-DOTr: Rutang España-Quezon Avenue, pinag-aaralang lagyan ng bus rapid transit system/Ilang commuter, pabor sa paglalagay ng busway system sa España Blvd. at Quezon Ave./Ilang motorista, nababahala na mas lumala ang traffic kapag nabawasan ang lane para sa mga pribadong sasakyan/Pangamba ng ilang tricycle driver, baka mawalan sila ng malulusutan kapag nagkaroon ng busway sa España Blvd. at Quezon Ave.
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ
ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Klase sa Buhisan E.S., tuloy pa rin sa kabila ng panganib na gumalaw ang lupang kinatitirikan ng paaralan/Cebu LGU at DepED-7, nagtutulungan para mahanapan ng agarang solusyon ang problema ng Buhisan E.S.
-Loming Batangas, ibinida sa isang eating competition
-PhilHealth Konsulta, inilunsad sa Esteban Abada Elementary School/DepEd, aminadong may learning crisis na lumala raw noong Covid-19 pandemic; naghahanda na sa mga hakbang para tugunan ito
-P75,000, napanalunan ng mga maswerteng winner mula week 1 hanggang week 4 ng Kapuso Bigtime Panalo Season 3
-Michelle Dee, Mika Salamanca at Bianca Umali, napanood na sa episode kagabi ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Rainfall Advisory, itinaas sa ilang bahagi ng central at southern Luzon
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ
ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Klase sa Buhisan E.S., tuloy pa rin sa kabila ng panganib na gumalaw ang lupang kinatitirikan ng paaralan/Cebu LGU at DepED-7, nagtutulungan para mahanapan ng agarang solusyon ang problema ng Buhisan E.S.
-Loming Batangas, ibinida sa isang eating competition
-PhilHealth Konsulta, inilunsad sa Esteban Abada Elementary School/DepEd, aminadong may learning crisis na lumala raw noong Covid-19 pandemic; naghahanda na sa mga hakbang para tugunan ito
-P75,000, napanalunan ng mga maswerteng winner mula week 1 hanggang week 4 ng Kapuso Bigtime Panalo Season 3
-Michelle Dee, Mika Salamanca at Bianca Umali, napanood na sa episode kagabi ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Rainfall Advisory, itinaas sa ilang bahagi ng central at southern Luzon
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bukod po sa EDSA Bus Carousel, posibleng na rin magkaroon ng busway ang ilan pang major roads sa Metro Manila.
00:07Kabilang po dyan ang Espanya Boulevard at Quezon Avenue.
00:10Ang ilang motorista may agam-agam naman sakaling matuloy ito.
00:14Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:20Pinag-aaralan ngayon ng Department of Transportation o DOTR
00:24ang posibleng paglalagay ng bus rapid transit o busway model tulad ng sa EDSA
00:30sa iba pang malalaking kalsada sa Metro Manila gaya sa Quezon Avenue sa Quezon City at Espanya Boulevard sa Maynila.
00:37Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon,
00:40layo ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na sistema ang mga bus para sa mga commuter,
00:45lalo na sa mga estudyante sa mga naturang lugar.
00:48Pabor dyan ang delivery truck driver na si Limuel na dalawang oras bumabiyahe araw-araw
00:53mula sa Montalban, Rizal, papasok sa kanyang trabaho sa Quezon City.
00:57Di na raw siya mahihirapan sumakay kung may busway.
01:00Okay lang po sa mga commuter namin para mas mabilis at hindi sagabal yung mga bus sa kalsada.
01:07Masyado bukas yung traffic kapag ano eh,
01:10lalo na sa aming commuter, sagabal kami sa kalsada.
01:14Ayos lang din daw para sa commuter at delivery rider na si John Wayne
01:18ang planong busway sa Espanya Boulevard at Quezon Avenue.
01:21Yun nga lang, baka raw mas lalong tumindi ang traffic kung mababawasan ang lane para sa mga private vehicle.
01:27Okay naman po para may magandang daanan ang busway.
01:32Para hindi siya hassle pagka magko-commute.
01:35Kasi marami pong jeep, ganon.
01:37Hassle po pero kung sa rider po, hassle.
