00:00Mahigit 2 billion dollars na foreign military financing ang napagkasundoan na ng US at Pilipinas.
00:08At ang priority ngang bilhin ng Armed Forces of the Philippines ay yung mga kinetic weapon systems.
00:14Here's what we know so far with Chino Gaston. Ano ba yun?
00:18Nakausap natin kani-kanina lamang si AFP Chief General Antonio Nafarete
00:23sa pagbubukas nga nitong AFP Joint Military Exercise sa pagitan ng lahat ng mga branches ng militar
00:32o yung Ajax Dagit Pa Exercises, yung taonang pagsasanay ng lahat ng branches ng AFP
00:38para ipakita ang kakayahan na ipagtanggol ang bansa.
00:42Nabanggit nga ni General Nafarete na isa daw sa magiging focus o nagiging focus kayo ng AFP
00:48ang pagkuhan ng mga tinatawag na kinetic weapon systems
00:51o yung mga sandatang kahit malayo ay kayang abutin yung mga targets.
00:56Sinabi ito ni Nafarete matapos inanunsyo nga ng White House
00:59na may 2 billion US dollars or sa ating currency,
01:05yung peso ay 127 billion pesos na halaga ng foreign military financing
01:13o utang na pwedeng ibigay sa Pilipinas under siguro better terms,
01:18mas madaling bayaran para sa pag-procure o pagbili nitong mga makabagong military equipment
01:26tungo sa AFP modernization.
01:29Interestingly enough, 400 million US dollars daw dito ay nakalaan para sa deterrence
01:34at pagpapalakas ng military infrastructure dyan sa West Philippine Sea.
01:39Nabanggit din ni Nafarete na ang deterrence dito ay higit na kailangan
01:44dahil marami nang namomonitor na nangihimasok ng mga barko ng People's Liberation Army Navy
01:50sa ating mga tinatawag na sea lines of communications
01:54o yung mga sea lanes kung saan dumadaan ang mga commercial shipping malapit sa ating territorial sea.
02:00We must be able to have that deterrence capability para malaman nila na kaya basta-basta ang nagunit.
02:07At kasama rin sa mga tinatawag na kinetic weapon systems,
02:10yung mga missiles, mga high mobility artillery weapon systems or artillery weapons or rocket systems.
02:19So sa ngayon, meron na rin mga Brahmos missiles, Seastar cruise missiles,
02:23ang armed forces of the Philippines na gamit-gamit na rin at nakakarga sa ating mga frigates
02:31at yung Brahmos naman, dyan po ay parang land-based weapon systems na gamit ng Philippine Marines
02:38na iniikot-ikot lang yan dito sa Luzon, particular sa West Coast ng Luzon at North Luzon
02:45at may plano pang bumili ng iba pang mga systems na ganito at ipipwesto naman sa Mindanao at Visayas at
02:54Palawan.
02:55At yan ang what we know so far. Chino Gaston, GMA News.