00:00Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture at National Food Authority
00:04ang pag-amienda sa Rice Tarification Law.
00:08Ito'y para maibalik ang regulatory powers ng NFA,
00:12kabilang na dito ang pagtatakda ng tamang floor price
00:15sa pagbili ng palay sa mga magsasaka.
00:17Sa pamamagitan umano nito, may iwasan ang overpricing sa bigas
00:21at mapoprotektahan ang mga magsasaka
00:24mula sa pagkalugi o pananamantala lalo na tuwing harvest season.
00:30Samantala, tiniyak naman ang NFA na sapat at sobra pa
00:33ang rice buffer stock ng bansa na kayang tumagal ng halos dalawang linggo.
00:38Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbili ng NFA
00:41ng palay sa mga magsasaka ngayong nasa huling bahagi na ang harvest season.
00:48I'm sure ang production cost ang magiging basihan ng floor price
00:53meaning hindi siya bababa sa production cost ng bawat lugar
00:58kasi iba-ibang lugar, iba-iba rin naman ang production cost.
01:02So, I think, hintayin na lang natin.
01:06Sa ngayon, wala pa tayong estimate yan.
01:08Sa totoo lang, over na kami sa target namin for this season.
01:12Nasa almost 140% na kami na na-achieve for our target.
01:17In fact, pwede na kami sanang huminto.
01:20Pero, syempre, iniintid din natin yung ating mga magsasaka na gusto pang magbenta.