Nagluluksa ang halos buong mundo sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II. Nanungkulan siya bilang reyna nang 7 dekada, pinakamahaba sa kasaysayan ng Britanya. Hindi dinetalye sa anunsyo ng Royal Family ang dahilan ng kanyang pagpanaw, pero dati nang sinabi ng Buckingham Palace na may mga problema na sa pagkilos ang yumaong reyna. Humalili na sa kanyang bilang bagong Monarch ang anak niyang si King Charles III. Nakatutok si Chino Gaston.