00:00Sumuko na sa National Bureau of Investigation o NBI ang isang kapwa-akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez sa
00:08kasong plunder.
00:09Voluntaryong sumuko sa NBI kahapon si Sam Chan Foreign Exchange Corporation President Felicito Guevara.
00:17Ayon sa Ombudsman, isinuko ni Guevara sa Bureau of Treasury ang kinita nito mula sa mga transaksyong may koneksyon umano
00:25sa bilyong-bilyong pisong halaga ng flood control projects.
00:30Pero paglilinaw ng Ombudsman, hindi mabubura ng pagsasauling ito ang pananagutan.
00:36Hindi rin daw ito basehan ng immunity na ibinigay kay Guevara na may mga kondisyon kabilang na ang pananatili sa
00:43bansa.
00:44Inaakusahan si Guevara ng pagsasagawa ng foreign exchange transactions para makakuha ng mga property na iniuugnay kay Romualdez.
Comments