24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang ancestral house ang nasunog sa barangay Plainview sa Mandaluyong.
00:05Masado alo 6 ng umaga kanina, sumiklab ang apoy sa bahay na ayon sa mga residente ay walang nakatira.
00:12Nagtulungan sila sa pag-apula o pag-apula ng apoy gamit ang timba bago dumating ang mga autoridad.
00:19Idinekla ng fire out ang sunog bago mag-alas 7.
00:23Wala namang nasaktan sa isidente at iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
00:29Ilan pang pamilyang nakatira sa ilalim ng Osmeña Highway sa Maynila ang target ding ilipat sa Bulacan bago magpasko.
00:37Ang mga nauna ng inalis sa binansagang tunnel community, kinamusta natin kung nakapag-adjust na ba lalo't malayo sa Metro
00:46Manila.
00:46Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:51Sa loob ng 27 taon, sa ilalim ng Osmeña Highway sa Maynila, tumira si Elena at kalaunan ang kanyang pamilya.
01:00Madilim, makipot, malapit sa panganib at maghapong nakatungo sa mala tunnel na tirahan.
01:07Kanina, umiiyak si Elena ng bisitahin ng Department of Social Welfare and Development.
01:15Sa bagong bahay ni Elena, hindi na limitado ang matatanaw.
01:20Overlooking ito sa Mount Arayat. May bakuran pang natatamnan niya ng mga gulay.
01:25Sa loob ng 27 years nga po, lahat na anak ko doon ko pinanganak. Pero ngayon, lahat po rin sila
01:30nagkaroon ng bahay dito.
01:32Kaya maraming maraming salamat po talaga.
01:35Bonus na lang na naabutan siya ng 20,000 pisong gagamitin para palaguin ang negosyong food cart na may mga
01:43kinakalawang ng gamit.
01:45Masayang masaya. Talagang ito na yung masabi namin maagang pamasko.
01:51Ayon sa DSWD, 48 na pamilya na ang narelocate dito sa San Elifon, Subulacan mula sa dati nilang tinutuluyan sa
01:59ilalim ng tulay.
02:00Kumpara noon, mas maginhawa raw ang kanilang sitwasyon dito.
02:03Merong dalawang silid, may maayos na palikuran at merong kusina.
02:07Higit sa lahat, hindi na nila kailangan mamuluktot sa araw-araw nilang pamumuhay.
02:12Pero may 35 pamilya pang tinatarget ma-relocate din bago magpasko.
02:18May nauna ng 10,000 pisong tulong sa bawat pamilya.
02:22Pero paglilinaw ng DSWD, panghanap buhay ang mga tulong at hindi pang gasto sa Pasko.
02:29Kailangan mapalago nila ito.
02:31Kaya nga hindi ko ginamit yung maagang pamasko na word kasi it's a livelihood grant.
02:36Ang department kasi is in the line of bringing back hope, pag-asa.
02:40Imagine nyo dati na sa ilalim sila ng tulay.
02:43Ang hirap ng buhay.
02:44Nakakakita ng araw, mas maaliwalas na tahanan, nakakahinga.
02:48Wala na yung agam-agam na ma-demolish o may mangyari dahil binaha.
02:54Siniguro naman ni Rodora sa pagpapalago ng negosyong paglalako ng pagkain mapupunta ang livelihood grant.
03:01Bagay na mahalaga lalot malayo na sila sa Metro Manila.
03:04Kasi mas kailangan po talaga kasi na mga hanap buhay, yung pang-araw-araw na pangangailangan, dun mong kukuwanin.
03:11E sa pag inubos mo yun sa pangpamasko, wala ka na naman pangkabuhayan dito.
03:15E nangangapapa po kami dito sa buhay namin dito.
03:20Bagaman nag-a-adjust pa, marami na silang na-enjoy rito kumpara sa dati nilang lugar.
03:26Dito po, may malaki na kaming bahay, malaki na yung ginagalawa namin, may tubig, may kuryente.
03:32Kesa doon, nag-ano kami, nagsusumig si kami sa maliit lang na bahay.
03:36Para naman sa mga nakatira sa kalsada o kaya'y nakagawian pang mamasko sa mga ito, kahit delikado, may programang
03:44off-land pag-abot ang DSWD.
03:47Sinusundo sila ng mga naglilibot na mga social worker para ilayo sa panganib.
03:52Bibigyan ang pansamantalang tutuluyan bago ibalik sa komunidad na may lakip na livelihood grant para hindi na bumalik sa lansangan.
04:00Kaya imbis na limusan sila, ipaalam na lang daw sa DSWD.
