Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, may pang-exchange gift na ba kayo sa holiday season?
00:04Silipin natin ng presyo sa Divisoria para makapag-budget na kayo.
00:08May unang balita live si James Agustin.
00:11Guys!
00:16Hey gang, good morning. Ramdam ng mga nagtitinda rito sa Divisoria sa Maynila.
00:20Ang tumal ng dating ng mga mamimili kahit pa marami mga panregalo na mapagpipilian
00:24na pasok sa budget ng mga kapuso natin ngayon magpapasko.
00:30Paragalo man sa mga kaibigan o kaanak, pwede na rin pang-exchange gift.
00:33Hindi mawawala sa uso o mga tumbler na mabibili sa 120 pesos hanggang 500 pesos depende sa klase.
00:40Below 200 pesos din ang mga tuwalya.
00:42150 pesos ang dalawang bath towel habang ang towel set ay 100 pesos.
00:47Mayroon din coin purse na 35 pesos ang kada isa pero pwedeng 3 for 100 pesos.
00:52Naglalaro naman sa 50 pesos hanggang 80 pesos ang presyo ng mga wallet.
00:55Marami rin mapagpipilian na design ng sling bag mula 100 pesos hanggang 250 pesos.
01:01Siyempre hindi mawawala ang iba't ibang klase ng laruan mula sa cooking set, mga track at board games na 35
01:07pesos ang kada peraso.
01:09Patok din sa mga bata ang mga squishy toys na 60 pesos hanggang 300 pesos depende sa disenyo at laki.
01:15At ang bago ngayon ang crunchy squishy toys na 150 pesos ang kada peraso.
01:20May mga damit din pambabae na terno na mabibili mula 100 pesos hanggang 150 pesos.
01:26Pero sabi ng mga nagtitinda, matumal pa sa ngayon ang bentahan.
01:29Umasa sila na pagpasok ng Desyembre sa susunod na linggo ay mag-uumpisa ng dumagsang mga mamimili.
01:37Sa ngayon parang wala pang masyado eh.
01:40Ayun ito, papasok na yung Desyembre pero matumal pa rin.
01:43Mga laruan, dati 25.
01:44Kaya ngayon, tatlo-isandaan na.
01:48Kaya yung natutumalan siguro, sobrang taas na rin ang mga bilihin.
01:51Ganun.
01:52Ba, nahira pa na yung namimili.
01:55Matumal ngayon, hindi ka tulad dati.
01:57Sa talagang wala pang namimili, tignan mo walang patao.
02:01Parang, parang hindi magpapasko.
02:04Sana, pag dumating nyo na yung Desyembre, sana magbago naman.
02:09Para naman at least, kahit na paano, makabawi.
02:17Sa matala, Igan, papakita ko lamang sa inyo yung sitwasyon dito sa Ilaya Street sa Divisora.
02:22Karaniwang po yan ay siksikan na lalo na kapag last week ng November.
02:25At marami na mga mamimili sa ganitong oras.
02:28Pero sa ngayon, eh, kakunti pa lamang po yung tao dito.
02:30Karaniwang po yan, eh, Busy Street po yung kahabaan na yan ng Ilaya Street.
02:34At ang napansin pa natin isa, kumpara noong nakaraang taon,
02:37yung mga nagtitinda po rito at mga tindahan ay late na silang nagbubukas.
02:41Kasi nga, sabi ng mga nagtitinda, ay matumal daw talaga yung bentahan.
02:45Yung mga latest mula po rito sa Divisora sa Maynila, James Agustin, GMA News.

Recommended