00:00Naglabas ng arrest warrant ang Korte sa Pampanga laban kina Atty. Harry Roque, Cassandra Ong at iba pa.
00:06Para ito sa kasong qualified human trafficking, kaugnay ng sinalakay noong iligal na Pogo Hub sa Porak.
00:12Nakatutok si Darlene Kai.
00:17Huling nakita ng publiko si dating presidential spokesperson Harry Roque sa The Hague, Netherlands,
00:22kung saan siya humihingi ng asylum matapos ang mga kinakaharap na problema kaugnay ng Pogo operation sa bansa.
00:27Ngayon, ipina-aaresto na siya ng Pampanga Regional Trial Court Branch 118 para sa kasong qualified human trafficking.
00:35Sa warrant na pirmado ni presiding judge Renere Yes na may pet siyang May 8,
00:39sinabing nakitaan siya ng probable cause sa kanyang kaugnayan sa iligal na Lucky South 99 Pogo Hub sa Porak, Pampanga,
00:46na puga dumuno ng scam, torture at iba pang krimen.
00:49Non-bailable ang kaso laban sa kanila.
00:51Nauna nang itinaginiro kayang aligasyon at sinabing abugado siya ng whirlwind corporation
00:55na may-ari ng lupang pinagtayuan ng Lucky South 99.
00:58Si Roque, ipina-aaresto rin ng House of Representatives dahil sa kanyang hindi pagdalo sa Quadcom hearings kaugnay ng Pogo operations.
01:05Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na hindi raw makatarungan ang ginagawa sa kanya
01:10at isasama niya raw ito sa kanyang aplikasyon para sa asylum sa The Netherlands.
01:14Victima raw siya ng political persecution ng Administrasyon Marcos dahil kaalyado niya ang mga Duterte.
01:20Sisikapin daw niyang makakuha ng mga legal remedy para mapangalagaan ng kanyang buhay at kalayaan na ngayon ay pinagbabantaan.
01:27Hindi ro siya lumisan ng bansa dahil guilty siya kung hindi bilang bahagi ng kanyang human right na makakuha ng asylum.
01:34Kasama rin sa ipina-aaresto ng korte sa Pampangas si Cassandra Ong,
01:37ang umano yung authorized representative ng Lucky South 99.
01:40Gayon din si na former Technology and Livelihood Resource Center Deputy Director General Dennis Conanan
01:45at 47 iba pang isinasangkot sa kaso.
01:48Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na hingin ang kanilang panig.
01:52Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.