- Stalls sa likod ng Baclaran Church na tirahan rin ng mga nagtitinda, nasunog


- Halos P1M halaga ng ibinibentang pekeng circuit breakers, kumpiskado


- 'Fire' transition effect sa livestream ng impeachment trial, pinaalis at pina-edit sa records


- Free trade deal, nilagdaan ng Pilipinas at Chile


- Confidentiality ng bank records ng Bise, ipinunto sa pagtestigo ng dating tauhan ng AMLC


- Rider at angkas, patay nang sumalpok sa nag-swerve na pickup; driver ng pickup, nakaidlip


- White House: Mahigit $2B foreign military financing loan package, napagkasunduan ng PH at U.S


- Ilang lider ng Kamara, itinanggi ang alegasyon ng VP Camp sa planong "no-elections" sa 2028


- Silaki Island sa Bolinao, Pangasinan, nagsisilbing giant clam sanctuary


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Let's go!
00:30Let's go!
01:00Let's go!
01:04Base sa initial investigation po namin, mga 13 na household po ang involved.
01:09So ang pamilya po na affected is 26.
01:14So ang individuals po niyan is more or less 52.
01:17Walang nasaktan sa sunog.
01:19Power pilterage o yung jumper sa komunidad ang dahilan ng apoy.
01:24Ah, initial na ang gulo po na tinitingnan natin base sa ating investigation, eh electrical overloading po.
01:31O, kasi mukhang siyempre pagka tayo, ah, kompleto yung ating ano, galing sa holiday, kompleto yung ano, simultaneous po yung
01:40pagpapatakbo ng ating mga appliances.
01:42Misa talaga nagkakaroon ng overloading, lalo't ang kanilang source ng kuryente, isa lang.
01:50Sa Bongabo, Nueva Ecija, nilamon ng apoy ang kubong ito na pwesto nang nagkukumpuni ng mga sirang sapatos.
01:57Walang nasaktan, pero natupok ang mga sapatos at mga gamit.
02:02Inaalam pa ang sanhinang apoy.
02:06Pilit inaapula ng ilang residente ang apoy na lumamon sa bahay na ito sa Lapu-Lapu City.
02:12Tuluyang naaboh ang bahay.
02:14Hindi na ako nakamata na buto na.
02:16Good block, anak ko, asa marunoy.
02:18Akong balay na yun na buto.
02:20Nakaidlip daw ang may-ari ng bahay habang nakasalang ang niluluto.
02:24Pumutok-umuno ang ginamit na butane canister.
02:27Nalapnos ang balat niya nang suungin ang apoy gamit ang palanggana para magsalbah ng mahalagang dokumento.
02:35John Consulta, GMA News.
02:38Nakumpis ka sa Maynila ang kahon-kahong takaw sunog at peking circuit breakers na hinihinalang ibinibenta online.
02:46Mga poslita si Garilyo naman ang nasabat at isinuko sa magkahiwalay na lugar sa Mindanao.
02:52Nagbabalik si John Consulta.
02:57Nakakahon pa ang mga ibinibenta ng circuit breaker na ito nang sa lakayan ng NBI ang dalawang target area nila
03:03sa Maynila.
03:04Ang mahigit sa ribong pirasong breaker, peke pala.
03:08Nagkakahalaga ang mga iyan ng halos isang milyong piso.
03:12Nabisto dahan sa reklamo ng isang kumpanya sa mga nagpipanang fake circuit breakers online.
03:17Sa unang tingin, halos magkapareho ang original out counterfeit circuit breakers.
03:22Pero kapag tinignan mabuti, may difference sa spelling at sa product markings.
03:31Takaw sunog pa ang mga iyan, lalo ngayong kapaskuhan, kung saan mas marami ang gumagamit ng Christmas lights at displays.
03:39Aksesory device siya, pag nag-overload yung bato ng kuryente, pwede siyang mag-overheat pag di siya gumana, which may
03:49cause sunog.
03:51Nakaharap sa reklamang paglabag sa intellectual property code ang mga nahulihan ng mga pinaking circuit breakers habang nakatakda namang sirain
03:58ang mga pinaking produkto.
03:59Kahong-kahong smuggled na sigarilyo na karga ng isang bangka ang nasabat sa tawi-tawi.
04:06Nagkakahalaga yan ng higit kumulang 5 million pesos.
04:09Ayon sa pulis siya, galing sa lahot ang bangka kung saan hinihinalang kinarga ang mga kontrabando mula sa isang mothership.
04:17Lima ang naaresto sa operasyon.
04:19Cargo ships ang pinagsasakyan and then sasapuhin ito sa kalagitnaan ng dagat para makarating naman ito sa shoreline natin dito
