00:00Arrestado ang dalawang lalaki, kumuha at nag-chop-chop sa motorsiklo ng kapitbahay nila sa Maynila.
00:05Paliwanag ng isa sa mga suspect, kinuha niya ang motor dahil nakatambak daw at kailangan niyang maglinis.
00:11Ang isa naman, nagpatulong lang sa kanya ang isa pang suspect.
00:15May unang balita, si Gabriel Gonzalez.
00:21Sa kuha ng CCTV, kita ang dalawang lalaking ito na may daladalang mga piyesa ng motorsiklo sa Chesa Street sa
00:29barangay 72 Tondo, Maynila.
00:31Ang mga dala nilang piyesa, bahagi ng chinap-chop ng motorsiklo ng kanilang kapitbahay ayon sa pulisya.
00:38Sa investigasyon, ipinarada ng 27-anyos na babae ang kanyang motorsiklo sa lugar gabi ng November 18.
00:45Pagbalik niya, wala na ang kanyang motorsiklo.
00:48Ang tinabukatan, pagtingin niya, wala na yung motor.
00:50Kaya ngayon, pumunta siya dun sa barangay para ipacheck sa CCTV kung sino yung kumuha.
00:56At doon nga, nakita niya na yung mga kumuha ay mga kapitbahay niya rin.
01:01Nagkasan ang operasyon ng MPD Anti-Carnapping Unit na humantong sa pagkaka-aresto sa dalawang sospek.
01:06Depensa ng mismong kumuha ng motorsiklo na si alias Berto.
01:10Kinuha niya ang motor dahil maglilinis daw siya sa lugar.
01:13Ang tambak po kasi, tambak.
01:14Eh, tumumban na po.
01:17Eh, ginawa ko.
01:18Kung saan naob lang, pinaklas ko para maglinis ng lugar.
01:22Matagal na po hindi ginagkamit yun.
01:24Purok na po yan.
01:25Mahingi po kami ng pasansya po.
01:27Ang isa pang sospek na si alias Jerry, iginiit na nagpatulong lang ang naunang sospek.
01:33Sabi niya, tudungan ko siya.
01:35Sa side lang po, ginibid lang lang po namin sa side yun.
01:38Napadaan lang talaga ako nun.
01:39Sana kung may pagkakamali po kami, sana mapatawad niya kami.
01:44Nanguna, alam naman nila na may may-ari ng motorsiklo na yun at ginagamit yun.
01:50Nabawi sa mga sospek ang mga gulong at makina ng motorsiklo.
01:54Nasa kustodiyan na ng Manila Police District ang mga sospek na nahaharap sa reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act
02:01of 2016.
02:02Hinihintay na lamang ang commitment order para mailipat sila sa Manila City Jail.
02:07Dati nang nakulong sa kasong iligal na droga ang isa sa mga sospek na si alias Jerry.
02:12Ito ang unang balita.
02:13Gabriel Gonzalez, GMA News.