04:05Ang tamang pagtulong, picturean nyo yung location kung saan nyo nakita yung nasa lansangan.
04:11I-post nyo na lang sa Facebook account ng DSWD.
04:14Pinapangako ko sa inyo na pupunta ang aming mga social worker.
04:17Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
04:25Usap-usapan online ang larawan ni Heart Evangelista at Hollywood actress Michelle Yeoh na bumisita sa bansa recently.
04:31At nire-post pa yan ni Crazy Rich Asians author Kevin Kwan.
04:35Preview ba yan ng kanilang project?
04:38Ichi-chika yan ni Aubrey Carampen.
04:44Kinilig ang fans ni global fashion icon Heart Evangelista matapos makitang magkasama sila sa isang photo ng Hollywood actress na
04:52si Michelle Yeoh.
04:53Kwento ni Heart, nag-meet sila ni Michelle sa isang private dinner.
04:57She was very kind. Sobrang idol. Queen ko siya ngayon.
05:01And yeah, so we had dinner and then I saw her about three times and she was just so blessed.
05:08Yung buong team niya, sobrang behet.
05:10Kinilig din daw si Heart dahil tila kilalang kilala siya ng Hollywood star.
05:15Parang binasa niya yung portfolio ko.
05:18So she knew I was a painter, she knew I loved animals, I rescued animals.
05:22So she was very nice.
05:24Nire-post naman ni Crazy Rich Asians author Kevin Kwan ang litrato ni Heart at Michelle.
05:30Kaya may umugong na espekulasyon ng isang possible project together.
05:36Pero paglilinaw ni Heart.
05:38I think for me it's impossible.
05:40But they are filming or they're starting to put together the series at the series of Crazy Rich Asians.
05:48But I don't, ano mo, sa tagal na rin, again, sa industry, you don't think of these things.
05:54And you just really appreciate, like, to even be in front of her.
05:58So, and Kevin is a good friend, so he's just very happy na nag-meet din kami.
06:03Equally glowing si Heart at Michelle.
06:05Sa isang event, ibinahagi ni Heart ng ilang tips para sa healthy at glowing skin.
06:10Kahit pag nag-alis na ng makeup.
06:13Actually, the secret is really living a healthy life.
06:16Kahit ano pong takpan mo sa makeup, if you're not happy or if you're not living a healthy or hindi
06:23ka nag-workout, nag-tumakaya na tama, wala din.
06:26Nagbigay naman si Heart ng update sa pelikulang ginagawa nila ng director at aktor na si John Prax.
06:33Everything that we felt that we haven't said to each other in the 23 years na hindi kami nakita, all
06:40in one film.
06:41Aubrey Carampel, updated to showbiz sa happening.
06:45Good news po at bad news sa mga babyaheng ngayong long weekend.
06:49Maluwag sa ilang bus terminal pero posible ang mabigat na traffic, lalo kung dadaan sa EDSA kung saan may road
06:57reblocking, mamaya po yan.
06:59Nakatutok live si Tina Pangnivalher.
07:02Tina!
07:06Vicky, ang mga sasakyan na nasa mga kalsada ngayon, mabagal ang andar ngayong Payday Friday pati na simula ng long
07:15weekend.
07:16At magamat may mga babyahe papunta sa mga probinsya para sa mahaba-habang bakasyon,
07:22sabi ng isang bus company, hindi pa ganoon karami ang mga pasahero.
07:30Alas 4 ng hapon ang biyahe ng bus na sasakyan ni Salimayor at ng kanyang pamilya papuntang San Juan, Batangas.
07:38Pero wala pang alas 3, nasa terminal na sila sa EDSA-Cubao.
07:42Galing north, Kaloocan pa raw sila at ayaw raw nilang maipit sa traffic.
07:48Maliligo sa dagat.
07:50Bukas po.
07:51So sila sinyo yung long weekend?
07:52Opo. Sa lunis pa ang balik namin.
07:55Pero marami pang bakanteng upuan sa mga bus dito.
07:59Hindi pa masyadong dumadami yung kasayero.
08:03Kahit long weekend?
08:04Opo. May December pa siguro, papalo yung ano natin, passenger.
08:09Ang mga pribadong sasakyan naman, siksikan sa EDSA.
08:14Mabagal ang andar kahit nakatabi na sa pader ng MRT-3 ang mga barrier sa EDSA northbound sa Kamuning at
08:21Mega Q Mart.
08:22Sa isang online post, sinabi ng DPWH na ito ay para maiwasan ang mga aksidente
08:29pag sinimulan na mamayang alas 10 ng gabi ang re-blocking sa bahaging ito ng EDSA.