01:41Hassle po kasi makakainan ng isang linya.
01:44Pagka rusher kasi ma'am, ang daming nagsisiwiwi yan kaya mata-traffic.
01:48Sabi naman ni Alberto at mga kasama niyang tricycle drivers na nakapila sa Welcome Rotonda,
01:53baka mawalan sila ng daanang malulusutan kapag nagkaroon ng busway.
01:57Pabor naman po kasi para sa kagaganda rin ng lugar yan eh.
02:03Yung problema, yung tricycle, kung po pwede pa kami makalusot.
02:07Kasi yun lang naman ang way namin, yung U-turn dyan eh.
02:10May ginagawa na raw feasibility study ang DOTR sa panukalang Espanya-Quezon Avenue busway system
02:16na inaasahang matatapos sa susunod na taon.
02:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:25Update po tayo sa panibagong low-pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:30Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
02:34Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
02:36Magandang umaga, honey, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
02:40Saan-saan nga ho ba magpapaulan itong bagong low-pressure area natin?
02:46Tama, honey. May namonitor nga tayong bagong low-pressure area.
02:49At kanina, last 8 ng umaga, ay nandito sa may coastal waters ng Pangasinan area.
02:55At inaasahan na magdudulot ito ng maulap na kalangitan at mga pagulan
02:59dito sa Metro Manila, sa Central Zone, sa Lalawigan ng Benguet,
03:04Quirino, Nueva Biscaya, Pangasinan, Calabar Zone, Oriental Mindoro, at Marinduque.
03:09Dahil nga dito sa truck ng low-pressure area na ito.
03:12Malakas ho ba ito o talaga hong pabugsu-bugsu lamang?
03:16Well, sa ngayon, Connie, maliit naman ang chance sa maging bagyo nito.
03:21Pero kung magkita nga natin sa ating pinaka-latest satellite imagery,
03:25ay talagang yung makakapal na ulap nito ay tumatama dito nga sa
03:29kaluram o nakararaming bahagi ng Central and Southern Luzon area.
03:33Kaya sana mga kababayan natin yung mga pagbugsu-bugsong ulan ngayong araw,
03:36hindi lamang sa Metro Manila, kundi dun nga sa mga nabangit nating mga karating lalawigan.
03:41Ano ho ang ibig sabihin kapag kamabilis na nalulusaw yung LPA
03:44pero agad ding nagkakaroon ng panibagong LPA,
03:47sa loob pa rin ho ng ating Philippine Area of Responsibility?
03:51Well, Connie, kasi yung minonitor natin during the last 24 hours
03:54ay nandito na sa may bandang Southern Luzon area.
03:57So, yung previous LPA na binabantayan natin,
04:00nagkaroon na interaction with the land bus,
04:02nabasag yung kanyang circulation, yung organization nito,
04:05yung kaulapan nga nito na hindi pa ganun ka-organize
04:08dahil nga nagkaroon na interaction sa mga land bus,
04:10tayo tuluyan ng nalusaw o nag-dissipate.
04:13So, balit, may mga kaulapan dito nga sa West Philippine Sea,
04:16sa kandurang bahagi ng Northern Luzon area,
04:18na dahan-dahan naman nag-consolidate at nabuo
04:20at ito nga yung panibagong low pressure na binabantayan natin sa ngayon.
04:24Oho, bagamat sabi nyo nga kanina, maliit yung chance na maging bagyo nito,
04:29pero normal ba na nasa kalagitnaan na tayo ng toon,
04:32pero parang wala pang mga bagyo, maliban sa auring,
04:35na dumaan po sa ating Philippine Area of Responsibility?
04:38Ano ba ang nakikita nating paliwanag dyan?
04:42Yes, Connie, from time to time,
04:44nangyayari dito sa atin na bagamat nasa neutral climate condition tayo,
04:48minsan, latter part of the second half,
04:51nagsisimula yung panahon ng bagyo andito sa nating bansa.
04:54So, nangyayari ito occasionally, normal po ito,
04:57sabarit, ito nga, pag nagkaroon naman tayo ng mga bagyo,
05:00posibleng sunod-sunod naman yung mararanasan natin.
