00:02Moot o wala ng saisay para sa Korte Suprema ang pinagsamang petisyon para sa Reet of Habeas Corpus na kumekwestiyon
00:09sa pag-aresto at paglipat sa kustudiyan ng International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:16Paliwanag ng kataas-taas ang hukuman, hindi maipatutupad ng mga korte sa Pilipinas ang petisyon dahil nasa dahig Netherlands na
00:23si Duterte.
00:24Sa botong 9-4, kinatigan ng mayorya ng mga maestrado ang pagbasura sa mga petisyon, kabilang si Chief Justice Rodil
00:32Salameda.
00:33Apat na justices naman ang hindi pumabor na ibasura ang petisyon.
00:37Hindi nakaboto si Associate Justice Samuel Garlan dahil may official business ito.
00:42Pagbibigay din ang Korte Suprema, humaharap na si Duterte sa mga pagdinig sa ICC
00:47at gumagamit din ng legal remedies na pinahihintulutan ng korte doon para kwestyonin ang pagkakadetine sa dahig.
00:54Wala rin na nilang praktikal na layunin ang petisyon kung gayong nasa kustudiyan na ng ICC si Duterte
01:00kung saan niya haharapin ang mga kaso kaugnay na umanay madudugong pagpatay.
01:05Iba-iba ang naging opinion ng mga maestrado ng il sa pagbasura ng habeas corpus petisyon.
01:10Ang iba sa kanila na nindigang legal ang pag-aresto ng mga otoridad kay Duterte.
01:14Sa hiwalay na opinion ni Associate Justice Raul Villanueva, sinunod lamang ng mga otoridad ang nakasaan sa Republic Act 9851.
01:23Pinahihintulutan sa probisyon ng batas ang pagsusukos sa ICC ng mga taong akosado ng krimeng saklaw ng batas,
01:30pati na ang pag-uusig sa hukuman doon.
01:32Dagdag pa ni Justice Villanueva, kahit hindi nabahagi ngayon ng ICC ang Pilipinas,
01:37miyembro pa rin ito ng International Criminal Police Organization o INTERPOL
01:42at obligado pa rin makipagugnayan sa mga nagpapatupad ng batas.
01:47Sa concurring opinion naman ni Associate Justice Benjamin Gaghiwa,
01:51maliban sa ICC, wala ng ibang international tribunal na maaaring pagsukuhan ng Pilipinas ng isang Pilipinong sospek o akosado sa
01:58isang kaso.
01:59At dahil din hindi na miyembro ng Rome Statute ang Pilipinas,
02:03nababahala si Justice Gaghiwa na kung gagawa ang Korte Suprema ng mga panuntunan,
02:07sa pagpapatupad ng international arrest warrants,
02:10pwedeng mga kapwa akosado lamang ni Duterte ang makinabang dito.
02:15Sinangayunan din na Senior Associate Justice Marvick Leone na walang hadlang para litisi ng dating Pangulo sa ICC.
02:22Gayunpaman, nilinaw ng Supreme Court na ang sakop lamang ng desisyon ay ang pagbasura sa habeas corpus petition.
02:29Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
02:34na iginagalang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:38ang naging pagbasura ng Korte Suprema sa nasabing petisyon.
02:42Dagdag pa ni Yusek Castro,
02:44tumupad lamang ang mga otoridad sa mandato ng batas at walang nangyaring pang-aabuso sa kapangyarihan.
02:51Nakahanda namang maghain ang motion for reconsideration sa Supreme Court ang kampo ng anak ng dating Pangulo.
02:57Samantala, magsisimula na ang paglilitis kay Duterte sa ICC sa November 30.
03:03Sheila Natividad para sa Bayan.