanan niya, ang heartthrob wizard athlete na si Cedric Diggory sa Harry Potter
21:49and the Goblet of Fire.
21:51Naging crush din siya ng kung mundo bilang ang vampire na si Edward Cullen sa Twilight franchise.
21:58And this 2022 lang, ay naging superhero naman ang kanyang atake bilang si Batman.
22:05Pero honor of a lifetime pa rin ang role ni James Bond para kay Robert.
22:09Understatement nga raw na tawagin itong dream come true.
22:13And why not?
22:14Ikaw ba naman ang batiin ng royal family na welcome to His Majesty's Secret Service?
22:21Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
22:25Sa pagtatapos ng ASEAN Summit, magbubukas naman ang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Shenzhen, China na dadaluhan
22:35ng Pangulo.
22:35Ngayon pa lang ay handa na ang high-tech hosting lang gusod.
22:40At mula roon, nakatutok live sa Ivan Pairina.
22:43Ivan!
22:47Wan-Shanghao, magandang gabi Vicky mula dito sa Shenzhen, China kung saan nga gaganapin ang Asia-Pacific Economic Cooperation.
23:01Wala pa man ang mga dadalong world leader sa summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC.
23:06Full force na ang pag-welcome ng Shenzhen, China sa mga advanced parties tulad ng media.
23:11Ang Shenzhen ay isang lungsod sa southeastern part ng China.
23:16Malapit na malapit lamang ito sa Hong Kong.
23:1850 minutes via bullet train, makakarating ka na sa Hong Kong.
23:22Isa itong global technological hub at tinaguri ang Silicon Valley ng China.
23:28Ang pagdaraos dito ng APEC Economic Leaders Meeting ay paraan para i-flex o i-bida ng China kung gano
23:36'n nakalayo ang kanilang narating sa larangan ng teknolohiya.
23:41Usapang AI at high-tech baka mo.
23:43Sa International Media Center tampok ang mga robot na nagsisilbi mga barisa at tindera.
23:48Isa sa mga patok na patok na pinupuntahan dito sa media center ay itong mga robots na sila ang nagsisilbi.
23:56Kung gusto mo ng kape, kung gusto mo ng ice cream, robot ang magsaserve sa iyo. Pasubukan natin.
24:04Thank you very much.
24:11Ganyang babati sa mga world leader at mga delegado ng APEC,
24:15Organisasyon ng 21 member economy sa Asia-Pacific region.
24:19Bukod sa mga member ng ASEAN, APEC members din ang Amerika, China, Russia, Japan at Republic of Korea.
24:26Ekonomiya ang pangunahing paksa sa tuwing may APEC meeting.
24:29Dadalo siyempre si Pangulong Bombong Marcos.
24:32Pag nagme-meeting ang mga heads of these economies,
24:37they decide on certain policies na may global impact.
24:42Maganda po na kasama tayo sa usapan.
24:44Isa sa mga pinakainantabayanan dito ay ang pulong ni Chinese President Xi Jinping,
24:49U.S. President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
24:53Ang Pangulo, wala nakatakdang pulong kay President Xi ng China.
24:56Pero wala namang isyo kahit maipinaglalaban ng Pilipinas ang karapatan nito sa teritoryo.
25:01Hindi naman daw pagtalikod sa ating pakikipagunayan para isulong ang ekonomiya na bansa.
25:06We differ when we have to, but we cooperate and we engage where we can.
25:19Vicky, karamihan sa mga world leader na naririyan sa Pilipinas para dumalo sa ASEAN Summit
25:25ay dito ang tuloy sa Shenzhen, China para dumalo rin sa APEC Summit.
25:30Si Pangulong Bombong Marcos, inaantabayanan ng pagdating.
25:34Shenzhen, China. Ivan Mayrina nakatutok. 24 oras. Balik sa'yo, Vicky.
25:39Maraming salamat sa'yo, Ivan Mayrina.
25:42Pati sa forecast o pagtaya ng panahon, pwede na rin daw mag-level up sa tulong ng Artificial Intelligence o
25:50AI.
25:51Makikita yan sa pinakabagong feature ng website at app ng Department of Science and Technology.
25:58Kung paano magagamit, alamin natin, sa pagtutok ni Darlene Kai.
26:06Naranasan niyo na ba ang magkaibang lagay ng panahon sa magkatabing lugar?
26:10Dito guys, nag-ulan. Kusog kaayo. Pwede na side wala.
26:14Nangyayari talaga na magkakaibang panahon kahit magkalapit pa.
26:18E paano kung iisa lang ang weather forecast sa mga yan?
26:22Kaya malaking bagay ngayong kaya ng mag-forecast ng panahon sa mas partikular na lugar gamit ang pinakabagong AI weather
26:29forecast ng DOST.
26:31Ma-access yan ang libre sa mas pinagandang panahon website at app na may bagong features para sa weather forecast
26:37sa tulong ng AI Artificial Intelligence.
26:39Hindi na pang buong probinsya o bayan ang forecast dahil kaya nang makita sa mapang lagay ng panahon sa kada
26:46dalawang kilometro.
26:48Makikita rin ang kasalukuyan at magiging lagay ng panahon hanggang sa labing apat na araw.
26:53Makikita na kung kailan at saan uulan, gaano karami ang bubuhos, pati lakas at direksyon ng hangin.
26:59Pumunta lang sa panahon.gov.ph o i-download ng libre ang panahon app.
27:05Tapos ay pwede nang piliin sa menu ang gustong makita.
27:09Rain, wind, temperature, heat index at iba pa.
