00:00Inabot ng labing dalawang taon bago nakuha ng isang dating OFW
00:03ang napanalunan niya mahigit labing dalawang milyong pisong jackpot sa loto noon 2014.
00:09Umani pa nga ito ng interest na dalawang milyong piso.
00:12Pero bakit nga ba inabot ng ganyang katagal bago niya nakuha ang premyo?
00:17Saksi, Sivona Quino.
00:22Matapos ang labing dalawang taong legal battle
00:25para makuha ang napanalunan niyang 12.39 milyon peso jackpot price sa loto 642
00:31nakuha na sa wakas ng isang winning betor ang isang cheque
00:35mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
00:39Mahigit 14 milyon pesos pa nga dahil iniutos din ng korte
00:43na bayaran siya ng 6% annual legal interest.
00:47Kaya napatalon talaga sa tuwa.
00:50Napaaganda na ano.
00:52Mas pa naman siya?
00:53Oo nga eh, bet day ko nga ngayon eh.
00:56Oo, na-timing nga eh.
00:58Sabi ko, ito okay, timing.
01:01Kaya yun, ang wish ko nga eh, talagang blessing talaga dumating sa akin.
01:06Nagpapasalamat niya ako sa staff ng PCSO dahil tinulungan din nila ako
01:10at sa desisyon ng Supreme Court, lalo na kay GM Robles.
01:15It's a feeling of relief, syempre, dahil may nakapending na ganito.
01:19Gusto na rin namin makapag-move on itong kultito.
01:22So, masaya rin kami.
01:24October 2, 2014 pa na jack pata ng isang dating OFW
01:28ang 642 lotto draw sa pamamagitan ng lucky pick.
01:33Pero ang tiket, plinansya ng kanyang anak matapos lukutin ang kanyang apo.
01:38Nangitim ang bahagi ng tiket na dapat umano ay readable ng machine
01:42kaya hindi binigay sa kanya ang premyo noon.
01:45Malaking tulong pa naman sana noon ng pera sa lolo.
01:48O, napakahalaga dahil laoy talagang baon na baon na sa kahirapan.
01:53Utang, nagtatago na sa mga maniningin, banko.
01:58Pero noong March 13, 2023, ipinagutos ng Korte Suprema sa PCSO
02:04na bayaran ang jackpot winner kasama na ang legal interest.
02:08Gayunman, hindi rin agad naigawad ang jackpot prize.
02:11Hindi kasi automatic yun eh.
02:14You'll have to apply sa COA.
02:17Diyan kami ng clearance to release the funds.
02:20Ngayon, hindi lang basta makababayad sa kanyang mga utang ang winning lolo.
02:24Sobra-sobra pa na magagamit niya sa bagong simula ng kanyang pamilya.
02:29Simple mag-ninegosyo.
02:31Sabi nga sa akin, huwag kang magpapalipin sa dalawa.
02:34Kailang isa lamang ang iyong sasambahin.
02:38Huwag pera. Kailangan ni Diyos.
02:40Ako si Fona Kinong, inyong saksi.