04:26sa Pilipinas.
04:27So may mga nagagamit silang maliliit na bangka para pagsakyan naman at idadaong nala ito sa mga liblib na shorelines.
04:35Ang delivery ng mga ganitong puslit na sigarilyo nakakarating umuno ng Metro Manila at hanggang Ilocos Region.
04:42Sa isang bodega sa Davao City, higit 2 million pesos na halaga ng puslitning sigarilyo ang isinuko ng isang logistics
04:50at forwarding company.
04:51Hindi ito nagbabay din tax. Kung makukolektahan lang sana lahat ito ng tax, malaking pera nito.
04:57Na pondo sa kaban ng bayan. May nambuti nilang hindi nilang magbayad at idaan dito sa backdoor para malak rin
05:04ang kikitayo nila.
05:05Ayon sa pulisya, nangako ang kumpanya na makikipagtulungan sa imbisigasyon.
05:09May mga person of interest na rin daw sila sa malawakang smuggling ng mga sigarilyo.
05:14John Consulta, GMA News.
05:18Bago pa uminit ang diskusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
05:23nagliliab na transition sa livestream ng paglilitis ang napanood.
05:29Make it very, very clear whether conviction is in order or an acquittal.
05:34We pray for the integrity of the court, Lord God.
05:36The court has been through.
05:38Pinapangunahan noon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang opening prayer
05:43nang biglang lumabas ang apoy na video transition.
05:47Mabilis itong nag-viral at pinag-usapan.
05:50Sinita ni Presiding Officer Cheez Escudero ang Senate Public Relations and Information Bureau o PRIB
05:56na mag-ingat dahil hindi angkop sa paglilitis ang efekt.
06:00Inaalis na rin sa records ng Senado ang bahagi ng live stream.
06:25Nag-sorry naman ang Senate PRIB sa anilay accidental transition effect.
06:29Nadayal daw sa di nasa ang technical issue sa gitna ng live stream.
06:37Inireklamo sa Department of Justice ang may-ari ng pet prematorium sa Cavite
06:41na nabistong itinapon at hindi iklinimate ang alaga ng ilan itong kliyente.
06:46Sinampahan ang reklamong estafa at paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act
06:51ang may-ari ng AJ Pet Prematorium at ang tatlong sangkot din umano sa pagkatapon ng labi na mga hayo.
06:58Base sa pagsusuri ng NBI, hindi abo ng mga hayop ang laman ng ibinalik na urn ng pet prematorium sa
07:05mga fur parent
07:06kundi silicon, iron, potassium at aluminum.
07:10Dismayado ang mga fur parent na nagbayad ng hanggang 12,000 piso para sa cremation.
07:16Nangangalap ng karagdagang ebidensya ang Philippine Animal Welfare Society o POS para iakyat sa syndicated estafa ang reklamo.
07:25Ayon sa mga fur parent, hindi na nagpapakita at mahagilap ang mga sangkot sa pet prematorium scam.
07:31Bago nito, lumabas ang imbisigasyon na pinakremate sa third-party crematorium sa San Jose del Monte ang mga hayop.
07:40Inamin ng may-ari ng naturang crematorium sa NBI na ipinalibing na lang ang mga hayop sa mga tambay dahil
07:47sa sobrang dami.
07:48Ito lang daw nila na lamang itinapon lang ang mga hayop sa bakanting lote.
07:54Isang free trade agreement ang pinirmahan ng Pilipinas at Chile sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Economic
08:03Leaders Meeting sa China.
08:04Sa ilalim ng Comprehensive Economic Partnership Agreement o SEPA,
08:09mas malaya ng makakapag-export sa isa't isa ang Pilipinas at Chile.
08:15Ang SEPA ang kauna-unahang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa, sa Latin America.
08:22Nakapulong din ni Pangulong Bongbong Marcos ang Prime Minister ng Papua New Guinea.
08:27Hinikayat ng Pangulo ang pamunuan o pamumuhunan sa sektor ng fisheries at port infrastructure.
08:34Gayun din ang pinatatag na kooperasyon sa sektor ng enerhiya at turismo.
08:39Pagpapalawak ng bilateral trade at cooperation para sa paprotekta sa kalikasan at disaster risk reduction naman,
08:46ang tinalaki ng Pangulo at Presidente ng Peru.
08:49Nauna nang nakausap ng Pangulo ang Prime Minister ng New Zealand, Pangulo ng Vietnam at Pangulo ng Mexico.
