00:00Pulikam, sa Navotas ang napurnadang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang gadget shop.
00:06Tumunog kasi ang alarm ng shop at naalerto ang mga may-ari ng tindahan.
00:10Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:14Maga alas jis ng gabi nitong Martes, namataan ang dalawang lalaking ito.
00:19Isang nakasando at isang nakaitim na t-shirt sa M. Naval Street sa barangay San Jose, Navotas.
00:25Tumawid ang isa habang tila nagmamasid naman ang isa.
00:28Sa kuha naman ng CCTV ng gadget shop na malapit kung saan namataan ang dalawa.
00:33Mula sa kisame, lumabas ang paa ng isa sa mga lalaki.
00:38Pagtapak niya sa istante, tumunog ang alarm ng shop.
00:44Ang sospek na nakaitim na t-shirt, nakita pa sa CCTV na nasa bubong ng shop.
00:50Naunang tumakas ang kasama niyang nooy wala ng suot na pangitaas.
00:54Dali-daling dumating ang mga may-ari ng shop matapos ma-monitor sa cellphone ang tangkang pagnanakaw.
01:02Matutulog na po sana kami noon.
01:04Nag-check po ako ng cellphone.
01:07Bigla po siyang tumunog.
01:09Nung pagkatunog po ng cellphone, nakita ko po sa CCTV namin na may tao na pong gumaglaw.
01:17Agad po kami tumawag sa barangay para ma-respond yan po agad.
01:22Dumating naman ang mga taga-barangay San Jose at Police matapos matanggap ang tawag ng isa sa mga may-ari
01:28ng shop.
01:28Nung una na monitor namin na pabalik-balik na mga tao, yung dalawang tao na yun doon sa store.
01:36Then pagkatapos nawala sila.
01:39Pagkatapos after nung nawala nila dahil hindi na sila nahagip ng kamera.
01:43Dumaan sila sa bubong eh. Binaklas nila yung bubong.
01:46Pagkatapos sinira nila yung kisam eh.
01:49Base sa kuha ng CCTV, nakilala ng barangay ang dalawang lalaki.
01:54Dati na raw nasangkot ang dalawa sa iba pang insidente ng pagnanakaw sa lugar.
01:59Hindi rin daw ito ang unang beses na pinuntirya ang nasabing gadget shop.
02:03Sa katotohanan niya ni last year, sila din yung nagtankang pumasok doon sa area.
02:10Base doon sa monitoring sa CCTV na nakitna kuha namin.
02:14Kasunod ng insidente, binawasan ng mga may-ari ng shop ang stocks sa shop.
02:19Pinaayos na rin ang sinirang kisame.
02:22Tinutugis na ng maotoridad ang mga lalaki.
02:25Desidido rin ang mga may-ari ng shop na ituloy ang reklamo laban sa kanila.
02:30Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:40May bagong low pressure area sa gilid ng Philippine Area of Responsibility.
02:44Namataan niya na pag-asa 455 kilometers south-southwest ng Kalayaan, Palawan.
02:50Mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging bagyo at posibleng hindi papasok sa PAR.
02:55Sa kabila niyan, magpapaulan ang trough ng LPA sa Palawan.
03:00Easter list naman ang magdadada ng ulan dito sa Metro Manila, Eastern Visayas at ilan pang bahagi ng bansa.
03:07Uulanin din ang kagayan dahil naman sa shear line.
03:10Samantalang hanging-amihan ang nakaapekto sa Batanes.
03:14Naging malamig pa rin ang umaga sa ilang lugar.
03:1713.1 degrees Celsius ang naitalang minimum temperature sa La Trinidad Benguet.
03:2217.2 degrees Celsius sa Baguio City, habang 23 degrees Celsius dito sa Quezon City.
03:28Pusibleng namang makaranas muli ng danger level na heat index ang Cuyo Palawan,
03:33Katarman Northern Samar at Borongan Eastern Samar.
03:37Dito sa Metro Manila, posibleng umabot sa extreme caution level ang alinsangan
03:41o abot sa 39 degrees Celsius particular sa Quezon City at Pasay.
03:52Ramdam na ang epekto ng El Niño sa limang barangay sa Sarat, Ilocos, Norte.
03:57Natutuyo na kasi roon ang ilang ilog at balon na pinagkukuna nila ng patubig sa kanilang mga sakahan.
04:04Dahil dito, humingi ng tulong ang mga residente sa munisipyo na i-divert ang agos ng ilog sa kanilang mga
04:10barangay.
04:10Nakatakdag isagawa ng Municipal Environment and Natural Resources ang pagsasayayos ngayong linggo.
04:16Nagkabitak-bitak naman ang ilang palayan sa Tigbawan, Iloilo.
04:21Kwento ng ilang magsasaka sa barangay na Pansur.
04:24Lugi na sila kaya pinabayaan na nila lamang nila muna ang mga palayan.
04:29Halos 30,000 piso na raw ang nagastos nila sa mahigit isang ektaryang palayan.
04:34Hindi kasi umaabot doon ang irigasyon at mahigit isang buwan ng hindi umuulan sa lugar.
04:40Ayon sa National Irrigation Administration 6, nasa critical level na ang Sibalom River Irrigation System
04:47kaya kulang ang supply ng tubig sa mga bayan ng Tigbawan, Leon at Oton.