05:03Kaya sa mga kababayan po natin,
05:05dapat continuous monitoring sa mga pinapalabas na anunsyo ng pag-asa
05:08regarding mga potential na bagyo
05:10or maging mga regular weather system na pwede magdulot nga
05:13ng mga pagulan, lalo na ngayong panahon ng pasokan.
05:16Maraming salamat po sa inyong oras ibinayahagi dito sa Balitang Hallie, sir.
05:21Maraming salamat dito at maganda umaga.
05:23Yan po naman si pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
05:27Ito ang GMA Regional TV News.
05:31Sa gitna ng pagbabalik eskwela,
05:33doble ingat ang ginagawa ng mga estudyante at guro
05:36ng Buhisan Elementary School dito sa Cebu City.
05:40Nakitaan kasi ng mga opisyal ng CDRRMO
05:43ng malalaking bitak ang opisina, classroom at lupa ng eskwelahan.
05:48May posibilidad ding gumalaw ang lupang kinatitirikan ng paaralan.
05:52Ayon sa punong guro ng eskwelahan,
05:54gustuhin man nilang lumipat,
05:56wala silang malilipatan.
05:58Kaya tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase roon nitong lunes.
06:01Handa naman daw silang magpatupad
06:03ng modular distance learning
06:05sa tuwing masama ang panahon.
06:07Sa ngayon, nasa mahigit 700 elementary students ang enrolled
06:11at mahigit 300 high school students naman
06:13ang gumagamit ng paaralan para sa night classes.
06:17Ayon naman sa Cebu City Hall,
06:18may lupa ng paglilipatan sa apektadong paaralan
06:21pero may mga proseso pa raw na kailangang gawin.
06:25Nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd Region 7 sa LGU
06:28para mahanapan ng agarang solusyon ang problema.
06:31Samantala tuwing tag-ulan,
06:36masarap talagang humigop-higop ng sabaw.
06:39At kapag sinabing lipabatangas,
06:41ala'e, lomi na ang pambato.
06:44Yan nga ang ibinida sa isang eating competition doon.
06:47Labindalawang empleyado ng City Hall
06:49ang kumasa sa Extra Yummy Challenge.
06:526 sa men's category at 6 sa women's.
06:55Para tanghalin na lomi king and queen,
06:58isa lang naman ang dapat gawin.
06:59Maging pinakamabilis na magsimot-sarap
07:02ng isang mangkok ng mainit,
07:05kumpletos rekados at OG na lomi Batangas.
07:09Bahagi ang contest ng pagdiriwang
07:10ng 78 Cityhood Anniversary ng Lipa.
07:22Kalusugan ng mga estudyante
07:24ang isa sa mga tinututukan daw
07:25ng Department of Education
07:27para tugunan ang learning crisis sa bansa.
07:29May ulat on the spot si Maki Pulido.
07:32Maki!
07:37Magkasama ang Deped at DOH ngayong umaga
07:40para ilunsa nitong PhilHealth Consulta
07:43dito sa Esteban Elementary School
07:45dito sa May Quezon City.
07:47Dito ay pinagrehistro na yung mga magulang
07:49para maka-avail sila
07:51nitong PhilHealth Consulta package.
07:53Ito yung medical consultation at laboratory tests
07:57na sagot ng PhilHealth
07:58sa mga participating health facilities.
08:01Ang tanging requirement lamang dito, Rafi,
08:03ay magparehistro.
08:05Ang kalusugan daw kasi ng mga estudyante
08:07may kinalaman sa kanilang learning.
08:09Kaya in fact,
08:10pagkatapos silang magparehistro sa PhilHealth,
08:12meron na rin available dito ngayon
08:14sa Esteban Abada Elementary School
08:16na magpakonsulta sa doktor,
08:19pati mga laboratory tests.
08:20Aminado naman ang DepEd, Rafi,
08:22ano na may learning crisis sa Pilipinas
08:24kung saan hindi raw angkob
08:26sa kanilang grade level
08:27ang pagbasa at pagbilang.
08:30Reaksyon nito ni DepEd Secretary Sonny Angara
08:32sa assessment ng UNICEF
08:34na may learning crisis sa bansa.
