00:00This is Rodrigo Roa Duterte.
00:30Balitang hatid ni Darlene Kai.
01:00Biyana si Duterte ng International Criminal Court sa The Netherlands.
01:03Inihain ng mga petisyon ng magkakapatid na Congressman Pulong, Mayor Baste at Kitty Duterte,
01:07isang araw matapos arestuhin ang kanilang ama.
01:10Siyam na mahistrado ang bumotong pabor sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jopar Dimaampaw,
01:16habang apat ang kumontra at isa ang out-on official business.
01:19Pagdidiin ang korte, sa Pilipinas lang pwedeng ipatupad ang writ of habeas corpus at hindi sa labas ng bansa.
01:25Na ayon man o hindi sa batasang nangyari, wala na raw control o custody ang mga otoridad sa dating Pangulo.
01:32Paglilinaw ng Supreme Court, ang pagbasuran nila sa mga petisyong ito ay hindi raw nangangahulog ang sinasabi nilang
01:37legal ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte o nawalang nalabag sa kanyang mga karapatan.
01:43Ang mga usaping yan ay dapat daw dumaan sa hiwalay na legal na proseso,
01:46hindi sa pamamagitan ng petisyon para sa habeas corpus.
01:50Pero may ibang opinyo ng ilang mga mahistrado.
01:53Sa kanyang concurring at dissenting opinion, bagamat dapat nga raw ibasura ang mga petisyon,
01:58sabi ni Senior Associate Justice Marvick Leonin,
02:00hindi siya sangayon sa kabiguan ng Korte Suprema na resolbahin ang tinawag niyang seryosong mga tanong
02:06tungkol sa saligang batas kaugnay sa kasong ito na maaari raw maulit.
02:11Nabiguraw ang Korte Suprema na bigyang gabay ang mga hukom, abogado o otoridad
02:15sa pagpapatupad sa saligang batas at sa mga obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Rome Statute.
02:19Para kay Leonin, walang international court warrant na maaaring ipatupad sa Pilipinas
02:25nang hindi dumaraan sa ating Korte.
02:27Hindi rin daw nabigyan si Duterte ng pagkakataong humarap sa local judicial authority
02:31alinsunod sa karapatan niya sa ilalim ng Rome Statute.
02:34Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Henry John Paul Inting,
02:38giit niya na hindi moot ang mga petisyon.
02:41Dahil isang legal question ang pagresolba kung nasunod ba ang saligang batas
02:45sa ginawang pag-aresto at pagsuko kay Duterte sa ICC
02:48at hindi isyong politikal na pagdedesisyonan na lang ng mga ahensya ng gobyerno.
02:53Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Antonio Coe,
02:56iginiit niyang hindi pwedeng isuko ng gobyerno ang isang Filipino citizen
03:00sa isang dayuhang hukuman o magpatupad ng anilay extraordinary rendition
03:05na walang lokal na batas sa otoridad mula sa korte.
03:08Kaya Anya, unconstitutional daw ang pagsuko kay Duterte sa ICC.
03:13Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang pahayag ng kampo ni Napulong,
03:17Baste at Kitty Duterte.
03:19Para naman sa abogado ni dating Pangulong Duterte na si Atty. Israelito Torion,
03:24hindi moot o walang saisayang petisyon ng magkakapatid na Duterte.
03:28Anya, kinu-question din kasi ng Heimias Corpus Petition
03:31ang ginawa ng mga opisyal ng Pilipinas noong March 11, 2025.
03:34Kabilang ang pagharang sa dating Pangulo sa Naiya Terminal 3
03:37at pagdetain sa kanya sa Villamore Air Base bago ilipad papuntang The Hague, The Netherlands.
03:43Paglilinaw ni Torion, hindi siya abogado para sa ibinasunang Heimias Corpus Petition.
03:48Abogado siya ng dating Pangulo at ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
03:51para sa isa pang nakabingbing petisyon na kumu-question din sa pag-aresto sa dating Pangulo.
03:57Kinakalang naman daw ng Administrasyong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
04:01Wala nang isang linggo bago magsimula ang child proper ni dating Pangulong Duterte
04:05sa ICC sa The Hague, The Netherlands.
04:08Ayon sa ICC, inaasahang magbibigay si Duterte ng pleas sa Korte.
04:12Limang prosecution witness ang inaasahang tetestigo bagong Christmas break ng ICC sa December 18.
04:17Sa buong paglilitis, nasa isan daang testigo ang inaasahang ipatatawag.
04:22Giit ng ICC, presumed innocent until proven guilty ang dating Pangulo.
04:26The judges will ensure that the proceedings are conducted fairly
04:30and that the rights of all trial participants are respected.
04:34Let's be clear, the court's role is not to pursue any political objective.
04:40Rather, it's to determine through independent and impartial judicial proceedings
04:45whether the charges have been proven according to the law.
04:49Ayon pa sa ICC, mahigit limanda ang biktima ang inotorisan na lumahok sa proceedings
04:55sa pamamagitan ng common legal representatives.
04:57Depending on the circumstances of each individual,
05:02the judges may order protective measures
05:05to safeguard the security and the well-being of these witnesses.
05:09Tinutula naman ang defense team ng dating Pangulo
05:12ang anilay hiling ng prosekusyon na sweeping use
05:15o malawakang paggamit ng closed court session para sa kanilang mga testigo.
05:20Paglabag daw ito sa karapatan ni dating Pangulong Duterte sa public trial.
05:24Ayon sa prosekusyon, hiniling nila ang special in-court security measures
05:28para protektahan ng kaligtasan, dignidad at privacy ng mga testigo.
05:33Darlene Cai, nagbabalita para sa GME News.
05:37I-appel araw ng kampo ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:40na si Veronica ang desisyon ng Korte Suprema
05:43na ibasura ang habeas corpus petition na inihain niya
05:46at ng dalawa niyang kapatid.
05:48Ayon sa abogado ni Veronica Duterte na si Atty. Paolo Panelo,
05:51dismayado sila dahil bukod sa itinuturing na moot
05:54o wala ng saisay ang petisyon,
05:56hindi pa tinalakay ng Korte Suprema
05:58kung legal nga ba ang pag-aresto
06:00at pagdala sa dating Pangulo sa The Hague, Netherlands.
06:03Tila lumalabas daw na minamadali lang
06:05na mailabas sa Pilipinas ang dating Pangulo
06:07bago pa man makagawa ng aksyon ang mga Korte.