00:00Monitoring and assessment sa pinakahuling aktividad ng Mount Canlaon ating pag-uusapan
00:05kasama si PHIVOX Director Dr. Teresito Bacolcol.
00:09Dr. Bacolcol, magandang tanghali po.
00:12Magandang tanghali po sa iyo, sir.
00:14Sir, maaari po ba ninyong ilarawan kung ano ang nangyari sa pagsabog o explosive eruption
00:20ng Mount Canlaon itong madaling araw ng Martes?
00:23Gaano po kalakas ang eruption base sa inyong datos?
00:26Okay, so nagkaroon po ng moderate explosive eruption sa Canlaon volcano kaninang 2.55 ng madaling araw.
00:36Tumagal ito ng 5 minutes based sa aming seismic and infrasound data.
00:42Sa lakas ng pagsabog, nakabuhay ito ng abo at ulak, ito tinatawag natin na plume
00:47na umabot ng 4.5 kilometers ang taas mula sa crater ng Canlaon volcano.
00:53And nakita rin natin ang pagbagsak ng pyroclastic density current sa southern slope ng vulkan.
01:02Sir, ano naman po ang ibig sabihin ng grayish voluminous plume?
01:06At gaano po kalaki ang epekto nito sa mga karating lugar?
01:11Okay, so yung grayish voluminous plume ay nangangahulugang makapal na usok at abo na binugan ng vulkan.
01:16Ibig sabihin nito, maraming materials gaya ng pinong abo, gas, and volcanic fragments ang binugan ng Canlaon volcano.
01:25So sa ngayon, confirm po na may ashfall sa mga barangay ng La Castillana, La Carlota, Bagu City, San Carlos City, pati na rin sa may Canlaon City.
01:37Sir, ano po ang mga panganib ng pyroclastic density currents, lalo na may nakita pong bumaba sa southern slopes ng vulkan?
01:47Okay, so yung pyroclastic density currents, ito yung kombinasyon ng gas, volcanic ash, and volcanic debris.
01:58And mabilis yung daloy nito, bumabagsak ito sa dalis-dis ng vulkan.
02:03And delikado ito dahil it can incinerate everything on its path.
02:07Kayang sunogin ang vegetation, makakasira ng mga ari-ari asad, dinadaanan nito, pati na rin sa, you know, pwede rin itong kumitilang buhay.
02:16So sa kaso ng Canlaon Volcano, again, ang PDC ay bumaba sa, humigit kumulang 2 kilometers from its crater doon sa southern slope.
02:27Sir, may mga ulat po na narinig na malalakas na ugong mula po sa Barangay Pula at La Castellana at nasabi nyo nga po kanina na mayroon din pong ashfall doon.
02:37May iba pa po bang lugar na apektado ng eruption sa mga oras na ito?
02:41Okay, yung ugong na narinig ng mga residente ay resulta ng pressure release.
02:48So kapag ang vulkan ay biglang naglabas ng gas at iba pa ang volcanic materials, naglalabas din ito ng napakalakas na energy.
02:55So ito ang sanhi ng malakas na ugong o rumbling sound na narinig ng ating mga kababayan.
03:00At ito ay narinig sa Barangay Pula ng Canlaon City, which is several kilometers away.
03:06Narinig din ito sa may La Castellana City proper.
03:09Sir, nananatili ang 6-kilometer danger zone.
03:15Posible po bang palawakin pa ito dahil sa alert level at aktividad na pinapakita ng vulkan?
03:21Okay, so sa ngayon, nananatili sa alert level 3 ang Canlaon Volcano.
03:28And maintained pa rin natin yung recommendation natin na walang tao inside the 6-kilometer danger zone.
03:34So kung mag-escalate farther yung activity ng vulkan, we may raise the alert level from 3 to 4.
03:41And with that, we may also extend the danger zone from 6 kilometers to maybe 10 kilometers.
03:47Sir, base po sa eruption po at aktividad po ng vulkan Kanlaon,
03:57meron po bang posibilidad ng mas malakas pang pagsabog sa mga susunod na araw base po sa kasaysayan ng vulkan?
04:05Okay, again, base sa current parameters that we are monitoring, that we have recorded,
04:13may posibilidad na pwedeng magbago o may mas malakas pa ng pagsabog sa mga susunod na araw.
04:20That's the reason why yung alert level, when we say alert level 3,
04:26it means that hazardous eruption is possible in the next few days or in the next few weeks.
04:30But right now, again, we still maintain the alert level 3.
04:34Dr. Bakulgol, paano po makakatanggap ng real-time updates ang publiko mula sa FIVOX?
04:39Saan po ba maaari mag-monitor ang ating mga kababayan na malapit sa vulkan?
04:45Okay, yung pang publiko ay makakuha ng real-time updates mula sa official website ng FIVOX,
04:51pati na rin sa aming official Facebook and Twitter or yung ex-account namin.
04:57Meron din tayong app na tinatawag na Volcano Page App,
05:01which they can download at makakuha sila ng real-time information about our active volcanoes na may mga alert levels.
05:07And we also submit regular bulletins sa mga LGUs at sa media.
05:13So, para sa mga nakatirang malapit sa Kanlaon Volcano,
05:17makitakod na yan lamang sila sa kanilang lokal na DRMO
05:20at bantayan ang mga advisories mula sa amin at sa kanilang mga local government units.
05:26Sir, mensahe o paalala nyo na lang po sa ating mga kababayan na nasa paligid po ng Mount Kanlaon.
05:31Okay, so again, paalala natin sa ating mga kababayan,
05:36huwag po silang pumasok inside the 6-kilometer danger zone.
05:41Again, pinagbabawal pa rin po natin dahil sa panganib ng biglang pagpotok
05:47o pagbagsak ng bato mula sa dalis-dis ng vulkan.
05:51So, para sa mga nakakaranas ng asphalt,
05:54magsuot po sila ng mask N95 kung maaari
05:57and iwasan ang paglabas kung hindi naman kinakailangan.
06:01Maraming salamat po sa inyong oras,
06:03FIVOX Director Dr. Teresito Bakulkol.