00:00.
00:03Nahulikam ang pagpapasabog ng ilang kabataan sa Barangay Teachers Village West sa Quezon City.
00:09Ayon sa mga residente, hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpasabog sa kanilang lugar.
00:14Inaimbestigahan na kung sino-sino ang mga nasa likod nito at kung anong klaseng pampasabog ang ginamit.
00:21Laging una ka sa balita ni Gabriel Gonzalez Exclusive.
00:26Bandang tanghali kahapon, namataan ng dalawang high school students umano sa isang eskinita sa Barangay Teachers Village West sa Quezon
00:34City.
00:35Ang nakaputing t-shirt, nagsisilbing lookout. Habang ang nakapula, may inilapag na isang bagay.
00:42Maya-maya, tumakbo na ang dalawa.
00:46Tumakbo na rin ang isa nilang kasamahan na kumukuha ng video.
00:50Ilang sandali pa, nagkaroon na ng malakas na pagsabog sa eskinita.
00:57Kaya tumunog ang alarm ng mga sasakyan.
01:00Walang nasaktan sa pagsabog, pero nabulabog ang mga residente malapit sa eskinita.
01:05As in, parang bomba talaga dahil yumanig yung buong CR ko.
01:09Sa tingin ko po, sila po yung minor di edad dahil nakasukot po ng itim na pantalon na parang pang
01:13high school.
01:14Rumespon din ang mga pulis at tanod, pero wala na sa lugar ang mga sangkot na kabataan.
01:19Meron nga na po sumabog.
01:21Oo, napinuntahan naman ng aming tanod.
01:24Tapos in-report po sa Bantuto.
01:26Pinuntahan po ng pulis at station 9.
01:28Sila na po yung nag-imbestiga.
01:30Nagtakbuhan na yung mga kabataan, pagputok.
01:34Ayon pa sa isang residente, hindi ito ang unang beses na nabulabog sila ng pagsabog.
01:40A few months ago, meron mga paisa-isa tuwing every month.
01:42Ngayon po, medyo dahil dumadami na.
01:44Na, inabangan na ho talaga ng mga kapitbahay din.
01:47Nagtulong-tulong na ho lahat para mahuli talaga sa CCTV.
01:50Dayo po yan.
01:51Dayo kasi dito sa amin, wala pong maraming istudyante rito nagtatambay.
01:55Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.
01:58Bineverifika na rin ang mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanla ng mga sangkot na kabataan
02:03at kung saan sila nag-aaral.
02:05Ito ang unang balita.
02:07Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments