00:00Inumpirma ng Philippine Coast Guard ang narinig na pagsabog sa silangang pahagi ng Palawan kahapon na may kaugnayan sa rocket launch activity ng China.
00:09Ayon pa sa PCG, limang pagsabog ang narinig at nakita ang condensation trail sa kalangitan na kapreho ng rocket exhaust.
00:18Una ng naglabas ng abiso, ang Philippine Space Agency kaugnay sa drop zones na inurunsad na Long March 12 Space Rocket
00:26mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wengchang, Hainan Province, China.
00:32Wala namang naiulat na banta sa kaligtasan o navigation mula sa insidente.
00:37Pero patuloy na pinag-iingat ang publiko at hinihikayat na i-report kung may makikitang debris mula sa Chinese rocket.