00:00Pinalagaan ng Council for the Welfare of Children ang biro ng isang stand-up comedian na tungkol umano sa mga
00:05bata.
00:06Nakatutok si Bea Pinlak.
00:11Hindi punchline at dapat seryosohin ang tinawag ng Council for the Welfare of Children o CWC
00:17sa sexualized joke ng isang stand-up comedian patungkol umano sa mga minor de edad.
00:23Biro ng komedyante sa ngayon deleted ng Facebook post,
00:26sabi ng doktor ko, watch what you eat, kaso kumukonti na yung mga playground.
00:32Sabi ng CWC, nakatanggap sila ng mga reports sa makabata helpline 1383 tungkol sa naturang post,
00:39kaya nila ito pinapalagan.
00:41Hindi naman otomatikong krimen ang mga jokes na kontroversyal at yung mga dark na sinasabi natin,
00:47pero of course ayaw nating sabihin o masanay ang ating mga kababayan na okay lang itong gawin
00:53dahil joke lang naman at syempre paliwalain ang epekto nito.
00:57Hindi naman KJ ang Council for the Welfare of Children,
01:00pero if it involves sexualization of children or cannibalizing or eating children,
01:05di ba are we serious?
01:06Yan po ay hindi namin mapapayagan.
01:09Nakikipagugnayan na raw ang CWC sa Philippine National Police,
01:12National Bureau of Investigation,
01:14at Cybercrime Investigation and Coordinating Center para paimbestigahan ang post.
01:18We defer to our law enforcement agencies, to our Department of Justice,
01:23to the actual criminal liability, if any.
01:26Hindi tayo naguhusga.
01:28Ang layunin kasi ng CWC dito,
01:31pagbawalan yung ibang mga komedyante na gawing punchline ang bata,
01:37lalong-lalo na dun sa mga joke na nagpapababa ng dignidad nila,
01:42maaring magsubject sa kanila sa violence.
01:44Sa ilalim ng batas kontra online sexual abuse or exploitation of children,
01:49ipinagbabawal na gawing paksa ng sexual fantasies ang kabataan
01:53sa anumang digital o online platform.
01:56Posible itong mauwi sa pagkakakulong at pagbabayad ng multa.
02:00Hinimok ng CWC ang komedyante,
02:02pati ang kinabibilangan niyang Improv Comedy Group,
02:04na pag-isipan ang implikasyon ng mga inilalabas nitong material.
02:08Sinusuga ng DSWD ang pahayag ng CWC.
02:10Sabi ng DSWD, hindi dapat gawing biro ang dignidad at kaligtasan ng mga bata
02:16dahil responsibilidad ng lahat na protektahan ang mga kabataan
02:19laban sa pang-aabuso at pananamantala lalo na online.
02:23Paalala ng DSWD at CWC sa mga media practitioner,
02:27content creator at entertainers,
02:29maging responsable sa lahat ng content na inilalabas.
02:32Sinusubukan pa namin hingin ang pahayag ng stand-up comedian
02:35at ng kinabibilangan niyang Improv Comedy Group.
02:38Bea Pinlock, Nakatutok, 24 Horas.