00:00Hindi muna inalis ng Department of Justice ang anak ng pinaslang na negosyanteng si Anson Keh sa listahan ng mga respondent sa kaso.
00:09Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullion, tatapusin muna ng prosecution panel ang preliminary investigation
00:16at susuriin ang mga ebidensya bago aksyonan ang mosyon ng PNP Anti-Kidnapping Group na alisin si Alvin Keh sa mga inireklamo.
00:26Unang isinaman ng PNP ang pangalan ni Alvin sa mga pinapaimbestigahan kaugnay ng kasong pagkidnap at pagpatay sa kanyang negosyanteng ama.
00:36Pero binawi ito kalauna ng PNP at sinabing kulang ang kanilang ebidensya para isangkot siya sa krimen.
00:44Dumalo si Alvin sa preliminary investigation ng DOJ ngayong hapon.
00:48Naroon din ang limang suspect na hawak na ng pulisya kabilang ang itinuturong mastermind.
00:54Submitted for resolution na ang mga reklamong kidnapping for ransom with homicide laban sa kanila.