27:12Kung sakaling dumating na yung panahon ng bagyo o tag-ulan,
27:16lalong-lalo na ngayon na nagpalabas din ng order na localized na yung pagsuspend ng klase o di kaya ay
27:26trabaho,
27:27kailangan din nila ng mas detalyeng forecast para dun sa kanilang lugar na dati-rati ay hindi nagagawa.
27:35Sa dating versyon ng panahon website at app, kada tatlong oras ang pagproseso ng impormasyon.
27:41Pero sa tulong ng AI, kaya na yan ang labing limang minuto.
27:45Makikita rin ang kasalukuyang heat index na mahalagang i-monitor sa nakaambang Super El Niño.
27:51Kaya raw kasi ng AI ang mas mabilis na pagproseso ng malalaking datos at makakita ng weather patterns
27:56na importante para sa pagpaplano at paghahanda ng mga LGU, pribadong sektor, pati simpleng mamamayan
28:02para mas maliit ang tsansa ng pinsala at casualty.
28:07Napakahalaga ito kasi pwede mo nang maplano ang mga gagawin mo.
28:11Pwede rin yan sa hindi lang sa pagpasok sa eskwelahan o di kaya ay pagbibigay ng guidance o guia sa
28:19ating mga nagtatrabaho sa labas,
28:21lalong-lalo ng El Niño, pati rin yung mga aktividad na gusto nyong gawin kung gusto nyong mag-outdoor sports
28:28o magpakasal sa labas.
28:32P188 milyon pesos ang pondo para sa proyektong ito na dalawang taon dinevelop ng DOST katulong ang US-based tech
28:38company na Atmo.
28:39Darlene Kai nakatutok 24 oras.
28:42Anim ang sugatan sa panibagong disgrasya sa pakurbah at pababangdaan sa antipolarizal.
28:48Nang araro pa siya ng walong sasakyan at tindahan.
28:51Nakatutok live si Ravi Tima.
28:53Ravi.
28:58I mean hanggang sa mga oras na ito ay narito pa rin itong truck na umararo nga sa ilang sasakyan
29:02at tahan dito sa hilera ng mga tindaan,
29:04dito sa barangay Mambugan sa Sumulong Highway, dito sa Antipolo.
29:08Ayon sa driver ng truck na ito, nawalan siya ng preno habang pababa dito sa Sumulong Highway.
29:21Sa CCTV video na ito mula sa isang vape shop, kita ang mabilis na pagdaan ng naaksidenteng truck.
29:27Tinamaan ito ang gilid ng shop.
29:29Ang natanggal na pintuan, tumama pa sa isang customer.
29:39Sa isa pang CCTV video sa katabing tindahan, malayo pa, dinig na ang ingay ng paparating na truck.
29:46Sinubukan pang umiwas ng kasalubong na kotse, pero tinamaan pa rin ito ng truck at bahagyang kinaladkad.
29:52Maya-maya pa, makikita ang dalawang ito na iika-ika papasok sa tindahan.
29:57Ayon sa mga opisyal ng barangay, anim ang sugatan sa insidente.
30:01Walong sasakyan ang inaralo ng dump truck na may kargang panambak.
30:04Kabilang dito ang AUV na Yuping-Yupi ang harapang bahagi.
30:08Ituro ang unang sasakyang binangga ng truck na kakapark lang bago mangyari ang insidente.
30:13Ang truck, tumigilang matapos itong bumangga sa tindahan ito na pag-aari ni Mangdominador Pascua.
30:19Nasa harap daw siya mismo ng tindahan kasama ng kanyang asawa kausap ang isang customer nang dumating ang truck.
30:25Kasi pa nung kumalabog doon, tinitignan ng isang customer namin, parang natakot siya pag ganun-ganun siya.
30:34Tapos biglang pumasok doon, kaya natrap kami doon. Tumakbo na rin kami doon.
30:39Wagamat nakatakbo, natabunan ng mga bumagsak na istante ang asawa ni Mangdominador.
30:44Laking pasalamat na lang daw niya na hindi sila napuruhan ng truck.
30:47Nakalabas na ng ospital ang kanyang asawa na nagtamu ng sugat sa likod.
30:50Pero hindi raw ito ang unang pagkakataon na may nangyaring aksidente sa lugar na ito.
31:11Ang katabing tindahan, basag-basag din ang mga istante at wasak ang pader.
31:15Ang may-ari nito na sinanay Norma na madalas sumanong nakatambay sa bahaging ito ng kanyang tindahan, umalis bago mangyari
31:21ang aksidente.
31:22Noong lang pong pagkakataon na yun, na ako wala.
31:27Pero kung nandito siguro kayo, baka nasaktan kayo?
31:29Opo, ito po, nabuhal din po dyan.
31:33Nagdulot ng matinding traffic ang aksidente para sa mga pababa mula sa antipolo at sa mga pakiat ng sumulong highway.
31:39Agad namang natanggal ang mga inararong sasakyan.
31:42Ang driver ng truck at kanyang pahinante, tinala sa Police Community Perceive 1 para maimbestigahan.
31:52Nakatakda na raw kausapin itong may-ari ng tinumbok ng tindahan itong operator ng dump truck para pag-usapan yung
31:57danios dito sa nangyaring aksidente.
31:59Paalala naman muli ng mga otoridad, teking maayos ang inyong mga sasakyan, lalo na sa mga malalaking truck na dumadaan
32:06dito sa mga palusong na kalsada tulad dito sa Sumulong Highway.
32:09Yan ang latest mula rito sa antipolo.
32:12Emiel?
32:13Maraming salamat, Rafi Tima.
32:18Maraming salamat, Rafi Tima.
Comments

Recommended