Skip to playerSkip to main content
Sinuspinde ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aangkat ng bigas ng 60-araw simula September 1. Layon nitong protektahan ang mga magsasaka ngayong panahon ng anihan. Ang utos, inilabas ng ng pangulo sa gitna ng kanyang state visit sa India kung saan isinulong naman niya sa Indian business community ang pamumuhunan sa bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aangkat ng bigas ng 60 araw simula September 1.
00:08Layo nitong protektahan ang mga magsasakang kayong panahon ng anihan.
00:12Ang utos inilabas ng Pangulo sa gitna ng kanyang state visit sa India,
00:17kung saan isinulong naman niya sa Indian business community ang pamumuhunan sa bansa.
00:23At live pa rin mula sa New Delhi, nakatutok si Salim Alkra.
00:27Salima!
00:30Vicky, namaskar dyan sa inyo sa Pilipinas.
00:34Mag-aalasing ko na nga ng hapon dito sa New Delhi.
00:37At sa gitna nga ng kanyang state visit, sinuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang importasyon ng bigas.
00:48Habang narito sa India, pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang gabinete.
00:53At dito, dinesesyo nang isuspindi ang pag-aangkat ng bigas ng 60 araw.
00:58Magsisimula ito sa September 1.
01:00Inirekomenda ito ng Department of Agriculture dahil mataas ang stock ng local rice.
01:05Ngayong parating na ang panahon ng anihan.
01:08Ang inaalala po ng Pangulo ay ang interest ng ating mga magsasaka.
01:14So, kailangan isuspend po ito dahil po maganda po ang ani ng ating mga farmers
01:19para hindi po maapektuhan ang presyo nito at hindi maabuso ng ibang mga shrewd traders.
01:24Pero hindi mo na inaksyonan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Department of Agriculture
01:28na itaas ang taripa sa bigas.
01:31Sabi ni Agriculture Secretary Francisco T. Laurel,
01:35kung maging efektibo ang kanilang ginawang sa pihia,
01:38maaaring hindi na kailangan itaas ang taripa.
01:40Ito yung Cortaiva Path dito sa New Delhi.
01:43Ito yung parang luneta nila dito sa India.
01:47Nilagyan ng mga watawat ng Pilipinas at India
01:49ang kahabaan nito, pagpupugay at pagbibigay halaga
01:53sa pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.
01:57Sa day 3 ng state visit ng Pangulo sa New Delhi,
02:00nakipagkita siya sa Indian Business Community.
02:02Bukod sa paghihikayat ng pamumuhunan sa Pilipinas,
02:05sinabi rin ng Pangulo na pinirmahan na
02:07ang Terms of Reference sa mga negosasyon
02:10para sa India-Philippines Preferential Trade Agreement.
02:13Dito magiging mas malawak at mas malaya
02:16ang market access ng dalawang bansa.
02:19As two of the world's most promising emerging markets,
02:22the Philippines and India view the PTA
02:25as a strategic platform to harness our shared strengths
02:28and elevate our economic partnership.
02:32India would be assisting the Philippines
02:33towards development of a sovereign data cloud
02:37through a pilot project.
02:39We are also exploring cooperation
02:40for the linking of payment systems.
02:42We'll be talking in terms of
02:44helping with launching Philippine satellites.
02:48There is also a discussion ongoing
02:49in terms of supporting large infrastructure projects
02:52in the Philippines.
02:53There was a focused discussion
02:55on cooperation in the field of healthcare,
02:59particularly India's strengths
03:01and pharmaceuticals, traditional medicine.
03:05Sa inihandang dinner banquet
03:07ni Indian President Drupadi Murumu,
03:09sinabi ni Pangulong Marcos na
03:10higit sa kanilang inaasahan
03:12ang mga nakamit sa ilang araw pa lang
03:14na state visit sa India.
03:16This has been one of my most productive
03:19and constructive visits that I have ever had.
03:25And I attribute this to the enduring closeness
03:28between the Philippines and India.
03:32And in the time that we have had here,
03:35short as it was,
03:36we have discovered a multitude of possibilities
03:40and areas of potential.
03:49Vicky, ngayong gabi nga ay inaantabayanan
03:51o inaabangan yung foreign policy address
03:54ng Pangulong Marcos
03:55doon sa Observer Research Foundation,
03:58isa yung respetatong think tank dito sa India
04:00na nagsasaliksik at nagbibigay ng mga rekomendasyon
04:04sa mga policy maker.
04:06Huling araw na ito ng Pangulong Marcos
04:07dito sa New Delhi
04:08dahil bukas lilipad siya patungo ng Bengaluru
04:11kung saan nga itutuloy
04:13ang kanyang state visit.
04:14At yan muna ang latest
04:15mula nga dito sa New Delhi sa India.
04:17Vicky.
04:18Maraming salamat sa iyo sa Lima Refran.

Recommended