09:03Usap-usapan naman ang background music ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta Marcos
09:09na ang salubungi ni Chinese President Xi Jinping sa gala dinner.
09:13Tinugtog ng orkestra ang kantang Anak ni Fredia Guilar na tungkol sa napariwarang anak.
09:19Wala pang reaksyon na malakanyang tungkol dito.
09:23Isang certified public accountant at dating compliance officer ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC
09:29ang inihirap ng depensa sa day 44 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:35Sa pagtatanong ng depensa kay Atty. Rainier de la Fuente,
09:39ipinunto ang pagiging confidential ng mga bank records na hindi daw pwedeng basta-basta ilabas sa publiko.
09:45Naglabas din ang depensa ng video noong 2012 impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
09:54Yan ay para ipakita sa korte ang opinyo noon ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago
09:59tungkol sa pag-withdraw ng ilang articles of impeachment ng prosecution at confidentiality ng bank account ni Corona.
10:07Ipinakita ang pagkasabi ni Corona noon na nasira raw ang kanyang pangalan dahil saan niya'y maling akusasyon.
10:31Pagpahingahin na po natin yung namayapa.
10:33This is a different case. This is a different sets of a set of senators.
10:39You're on a short lease, attorney Mark.
10:41I just appeal for a little bit of leeway for them to be able to serve their client well.
10:49Kunisyon din ang ilang senator judges ang kakayahan ni de la Fuente
10:53na basagi ng mga ipinunto sa forensic report ng prosecution witness na si attorney Alexander Cabrera.
11:01Inamin kasi ni de la Fuente na hindi niya nakita ang mga dokumento at pag-aaral ni Cabrera.
11:06Ang sinasabi lang daw ng batas ang batayan ng kanyang saraysay.
11:14Kabi-kabilang aksidente, bunsod ng pagkantok sa biyahe.
11:18Sa Cagayan de Oro, isang truck na may karagang mga pinya ang dumiretsyo sa isang bahay
11:23habang sa Iloilo, pickup truck at motrosiklo ang nagbanggaan.
11:27Yan atin pa pang spot report ni Gabriel Gonzalez.
11:34Wasak ang unahan ng pickup truck na ito nang sumalpok sa motrosiklo sa Ahoy, Iloilo.
11:40Binawian ng buhay sa ospitalang magkaangkas.
11:43Umamin sa pulisyaan driver ng pickup na nakaidlip siya kaya biglang nag-swerve o napalipat sa kabilang linya.
11:49Nasa kustodiyana ng pulisyaan driver na inireklamo ng reckless imprudence resulting in homicide.
11:56Nakatulog din ang driver ng truck na ito kaya nagdiri-diretsyo sa isang bahay sa barangay Tablon, Cagayan de Oro
12:02City.
12:03May karga pang mga pinya ang truck na mula raw bukid nun.
12:06Sugatan ng driver at painante ng truck na kasalukuyang nasa ospital.
12:10Ligtas naman ang mag-aanak na nakatira sa bahay.
12:13Handa raw silang makipag-areglo basta tulungan silang makapagpatayo muli ng bahay.
12:19Nakuha na naman ng CCTV ang pagharurot ng 22-wheel truck na ito sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan, lunes ng
12:26madaling araw.
12:27Nakasabit sa likod nito ang isang motorosiklo na ayon sa pulisya ay 10 kilometrong kinaladgad ng truck.
12:34Ang motorosiklo sinasakyan ng tatlong magkakaibigan na bumanga at nagulungan ng truck.
12:40Bakas pa sa isang gulong ng truck ang dugo mula sa mga biktima.
12:44Ayon sa pulisya, nagpanik ang truck driver ng bumanga ang mga biktima kaya hindi siya huminto.
12:50Sir, medyo accident-prote area po kasi talaga yung lugar.
12:54Naliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas pababa.
13:00So maaaring nagkaroon ng human error.
13:04Nasawi ang tatlong magkakaibigan. Nakakain lang sana ng ma-aksidente.
13:08Hindi ko po talaga kayang makita na gano'n. Ngayon po wala na.
13:13Bala po akong higisingin. Pati po yung mga kapatid niya, mamimiss din po siya.
13:18Nakakulong na ang truck driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence, resulting in multiple homicide and damage to property.
