• 24 minutes ago
Legal Ba? | Alamin kung alin ang mga dapat mong bayaran at mga hindi na sakop bayaran sa inyong inuupahang tirahan sa ilalim ng Articles 1654 at 1657 ng Civil Code

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:04Mga ka-RSP, ngayong Merkoles ng umaga, alamin at suriin natin ang inyong karapatan sa ilalim ng batas.
00:11Kasama ang ating legal expert na si Atzor Niroel Ilagan, sagutin natin ang tanong. Kung legal ba?
00:17Of course, magandang umaga sa inyong lahat. Para sa mas maraming kababayan natin mabigyan ng legal advice,
00:23tumatanggap na kami ng inyong mga mensahe at mga tanong para masagot naman ito at mapag-usapan.
00:28At kasama, of course, si Profi.
00:29Tama ka, Atorny. Kaya naman ngayong umaga, may bago tayong sender ulit na nanghihingi ng legal advice.
00:35Pakinggan po natin ito.
00:37Good day po, Atorny. Nais ko lang po saanang humingi ng tulong tungkol sa mga sira sa bahay.
00:435 taon na po akong nangungupahan at mayroon naman po akong advance at deposit na naibigay.
00:49May mga bahagi po ng bahay na nasira, hindi dahil sa kapabayaan o sinadyang pagsira,
00:55hindi dahil na rin sa katagalan at natural na pagkasira dulot ng panahon at paggamit.
01:01Medyo malaki na din po kasi ang gagastosin.
01:04Nais ko lang po saanang malinawan kung aling po ang mga dapat kong bayaran at mga hindi ko nasakop na
01:10babayaran.
01:11Maraming salamat po.
01:14Naku, Atorny, hindi sinira. Talagang gamit yung bahay for the longest time.
01:20I think that falls under Article 1654 and Article 1657 of the Civil Code tungkol sa obligasyon ng owner at
01:28renter sa mga sira sa bahay.
01:29Tell us more, Atorny.
01:30So, two mga Civil Code provisions ito. Ito yung mga provisions na naggo-govern doon sa umuupa at nagpapaupa.
01:36So, basically, sinasabi nito, may obligasyon ang lesor, ibig sabihin, nagpapaupa at saka yung umuupa.
01:41Unang-una yung obligasyon ng lesor is, of course, to deliver yung nare-rentahan na bahay or condominium unit, etc.
01:50And, of course, ini-ensure niya dapat na magiging maayos and peaceful yung pag-occupy doon sa property.
01:56So, ito namang sa renter, unang-una, syempre, ang obligation mo is magbayad ka ng upa mo.
02:02And, of course, if there are any conditions to transfer ng mga deed of premise of the property.
02:08And, of course, also to take care of the property that you are leasing or possessing.
02:14Okay, Atorny, where do we say or ano ang proof at paano natin masasabi na ito ay either wear and
02:22tear lamang sa pag-umayari ng owner
02:24o kaya naman ay may pagsisira o kaya naman may kapabayaan itong mismong renter?
02:31Okay, ang nagiging issue kasi, mayroong damage doon sa property na iyong in-occupy.
02:37Ang tanong, sino bang manalagot kung mayroong mga repairs, di ba?
02:41Under the law, pagka yung damages is ordinary wear and tear,
02:45ibig sabihin, mangyayari yun kahit wala naman yung renter dahil sa tagal ng panahon,
02:51nakakaroon ng sira or any damage, ang may liability doon is yung lesor.
02:55Pero kung may negligence o may kapabayaan na ginawa naman yung renter or lessee,
03:01then the obligation to repair the damage is of course yung renter ang dapat mananagot doon.
03:07Okay, doon naman sa usapin na wala silang kontratang pinirmahan,
03:11pero may advance na deposit at may binigay si renter bago siya umupa.
03:16Okay, hindi dahil wala kayong written agreement, wala ng legal relationship.
03:21Kasi there can be a verbal agreement.
03:22Ibig sabihin, kahit walang written contract, pero mayroong kayong verbal agreement.
03:26And of course, mayroong kayong ebidensya na talagang mayroong kayong pinag-usapan na upahan yung property.
03:32So, pwedeng ebidensya diyan.
03:34Of course, nag-send ka ng bayan doon sa upa, ng security deposit and advances.
03:39Then, you can already say that there's already a legal relationship between the parties,
03:43even in the absence of a written contract.
03:45Paano kung malaki na ang gagastusin sa pagpapagawa?
03:48Dahil sa katagalan ng bahay, pwede ba itong ipabalikat doon sa owner?
03:53Kahit sa ipabalikat ng owner doon sa renter, kahit hindi niya ito sinadyang sirain?
03:59Okay, kaya pinaka-importante lagi nating tandaan pagka may issue ng damage,
04:03ano ba yung sanhi or cost ng damage?
04:06Okay, kung ang sanhi ng or cost ng damage is because the ordinary wear and tear,
04:10ibig sabihin, dahil matagal lang panong ginagamit, nagkakaroon ng damage,
04:13then, ang may obligation nito is yung nagpapaupa.
04:16Pero, kung ang sanhi ng damage is of course because of the negligence ng umuupa,
04:21ang may obligation ngayon na is yung umuupa.
04:23Attorney, dapat po, hindi sa akin ibawas yan, sabi ni renter.
