00:00Kabilang sa mga tinalakay sa Senado kaninang umaga, ang 2027 Budget ng Department of Agriculture.
00:06May ulat on the spot si Jonathan Andal.
00:09Jonathan?
00:10Connie, pinag-uusapan na rao ng Department of Agriculture at Senate Committee on Agriculture
00:14ang pagbabalik sa merkado ng NFA rice.
00:18Sinabi ito ng Sen. Kiko Pangilinan, Chair ng Komite at sponsor ng DA Budget sa Budget Deliberation sa Senado.
00:25Ayon kay Pangilinan, gusto na nilang ibalik ang NFA rice sa merkado para mapababa ang presyo ng bigas.
00:30Sa ngayon, binabalangkas na rao ang mga amyenda o pagbabago sa RTL o Rice Tarification Law
00:35para may proteksyon kontra korupsyon sa NFA rice.
00:39Silalim kasi ng kasalukuyang batas ng RTL, pinagbabawalan ng NFA na magbenta na kanilang bigas sa palengke.
00:45Sabi ni Pangilinan, ginawa-irao ito dahil naging ugat ng korupsyon ng NFA rice na nire-rebag at ibinibenta bilang
00:51regular or well-milled rice sa merkado.
00:53Sa matala, good news sa mga magbababoy o mga hog racer, inanunsyo ng DA na nailabas na kagabi ng DBM
01:01o Department of Budget and Management
01:02ang P336M na ayuda para sa mga hog racer na naapektuhan ng African Swine Flu.
01:09Sisimulan na rao ang payout ngayong Desyembre.
01:11Sa matala, Connie, dahil walang nagtanong na Senador, parehong mabilis nakalusot sa plenario ng Senado
01:16ang mga panukalang pondo ng MTRCB at ng Judiciary kabilang ang Supreme Court, Court of Appeals at Sandigan Bayan.
01:23Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang budget deliberations ng Department of Agriculture.
01:27Connie?
01:27Maraming salamat, Jonathan Andal.