08:36Ibabalik daw ang barriers pag natapos na ang re-blocking sa November 27.
08:41Ang mabagal na usad ng mga sasakyan hanggang EDSA North Avenue na.
08:46May mga malls sa lugar na ito.
08:49Pareho pa rin ang mall hours ng ilang mall, 10am to 10pm o kaya 11am to 9pm.
08:56May mga hindi pa rin nagpapatupad ng adjusted mall hours na layong mas ilayo pa sa rush hour ang opening
09:04at closing ng mga mall.
09:05May mga hindi pa rin naman nagki-Christmas shopping kahit payday ngayon.
09:10Ang huli, bago ang Christmas rush sa Desyembre.
09:14Walang pera pa.
09:17Kailan niyo po inaasahan magkakaroon?
09:21Pag-wan o pag-sahod o kaya 30 month.
09:31Vicky, ang kinatatayuan natin ngayon ay ang northbound lane ng EDSA North Avenue.
09:36At kung makikita nyo, puno yung kalsada ng mga sasakyan na mabagal ang andar.
09:41At pinangangabahang mas titindi pa yung traffic mamaya kapag nagsimula na yung EDSA re-blocking sa northbound lane sa Bandang
09:49Kamuning at Mega Q Mart.
09:51At paalala rin sa mga motorista, yung U-turn slots po sa EDSA Santolan Flyover at EDSA Kamuning Flyover northbound
10:00ay isasara rin habang ongoing ang re-blocking.
10:04Vicky?
10:05Maraming salamat sa iyo, Tina Pangiliban Perez.
10:12Ramdam na ang diwa ng Pasko sa Noel Bazar sa World Trade Center.
10:18Ngayong panahon kasi ng pagbibigayan, may pagkakataon ding makatulong sa mga nangangailangan ang mga mamimiliroon ng panregalo.
10:26Bisitahin nyo ha yung Celebrity Ukay Ukay Booth ng GMA Kapuso Foundation hanggang November 30.
10:36Sa unang anaw ng Noel Bazar sa World Trade Center nitong Merkulis, may mga mamimili ng inuna ang booth ng
10:45Celebrity Ukay Ukay ng GMA Kapuso Foundation.
10:49Si Jen excited makabili ng aking pre-loved items.
10:53Kaya naman laging tuwa ko ng personal kaming nagkita sa booth.
10:57Thank God for your good heart na nakakatulong po kayo sa amin at sa ating mga fellow Filipinos talaga.
11:05You are a blessing to many.
11:06Maraming salamat, Jen, ha, sa iyong suporta.
11:09Pwede rin kayong mag-bibig ng exclusive items ng inyong favorite kapuso personalities.
11:16Gaya nina Boya Bunda at Nelson Canlast sa ating Celebrity Auction.
11:21Kabilang rin sa matutulungan ng Celebrity Ukay Ukay ang beneficiaries ng Kapuso Cancer Champions na nakatanggap na ng maagang pamasko.
11:32Ginawa na natin tradisyon taon-taon na Celebrity Ukay Ukay para po iyan mapunta sa mga proyekto gagastusin sa mga
11:43proyekto ng GMA Kapuso Foundation.
11:45Makakatiyak kayo, makakarating sa dapat na tunguhan.
11:49Merong mahigit 300 merchants sa Noel Bazaar na nagbebenta ng mga dekalidad at affordable na panregalo ngayong Pasko kabilang ang
12:01local products.
12:02Pagkain, damit, sapatos, bags, accessories.
12:06We are able to help our local producers of Filipino products which really need the help nowadays.
12:14I believe that it's very meaningful to be here in Noel Bazaar and for every purchase, it carries a deep
12:23meaning.
12:23Sa mga nice makiisa sa aming mga projects, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala.
12:30Sa Cebuan na lumunyay, pwede rin via QR code ng GCash at PalawanPay o magdonate online sa G-Bayanian, Globe
12:40Rewards, Metrobank Credit Cards, Lazada at Shopping.
12:45I-dinatalyal ang International Criminal Court Trial Chamber 3, ang magiging takbo ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte simula
12:54po sa lunes.
12:55Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
13:00Sa lunes, November 30, sisimula na ang trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
13:08Ang ICC Trial Chamber 3, naglabas ng ilan detalye ng magiging takbo ng trial ng dating Pangulo
13:15sa kasong Crimes Against Humanity of Murder and Attempted Murder
13:20dahil sa kanyang madugong kampanya kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.