04:29Sabi naman ni owner, dapat yung bagasasin ko dyan, ibawas sa security deposit mo at sa advance pa na yun.
04:35Okay, so sa ilalim ng batas, mayroon tayong advances at security deposit.
04:40Yung advances, either one month or two months, ito yung binabayad mo for the rental.
04:46Yung deposit naman, security deposit, ito yung binabayad mo for any damages.
04:51So, hindi pwede i-apply yung advances doon sa damages.
04:54But yung security deposit, yung ina-apply sa damages.
04:56But of course, ito nagiging issue kung dapat ba ang mananagot dito yung security deposit
05:01o dapat ang sumagot dito ay yung nagpapaupa.
05:04So, dito nga importante, yung sino ba or ano ba yung cause ng damage?
05:08Okay, attorney, ako i-renter doon, naalis na ako.
05:11Kasi hindi naman maayos na yung bahay eh.
05:14Pag ganun ba, paano natin mamimake sure pag aalis ako doon sa bahay,
05:19ay makukuha ko pa rin yung binayad kong deposit noong una.
05:21Yung madami nangyayari dyan.
05:22Pero syempre, halimbawa, nasira-sira na, bumabaha na, yung gripo, may mga tubig na.
05:28Syempre, hindi ka na doon pwede tumira, di ba?
05:30Pwede kang magkasakit.
05:32So, pero meron kang deposit, sayang naman yung deposit na binigay mo, di ba?
05:36So, of course, yung renter, dapat may mga gagawin ka to protect yourself.
05:39Okay?
05:40Una-una, you have to document na merong ganitong damage.
05:44And you have to inform yung lessor.
05:47Yung nagpapaupa na may ganitong nangyayari, binaha, hindi na ako makatulog.
05:51And in-inform mo yung lessor, tapos itong lessor, wala siyang ginawa para ayusin yung damage na yun.
05:57So, you document it, tapos pinadala mo, wala siyang ginagawa.
06:01You have a right, of course, to terminate the contract.
06:03Kasi hindi ka naman pwedeng matulog, e, bang bahay yung bahay.
06:06Oo.
06:06Di ba?
06:07Pag at least, later on, kung talagang hindi maayos kahit sa negotiation,
06:11then you can file a case and claim for the security deposit.
06:14May timeline ba para makuha yung deposit na yun after baka alis sa UPA?
06:17Una-una, kung meron kayong agreement, kasi minsan pag may contract na halagay doon na after 60 days,
06:23minsan matagal, dapat ibabalik na yung security deposit.
06:28So, kaya very important na meron kayong kontrata.
06:30Kasi kung wala kayong kontrata, kung kailan nyo ibabalik yung security deposit,
06:34depende yan doon sa gusto ng lessor.
06:37Ayun, lessor ang pwede masunod siya.
06:39Okay, hindi pa rin nagkasundo kami nung pinuupaan ng owner ko.
06:43So, anong pwedeng legal na hakbang in case hindi sa akin mabigay yung legal deposit
06:48or pinalis ako pero hindi maganda pagpapaalis sa akin?
06:52Of course, may security deposit, hindi binalik yan ng lessor.
06:57So, mag-demand letter ka.
06:58Papadala mo, sabihin mo, I am demanding for the return of the security deposit.
07:02Pag hindi pa rin naayos, of course, pwede tayo mag-resort sa Barangay Conciliation.
07:06Pag hindi pa rin, mayroon tayong tinatawag na small claims court.
07:09So, dito pwede kayo mag-file ng claims kahit walang lawyer, walang bayad.
07:13So, mas mapapadali yung proseso natin.
07:16Ayun.
07:17At siguro panghuli na lamang, attorney, payo na lamang po sa ating mga kababayan na owners and renters
07:21bago sila magpaupa at tumupa.
07:24Okay. Napaka-importante na malinaw ang usapan.
07:27Okay, you have a written contract.
07:29Kung sino ba, lalo na, sino ba dapat ang sumasagot sa mga ganitong damage.
07:33So, mas maganda yun, malinaw.
07:35Pangalawa, very important din to document the condition of the property
07:38bago mo siya ginamit.
07:41Kasi doon mo mapapakita kung talaga may damage na ba yung properties,
07:44maagin natin mapatunayan sino ba ang may cost doon sa damage.
07:48Then, pag malinaw na kung ano ang condition ng property,
07:51mas madali na natin sabihin sino ba dapat ang mananagot doon sa mga damages
07:55or sa repairs na dapat ginawa doon sa property.
07:58Ayun.
07:58Gansala at siguro dapat maging makatao din ang bawat isa.
08:01Tama din naman yan.
08:02Kasi usaping bahay pa rin yan.
08:04Ayun na mga ka-RSP, mahalaga talaga na may kontrata para alam natin
08:08kung ano ang responsibilidad ng bawat isa sa bahay.
08:12Tama ka, Profi. At bago po yung magmasa kontrata,
08:15siguraduhin munang naunawaan natin ang mga responsibilidad na kasama dito.
08:20Kaya naman, mga ka-RSP natin o sa mga ka-RSP natin na may legal concern
08:25o kailangan ng legal advice, magpadala lamang po kayo na mensahe sa amin.
08:30At nadalakayin natin yan at sasagutin ang tanong kung legal ba?

Recommended