Skip to playerSkip to main content
-BFP: 9 na pamilya sa Brgy. Greater Lagro, nasunugan; apoy, nagsimula sa poste ng kuryente; 2 lalaki, patay matapos madaganan ng mga nabuwal na puno ng mangga sa Brgy. Catalunan Grande; isa sugatan; Babae, natagpuang patay sa isang septic tank sa Brgy. Looc; 15-anyos na anak, umamin sa pulisya; Ilang bahagi ng busway na isinara para sa EDSA Rehab Phase 2, binuksan na muli; PITX, naghahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong balik-NCR ngayong patapos na ang long Undas vacation; Mga turista, sinusulit ang huling araw ng bakasyon; "Parade of Saints," idinaos sa Boracay; FPRRD, hindi dadalo sa 5th Status Conference ng kaso niyang crimes against humanity sa International Criminal Court; Hinihinalang illegal recruiter na ikinulong umano ang mahigit 20 nag-apply para maging OFW, arestado; Mga nagbakasyon sa Boracay, nagsisimula nang magsiuwian dahil may pasok na bukas; Angono Police: Tinatayang nasa 7,000 ang crowd estimate sa Angono Cemetery, as of 10am; Mga yumaong alagang hayop, binisita ng kanilang mga amo ngayong Undas; 5 turistang muntik malunod habang lumalangoy sa dagat, nasagip; Komedyanteng si Ate Gay, pumanaw sa edad na 55; ilang Kapuso celebrities, nagluluksa; 9, patay matapos bumagsak sa isang residential area ang sinasakyang private business jet; Mahigpit na seguridad sa Manila North Cemetery, nagpapatuloy; ilang sigarilyo at vape, nakumpiska; 2 sakay ng habal-habal, nasawi matapos mabangga at madaganan ng dump truck; Nasa 1,000 pamilya sa Brgy. Tugbungan, nasunugan; Motorbanca, lumubog sa dagat malapit sa Dalupiri Island; lahat ng 8 sakay, nasagip; PBBM at VPSD, binisita ang kani-kanyang yumaong mahal sa buhay; Ilang Kapuso celebrities, ipinamalas ang creativity sa kanilang costumes para sa isang Halloween Party; Kelvin Miranda, nag-e-enjoy sa kanyang role sa "The Master Cutter" 




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Shum na pamilya ang masunugan sa barangay Greater Lagro, Quezon City.
00:05Ay po sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa isang poste ng kuryente.
00:09Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:14Ganyan kalaking apoy ang tumupok sa residential area sa barangay Greater Lagro, Quezon City,
00:20dakong alas 10 kagabi.
00:22Itinaas ay katlong alarma ang sunog dahil sa mabilis sa pagkalat ng apoy
00:26sa mga bahay na gawa sa light materials.
00:2855 truck ng bombero ang rumesponde.
00:32Kanya-kanyang salban ang gamit ang mga residente.
00:35Ang amang si John Paul.
00:37Karga-karaga pa ang anak na sanggol ng lumikas.
00:40Labis-labis daw ang pag-aalala niya dahil malapit lang sa kanilang bahay ang sunog.
00:45Nagpanic po yung nakataranta.
00:48Biglang sabog po kasi yung sa likod.
00:51Nagulat po kami lahat dito.
00:52Lahat po ng gamit namin, nilabas po namin.
00:55Tapos tinulungan namin yung mga kapupahan din namin.
00:59Umakyat sa mga bubong ang mga bombero para apulahin ang sunog.
01:03Ang mga residente naman, nagtulong-tulong na mapunan ng tubig ang mga truck ng bombero.
01:08Napaiyak na lang ang ilang residente dahil wala silang naisalbang kahit ano.
01:12Na wala po yung mga birth certificate ng anak ko, yung mga ATM namin.
01:17Wala na po kami nasalba, wala po kami nagawa.
01:21Biglaan na lang po talaga.
01:22Ang residente namang si Virginia, bagamat malayo pa ang apoy sa kanila,
01:27kusa ng lubikas kasama ang pamilya.
01:30Inuna raw niyang ilikas ang mga alagang pusa at aso.
01:33Sinanaman na namin siyempre kawawa sila, pamilya na namin yan.
01:37Ayon sa Bureau of Fire Protection, abot sa labing tatlong bahay ang natupok ng apoy
01:42at tinatayang siyem na pamilya ang nawala ng tirahan.
01:45Nagsimula raw ang apoy sa poste ng kuryente sa lugar.
01:48Nagkaroon po ng ano, sa poste po yung electrical service line.
01:54Doon po nagsimula yung sunog natin at naapektuhan yung mga bahay.
01:59Sumabog inaimbisagan pa po ng ating mga investigator sa ngayon.
02:04Sa barangay muna tutuloy ang mga nasunugan.
02:07Bago mag-alas 12 ng hating gabi na apula ng apoy.