13:27Sa pagsisimula ng trial, 2 hours and 15 minutes ang inilaan ng korte para sa opening statement ng prosecution.
13:34Isa't kalahating oras naman para sa Common Legal Representatives of Victims o CLRVs.
13:41May isang oras naman ang mga abugado ng dating Pangulo para sa paglalatag ng outline ng kanilang depensa.
13:47Matapos nito, agad nasisimula ng testimonya ng unang testigo ng prosecution.
13:54Araw-araw ang trial na magtatagal ng kabuang apat na oras mula 5pm to 11pm oras sa Pilipinas.
14:02Naglabas na rin ang inisyal na schedule ng trial ang korte hanggang sa April 2027.
14:08Nag-suminta naman sa korte ang defense team ng ikatlong listahan ng mga ebidensya nito.
14:14Laman nito, ang 61 mga item na karamihan ay mga news articles, press releases at official issuances
14:23ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas at maging ilang release ng Binoong Truth Commission.
14:30Dito sa Pilipinas, naghain ang resolusyon sa Senado sina Senadora Amy Marcos at Senador Robin Padilla
14:37para ipanawagan ng pagpapabalik sa dating Pangulo sa Pilipinas.
14:42Nakasaad dito sa Senate Resolution 797 ang paghimok sa Ehekutibo na itigil na ang pakikipagtulungan sa ICC
14:50dahil hindi nakasapi ang Pilipinas dito.
14:53Dapat din daw itigil ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Senador Bato de la Rosa na nagtatagong ngayon.
15:01Malinaw na si Pangulong, dating Pangulong Digong, wala siyang lokal na warrant of arrest.
15:10Sana ay magkaroon ng hudyat ang ating gobyerno, kausapin ang ICC na ibalik na dito si Digong.
15:19Nauna nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng magkakapatid na Congressman Pulong, Mayor Baste at Kitty Duterte
15:27kontra sa pag-aresto at pagdala ng dating Pangulo sa ICC.
15:32Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Oras.
15:40Happy to be back in the Philippines ang South Korean stars na sina Hansel He at Lido Hyun.
15:44Bukod sa pag-share ng fashion tips at style preferences, nagpasalamat din sila sa warm support ng fans.
15:52Makichika kay Obre Carampel.
15:57Mainit ang pagsalubong ng Pinoy fans sa South Korean stars sa sina Hansel He at Lido Hyun.
16:02Sa special appearance nila bilang global ambassadors sa opening ng isang Korean fashion brand sa Makati,
16:08ay bumati sila sa fans.
16:11Nag-share din sila ng kanilang personal style preferences at fashion tips.
16:16Spotted naman doon si kapuso It Girl Gabby Garcia na isa sa special guests.
16:22Nagkaroon din ang pagkakataon ng GMA News na ma-interview one-on-one ang Korean stars.
16:28Si Sohee na bumida sa mga k-drama na Gyeongsang Creature.
16:32Nevertheless, at my name, masaya raw na nagbalik Pilipinas after a year.
16:39I think I was here last year for the fan meet.
16:42It's been around one year since the last visit.
16:45Thank you so much for the big welcome and the cheers.
16:48I didn't really expect it.
16:50I am really thankful that everyone liked and showing support even from afar.
16:56Tingin naman niya well-loved ng Korean fashion globally, pati na sa Pilipinas,
17:00dahil sa impact ng K-pop.
17:05Many people love K-pop artists and it naturally goes towards the K-pop beauty and even fashion.
17:13Si Dohion na bumida naman sa mga k-drama series na The Glory, 18 Again at The Good Bad Mother.
17:20Nagpasalamat din sa support ng fans.
17:22Nandito rin siya last year for a fan meeting.
17:24To my Filipino fans, I'm truly happy to meet you.
17:30Every time a new project was released, I was always grateful for the warm support and love you sent from
17:35afar.
17:36Being able to look you into the eyes here and say thank you in person means so much to me.
17:41Kapwa Bessy, Sina Dohion at Sohi sa kanika nalang upcoming acting projects.
17:46Sabi naman ni Dohion, ibang iba raw siya in real life sa mga serien kanyang ginawa.
17:54In the projects, I usually take the cool roles.
17:58That's why the people are not really aware with it.
18:00But I'm more of a playful and down-to-earth than people expect.
18:04And also, I'm a person that would like to really go with the flow.
18:08And I love chatting with my close friends too.
18:11Kung may free time daw siya sa Manila, gusto raw niyang matry ang local street food, pati na ang halo
18:18-halo.
18:18Aubrey Carampel, updated sa showbiz sa happening.

Recommended