40 fish cage na itinayo sa Calpay Shoal ng 2 Chinese businessmen, inireklamo; LGU, nag-isyu ng cease and desist order 


Ilegal na nga ang pinagtayuan, sakit sa ulo pa ng ilang mangingisda at resort owner ang mga fish cage na ipinatayo ng dalawang Chinese businessmmen sa Sual sa Pangasinan.


Inisyuhan na iyan ng cease and desist order ng lokal na pamahalaan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Illegal na nga ang pinagtayuan, sakit sa ulo pa ng ilang manging isda at resort owner,
00:05ang mga fish cage na ipinatayo ng dalawang Chinese businessmen sa Suwal sa Pangasinan.
00:11Inesuhan na yan ang cease and desist order ng lokal na pamahalaan.
00:16At nakatutok si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
00:23Sa mabiyayang baybayin ng Suwal, Pangasinan,
00:26mga naglipan ng fish cage ang pinuproblema ngayon ng mga manging isda at kahit na mga resort owner.
00:32Mga fish cage na ito na hindi umanogawa ng mga taga rito, kundi ng dalawang Chinese businessmen.
00:38Abot tatlong daang manging isda ng araw ang hindi makapalawot sa Kalpay Shoal dahil tinataboy ng mga nagbabantay sa mga
00:45fish cage.
00:46Sa kalapit itong Kabalitsyan Island, bumaba naman ang mga turista ayon sa mga resort owner.
00:52Nagibaumanong kasi ang kalidad ng tubig sa mga baybayin.
00:55Mula nang magtayo ng fish cages sa Kalpay Shoal na malapit na lang sa Kabalitsyan Island.
01:00Ngayon medyo nabawasan mami.
01:02Yun yung mga katit tapos malansa yung tubig ma'am.
01:05Yun kasi dahil sa mga dumadagsang bangos na patay.
01:10Ilang taon na muna nilang idinudulog ang problema sa lokal na pamahalaan.
01:13At ngayong taon ay formal na naghahain ang reklamo.
01:17Nag-issue naman ng cease and desist order ng LGU
01:19laban sa dalawang kumpanyang may-ari umano ng mga fish cage.
01:23Ito yung Kalpay Shoal dito sa Suwal, Pangasinan.
01:26Hindi ito sakop ng Mariculture Zone.
01:28Ibig sabihin, hindi po pwedeng magtayo ng fish cage sa lugar na ito.
01:33September 2026, nang mag-issue ang lokal na pamahalaan ng cease and desist order
01:37sa dalawang Chinese national para tanggalin ang mga fish cages na ito.
01:43Pero ang problema, imbis na bawasan o tanggalin ang mga structure,
01:46ay mas nadagdagan pa ang bilang ng mga fish cages.
01:51Mula sa 33 fish cage na nitayo sa Kalpay Shoal, umabot pa ito sa 40 fish cage.
01:56Base sa paliwanag ng kinatawa ng dalawang Chinese sa LGU,
02:00nagdagdag sila ng fish cage upang mailipat ang ilang alagang bangus
02:04dahil sobra ang laman ng ilang fish cages na nakakapekto raw sa mga isda.
02:08Hindi ba lang na-isip the consequences na mangyayari?
02:12Ang nangyayari ay parang living their own interest,
02:18but the interest ng karamihan hindi na-consider.
02:25Sumulat na rin ang Kabalitian Fisheries Association sa Bureau of Fisheries Aquatic Resources o BFAR
02:31at Environmental Management Bureau o EMB Region 1
02:35para maimbestigahan ang paglipanan ng mga fish cage sa labas ng Mariculture Zone.
02:40Magsasagawa raw ng imbestigasyon ng BFAR at EMB.
02:43Ang aming sandata lang sa amin, batas.
02:47You have to follow the batas.
02:50Alinsunod sa Fishery Ordinance No. 2-2018,
02:53kabuang 750 fish cages ang dapat maitayo sa 150 hectare na Mariculture Zone sa bayan.
03:00Nakasaad din sa ordinansa na residente ng SUAL ang may karapatang maging fish cage operator.
03:06Dapat ding 60% ng mga trabahador ay mula rin sa bayan.
03:10Nakipagugnayan ang GMA Regional TV sa representative ng Chinese businessman,
03:14pero busy parang siya sa ngayon.
03:15Wala sa kanyang tanggapan ng alkalde ng bayan,
03:18ganun din ang OIC Municipal Agriculturist nang puntahan sila ng news team.
03:21Mula sa GMA Regional TV,
03:25Jasmine Gabriel Galban,
03:27nakatutok 24 oras.

Recommended