00:00Bahagyang lumago ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2025.
00:08Naitala yan sa 5.4%, mas mataas sa naitalang GDP noong nakalipas na quarter na 5.3%,
00:16pero mas mababa yan sa 5.9% GDP ng kaparehong quarter noong 2024.
00:24Hindi rin ito pasok sa target na 6 to 6.5%.
00:28Ang Gross Domestic Product ang kabuang halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na nililikha sa loob ng bansa.
00:36Ayon sa gobyerno, kabilang sa may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya sa quarter na ito
00:41ay ang wholesale at retail trade, pagre-repair sa mga sasakyan at motor, financial at insurance activities at manufacturing.
00:50Nakapagtala naman ang pinakamabilis na paglago ang mga industriya ng agrikultura, forestry at fishing,
00:57industry and services.