02:10Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
02:13Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:22Patay ang dalawang lalaki matapos madaganan na mga nabuwal na puno ng mangga sa Davao City.
02:29Ayon sa mga residente roon, bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan at hangin noong Webes ng gabi.
02:35Sinagit ng rescue team ang isang babae na nadaga na ng sanga ang mga paa.
02:40Ligtas na po siya at kanyang mga anak.
02:42Nasawi naman ang kanilang 29-anyos na padre de familia dahil sa matinding sugat.
02:48Gayun din ang 38-anyos nilang kapitbahay.
02:51Ayon sa pulisya, matanda na ang mga natumbang puno at gawa lamang sa light materials ang bahay ng mga biktima.
02:59Wala pang pahayag ang kaanak ng mga biktima.
03:02Ayon sa pag-asa, trough ng low pressure area ang sanhit ng masamang panahon sa Mindanao.
03:10Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang abandonadong septic tank sa Panglao, Bohol.
03:16Ayon sa pulisya, inamin ang 15-anyos na lalaking anak ng biktima na hinampas niya ng apat na beses ng
03:21martilyo ang kanyang ina at napatay.
03:24Kinaladka daw niya ang labi ng biktima at tinago sa isang lumang septic tank sa Barangay, Look.
03:29Batay sa embestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at anak dahil sa pagliban sa klase.
03:35Na-recover ng pulisya ang ginamit na martilyo.
03:38Nasa kustudiyana ng Municipal Social Welfare and Development ang anak na biktima na itinuturing na child in conflict with the
03:45law.
03:45Wala pang pahayag ang kanilang pamilya.
03:50Pwede na muling daanan ang ilang bahagi ng busway na isinara nitong Undas Weekend para sa Phase 2 ng EDSA
03:57Rehabilitation.
03:59Ininspeksyon niyan kanina ng Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.
04:04Balitang hatid ni E.J. Gomez.
04:08Nag-inspeksyon kaninang alas 4 ng badaling araw ang Department of Public Works and Highways at Department of Transportation sa
04:16Bonnie Avenue hanggang Guadalupe na parte ng Phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
04:20Naroon si na DPWH Secretary Giovanni Pano López, DOTR Secretary Vince Dizon, Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano at iba
04:30pang opisyal na mga ahensya.
04:31Sinamantala raw ng DPWH at DOTR ang long weekend para sa patuloy na Phase 2 EDSA Rehabilitation.
04:38May isinagawang re-blocking work sa Southbound Lane, partikular sa bahagi mula Mega Q-Mart Bus Station, paglampas ng EDSA
04:45kamuling flyover hanggang Guadalupe.
04:47Nagkaroon ng breaking of pavement at hauling of debris, base preparation, installation of rebars, and concrete pouring operations.
04:55Meron din isinagawang cutting, sealant application, curing and housekeeping activities.
05:01Kailangan talagang ayusin mula sa ilalim para kapag i-asphaltohin po ito, mas suwabe ho at hindi po talagang mababagsak
05:09yung asphalto natin.
05:10May ginagamit din silang technology ngayon, yung sinasabi nila one day cement lang daw, yung one day curing at matibay
05:18naman talaga.
05:19Nagkaroon ng pansamantalang lane closures sa mga apektadong lugar para bigyang daan ng pagkukumpuni.
05:24At kaninang pasado alas 5 ng madaling araw, binuksan na muli ang dalawang lane ng busway.
05:30Pagkatapos ng re-blocking, gagawan pa ng aayusin pa ito, i-asphalto pa ito para makinis.
05:36I-open namin yung busway sa private vehicles.
05:40So habang hindi pa natatapos mula NEPA Q-Mart hanggang dito sa Bonnie, makakadaan ng private vehicles dito.
05:48Mga dagawang linggo siguro yan.
05:50Samantala, nagkaroon din ang retrofitting ng Santolong Bridge flyover sa C5 sa Pasig na sinimula noong October 30.
05:57Sinamantala po namin yung panahon ng undas at talagang minadali namin.
06:02Bubuksan na rin mamayang gabi sa mga motorista ang C5 Bonnie Serrano flyover kasunod ng repair works dito.
06:09Ininspeksyon din kanina ang Guadalupe Elza busway station na nagkaroon ng extension para sa mas maluwag
06:15at maaliwalas na waiting area para sa mga commuter.
06:19EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
06:29Ngayon pong patapos na ang Long Undas Weekend at may mga pasok na muli bukas.
06:34Nagahanda na po ang PITX sa inaasahang dagsa ng mga pabalik na pasahero.
06:39May ulot on the spot si Darlene Kai.
06:42Darlene!
06:48Maluwag pa rito sa PITX at marami pang mabibiling ticket kahit nagsisimula ng magsiuwian.
06:53Yung sinasabi nga ay main characters na sa ibang lugar nag-undas.