08:36Sa assessment ng UNICEF,
08:38lumala ito noong COVID pandemic.
08:40Tineyak ni Angara na may mga ginagawang hakbang
08:43ang DepEd to address this
08:44at ito raw ang isa sa kanilang tututukan
08:47sa natitirang tatlong taon
08:48ng Marcos administration.
08:50So sabi naman sa atin dito
08:52ng principal ng Esteban Abada
08:53ay sa paralan nila,
08:55napababa naman nila
08:56yung bilang ng mga learning difficulty
08:59dahil nag one-on-one session.
09:02Ito yung intervention na kanilang ginawa.
09:04Sa loob ng isang taon
09:06ay nagkaroon ng one-on-one session
09:08yung mga teacher at mga bata
09:10post-pandemic.
09:11So ang problema raw ngayon,
09:13sabi sa atin ng principal
09:14ng paralan ito ay gadgets.
09:15Bumabagal yung learning
09:17ng mga bata
09:18dahil sa pagtutok nila
09:20sa kanilang mga gadgets.
09:21Rafi?
09:23Maraming salamat,
09:24Maki Pulido.
09:24Abisala mga Encantadex!
09:33Finally,
09:33ay nasagot kagabi
09:34kung bakit mapupunta
09:36sa mundo ng mga tao
09:37si Danaya Sanya Lopez.
09:39Ihanda ang aking tagapagmana?
09:46Hindi ba't inihanda ko na nga si Gaya?
09:49Sundin niyo ang aking utos!
09:53Wala ni isa sa inyo
09:54ang may karapatan
09:56mga tuwiran sa akin.
09:59Ipinakilala na si
10:00Hara Cassandra ng Lireo
10:01played by Michelle D.
10:03Gusto ni Cassandra
10:04na magtungo ang pamilya ni Danaya
10:06sa mundo ng mga tao.
10:08Kasunod ito
10:08ng pag-uusap
10:09ni na Cassandra
10:10at Kasyopeya
10:11played by Solene Hiusaf
10:13tungkol sa kapalaran
10:14ng anak ni Danaya.
10:16Maagang masasawi si Gaya
10:18played by Cassie Lavarias.
10:20Sa kanyang mata
10:20makikita
10:21ng sinaunang reyna
10:23na si Tera
10:24played by Bianca Umali
10:25ang bagong tagapagligtas
10:27at tunay
10:28na magmamana
10:29ng brilyante ng lupa.
10:31Ni-revealed din
10:31sa episode na si PBB
10:33celebrity collab housemate
10:35Mika Salamangka
10:36ay si Anaka
10:37ang alagang kuwago
10:39ni Keramitena
10:39played by Rian Ramos.
10:45Ipinasilip naman
10:46ng ilang cast members
10:47ang kanilang behind the scenes
10:49sa set ng Sangre.
10:51Kabilang dyan
10:51si na Alena Gabby Garcia
10:53at Perena Glaiza De Castro.
10:56Enjoy sa pagbabaliktiping
10:57si Solene
10:58na may BTS
10:59sa kanyang hardin.
11:00May pa-BTS din
11:01si Bianca Manalo
11:02as Olgana
11:03sa Mineave.
11:05Subaybayan
11:05ang Encantadio Chronicle
11:06sangre tuwing
11:07alas 8 ng gabi
11:08pagkatapos ng 24 oras
11:10sa GMA Prime.
11:17Nakataas po ngayon
11:18ang rainfall advisory
11:20sa ilang bahagi
11:20ng Central
11:21at Southern Luzon.
11:22Ayon sa pag-asa
11:23apektado po ang
11:24Tarlac,
11:24Pampanga,
11:25Bulacan,
11:26Laguna,
11:26Bataan
11:27sa ilang panig
11:28ng Zambales,
11:29Nueva Ecija
11:30at Quezon.
11:31Ang maulang panahon
11:32sa mga nasabing lugar
11:33ay epekto
11:34ng low pressure area
11:35o ng bagong low pressure area
11:37malapit po sa Pangasinan.
11:39Tatagal
11:39ang rainfall advisory
11:41hanggang alas-gos
11:42mamayang hapon.