04:53Bilang tugon sa problema na mahagi sila ng service water pumps
04:56at hinikayat ang mga magsasaka na humanap muna ng alternatibong supply ng tubig tulad ng sapa at ilong.
05:08Dalawang patay sa salpukan ng bus at van sa tumawin ni Isabela.
05:12Sa investigasyon ng pulisya, binabaybay ng bus na biyahang Pamaynila
05:16ang bahagi ng National Road sa barangay Lana nitong lunes.
05:19Nag-overtake ito sa isang sasakyan at hindi napansin ang kasalubong na van sa kabilang linya.
05:25Patay ang driver at sakay ng van.
05:28Ligtas naman ang mga sakay ng bus.
05:31Nagkaayos na ang dalawang panig.
05:32Nangako ang kumpanya ng bus na sasagutin ang lahat ng gastos at danyo sa mga biktima.
05:38Tumanggi na silang magbigay ng pahiyag pati na ang kaanak na mga nasawing sakay ng van.
05:54Nakikipagtalo ang mga lalaking yan sa konduktor at bus driver sa tapat ng terminal ng tricycle sa barangay Santa Ana,
06:00Taytay Rizal nitong November 18, ang ugat ng tensyon, bawal daw kasing magsakay ang bus doon.
06:07Maya-maya, pinalo ng isa sa mga taga-toda ang konduktor ng bus na sinubukan pa nilang hatakin.
06:13Kalaunay umalis ang bus.
06:15Ayon sa konduktor, sinugod sila ng mga taga-toda noong magbaba sila ng pasahero sa lugar
06:19at may humabol na dalawang pasahero para sumakay.
06:23Hindi na nakuna ng video pero una raw tinamaan ng pamalo ang isang pasaherong senior citizen na nagkasugat sa kamay.
06:30Disedido raw magsampan ang reklamo ang konduktor ng bus.
06:34Itinanggi naman ang nahulikam na lalaki na intensyon niya ang manakit.
06:38Gusto lang daw nilang makipag-usap.
06:41Nanawagan din siya sa operator ng bus na makipag-usap sa kanila sa munisipyo para ma-resolba ang isyo sa
06:46ruta.
06:47Bilang parusa naman, isang linggong pinagbawalang bumiyahe ng Taytay Municipal Tricycle Franchising
06:52and Regulatory Office ang sangkot na toda.
06:55Posible rin daw silang tanggalan ng prangkisa kung mauulit ang harassment.
07:01Dahil umano sa pikunan, nasa Wisa pananaksak ang isang menor de edad sa Kalambalaguna.
07:07Ang itinuturong may gawa niyan, ang kabasketball niya na napikun daw sa pangangansyao ng biktima.
07:13Balitang hatid ni Bam Alegre.
07:20Pinaglalamayan ng 15 anyos na binatilyo na sinaksak ng nakalaro umano niya sa basketball
07:23sa Barangay Dos, Kalambalaguna nitong nakarang linggo.
07:27Ang itinuturong sumaksak, binatilyo rin kaedad niya.
07:30Nagsimula raw ang alitan sa kanchawan ayon sa investigasyon ng mga polis.
07:34Umuwi raw ang binatilyo na naksak at kumuha ng ice pick na ginamit umano niya sa krimen.
07:38Nagsimula siya para after nilang maglaro ng basketball, nagkaroon ng kulitan.
07:47And after that, nagkapikunan sila sir.
07:51And itong si ICL is binubuli nitong victim natin.
07:59Binubuli siya kasi may one time na sumimba si ICL sa Manila.
08:07And ang sabi ni victim, hindi na daw siya probinsyano, Manila boy na siya.
08:13So yun, doon nagkapikunan, nagkaroon ng heated argument.
08:17Tinitignan din ang polis siya ang pagkakasangkot umano ng ama ng minor de edad na nanaksak.
08:21Nung nangyari sir yung incident, dumating yung tatay.
08:25And doon nga sir sa heated argument, sinabi nung tatay pagkadating, ano to, pinagtutulungan niyo yung anak ko.
08:35That time sir, nagkaroon na ng lakas ng loob yung tinga si ICL na gawin niya yung incident na nangyari.
08:45Sa belinas nakatakdang ilibing ang biktima, desidido ang kanyang pamilya na magsampan ang reklamo.
08:50Hindi po makapaniwala eh sa nangyari po eh. Kasi sa mura nilang edad, umabot sila sa ganun eh.
08:57Doon po sa bata, naway pagsisiyan niya po. At doon naman po sa ama, naway sumuko na po siya.
09:09Kasi wala naman pong nakakata sa batas eh. Kailangan po talaga sumuko na siya.
09:16Kung may natitira siyang konsensya sa sarili niya.
09:22Pinagahanap pa ang ama ng Child in Conflict with the Law.
09:25Isinuko naman ng ina ang kanyang anak na itinuturong na naksak.
09:29Nasa pangangalaga siya ng bahay kalinga.
09:31Sinisiga pa namin kunan ng pahayag ang magulang ng biktima at ng CICL.
09:35Actually nga sir, na-inquest po siya.
09:39Nung time na isinorender po siya sa atin, na-inquest po.
09:42And ang mangyayari po dyan, kapag naalaman na itong CICL natin acted with discernment,
09:54yung kaso niya is mag-prosper.
09:58And habang nasa bahay kanlungan siya, doon niya isaserve yung sentence niya.
10:04Bamalagro, nagbabalita para sa GMA News.