13:25Ako po umilingin na lang po ng pasensya. Hindi ko po sinasadya. Aksidente po talaga sir.
13:31Gabriel Gonzalez, GMA News.
13:35Mahigit 2 billion US dollars ang ipauutang ng Amerika sa Pilipinas para sa pagpupalakas o manon ng defense at security
13:42capabilities ng Pilipinas.
13:44Bahagi ng Foreign Military Financing o FMF loan ay ilalaan para sa pagpapalawak ng ating Armed Forces of the Philippines
13:53sa kapasidad nito sa South China Sea.
13:55Kabilang dyan ng pagbili ng long-range fires at multi-domain drones.
14:01Magtatayo rin ng fuel storage depo ang Amerika sa Subic Bay na nagkakahalaga ng 40 million US dollars na layong
14:09suportahan ng military at commercial operations ng Amerika.
14:13Imamodernize rin ang Basco Airport para umano mapabuti ang disaster response at commercial supply chains sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
14:24May mga natatanggap daw na impormasyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte tungkol sa umano'y planong no-L
14:30o no-election sa 2028.
14:33Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ng vice na si Atty. Paolo Panelo na may mga diskusyon na raw kaugnay
14:40dito sa Kamara.
14:42Anya, kung hindi term extension, posible mo nung magkaroon ng parliamentary government.
14:48Pinabulaanan nito ng ilang leader ng Kamara.
14:51Sabi naman ni Comalect Chairman George Garcia, imposibleng mangyari ang no-eleksyon.
14:56Mismong konstitusyonan niya ang nagtatakda na dapat magkaroon ng botohan sa 2028.
15:02Hindi ito pwedeng baguhin ng anumang batas.
15:05Sagot naman ng Malacanang,
15:07Di siyang Pangulo sa pagkatrabaho, kaya okupado ang isip nito.
15:11Di raw gaya ng ibang wala raw ginagawa, kundi maglakwat siya.
15:15Kinumpara pa ni Castro ang vice kay Lola Basiang dahil raw sa mga kwentong pantasya.
15:21Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng vice kaugnay nito.
15:30Literal na malaki ang ipinagmamalaki ng Silaki Island sa Bolinao, Pangasinan.
15:35Ang isla kasi nagsisilbing tahanan ng mga higanting taklobo.
15:39Chi tayo sa Tinuguriang Giant Clam Capital of the Philippines kasama si Jamie Santos.
15:48Busog ang mata sa ganda ng tanawin.
15:51Mayaman din sa buhay sa ilalim ng dagat.
15:54Welcome to Silaki Island sa Bolinao, Pangasinan.
15:59Ang content creator at traveler na si Yael.
16:03Hindi lang basta island hopping ang sadyas sa Bolinao.
16:06Yung trip na yun talaga dedicated siya to feature yung mga kung paan namumuha yung mga tao sa West Philippine
16:13Sea.
16:13And then na-align sa akin or na-bigay sa akin yung Bolinao, Pangasinan na i-feature.
16:19Sa kanyang pag-explore, isa sa mga natuklasan niya ang Silaki Island.
16:25Ang crystal clear waters nito, marine sanctuary na tahanan ng mga giant clam o taklobo.
16:31Sa Bolinao Marine Laboratory, pinaparami at pinapalaki ang mga giant clam sa pamamagitan ng breeding at hatching.
16:39Saka sila inilipat sa Silaki Island.
16:41Kaya hindi nakapagtataka kung bakit tinaguri ang giant clam capital of the Philippines ang Bolinao.
16:48Ang yaman ng Silaki, pwedeng masilayan mula sa bangka.
16:52O kaya'y palapitan kong game mag-snortling.
16:55Basta sundin ang mga panuntunan sa sanctuary at huwag guluhin o hawakan ng mga marine wildlife.
17:01Pwede rin mag-side trip sa kalapit na Dewy Sandbar.
17:04Iba yung magic ng Silaki Island.
17:07At kung iisipin mo, wow, meron palang gano'ng sa Pilipinas.
17:10So dapat pinupuntahan natin siya.
17:12Dapat mas nindiscover natin siya.
17:14Kasi ayun yung mga bagay na magpaparealize na sa atin to.
17:20It really is the Philippines.
17:22Jamie Santos, GMA News.
17:2736 days na lang, Pasko na.
17:30At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
17:32Ito ang GMA News.
17:34Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:36Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:38Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.

Recommended