07:00May pasok na uli bukas kaya ngayong araw ang simula ng sabay-sabay na uwian ng mga pasahero matapos ang
07:06Undas Long Weekend.
07:07Ayon sa pamunuan ng PITX o Paranaque Integrated Terminal Exchange,
07:11inaasahan ang 180,000 na mga pasaherong babiyahe rito ngayong araw.
07:16Kaya buong umaga, sunod-sunod ang dating ng mga bus dito na galing sa iba't ibang probinsya na puno ng
07:21mga pasaherong nag-undas.
07:23Kasabay niyan, tuloy rin ang dating dito ng mga pasaherong palabas ng Metro Manila na dito naman napiling mag-undas.
07:28Pero kapansin-pansin, maluwag pa ang terminal.
07:32Marami pang mauupuan, wala pang pila sa ticket counters at marami pang mabibiling ticket.
07:38Nanibagong araw si Josephine Gonzalez na taga-Kamarine Sur.
07:42Pauwi na siya sa Bicol matapos bisitahin ang kanilang mga yumao sa Manila South Cemetery nitong weekend.
07:48Sanay raw siyang pahirapan ng pagbook ng ticket sa parehong panahon ng nakaraang taon,
07:52pero ngayon daw ay kinagulat niya ang bilis ng proseso at luwag ng terminal.
07:56Ang magkasintahan namang Mark, Jason at Angelica, inabutan naming kararating lang dito galing balanga-bataan.
08:03Sinadya naman daw nilang agahan ang uwi sa Manila dahil sa posibleng traffic at hirap sa biyahe ngayong huling araw
08:10ng long weekend.
08:11Ayon naman sa pamunuan ng P-TEX, mas marami pangaraw ng higit 200,000 ang bumiyahe ngayong undas
08:18kung ikukumpara sa parehong panahon ng nakaraang taon base sa kanilang datos.
08:22Isa sa mga nakikitang dahilan ng P-TEX ang pagpili ng ilang biyahero na mag-commute na lang
08:28kaysa magdala ng sasakyan dahil sa mahal ng petrolyo ngayon.
08:32Doon naman sa obserbasyong tila mas maluwag gayon ng terminal,
08:35sabi ng pamunuan ng P-TEX dahil yan sa mas maiksing turnaround time ng mga bus.
08:40Narito ang pahayag ng aming mga nakapanayang.
08:45This is the first time ever in my life na going home to Bicol, like holiday na walang sobrang tao.
08:52Hindi ako nahirapan magkuha ng tiket, chillax lang.
08:57Para hindi masabayan yung traffic, kasi sobrang traffic pag nakisabay pa kami mamaya.
09:02Kaya madaling araw kami lumuwas, galing ng bataan.
09:05Kung sa tingin nito, mas on-tree rin, mas mabinis rin po kasi yung turnaround time naman ang buses natin.
09:12Dahil yung mga pasahero natin, mas maaganag mo.
09:22Simula ngayong hapon, inaasahan ang pagdating ng mas maraming pasahero rito.
09:26Pero muli po doon sa mga babiyahe pala ngayon, marami pa po kayong mabibiling tiket.
09:31Yan ang latest mula rito sa P-TEX. Balik sa inyo.
09:33Maraming salamat, Darlene Kai.
10:08Dito sa Burnham Park, alas 8 pa lamang ng umaga, ay marami ng mga nagbibisikleta sa biking lane.
10:15May iba naman na gustong sumakay sa bangka sa bagong renovate na Burnham Lake.
10:20Hito na ang pahuli ang mga bumibisita sa The Mansion at maging sa Ride Park na naisiparanasan ng horse riding.
10:27Samantala, mga na ginagawang pagbibantay ng Bagu City Police Office upang matiyak yung kaligtasan at kaayusan sa lungsod.
10:35Samantala, Rafi, matapos nga yung dagsa ng mga turista sa mga pupasyalan.
10:40Ngayong umaga naman, ay hindi pa ganun karami yung mga pasahero sa mga bus terminal.
10:48Ayon sa management ng mga bus terminal at maging sa BCPO possible daw na ngayong gabi hanggang bukas ng umaga,
10:56dadagsa yung mga pasahero sa mga bus terminal na uuwi sa iba't ibang mga probinsya at maging yung mga babalik
11:03naman sa Metro Manila.
11:05Rafi?
11:06Maraming salamat, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
11:13Hindi katatakutan kung hindi kabanalan ang ipinaradang aktibidad sa world-famous beach na Boracay para sa All Saints Day.
11:23Nagsisisyon sa White Beach ang ilan na nagbihis a la Virgen Maria, Reina Elena at ilan pang santo at santa.
11:30O santa, may mga sumali rin na mga taong simbahan gaya po ng sakristan.
11:34Isinagawa ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish na Boracay ang tinatawag nilang Parade of Saints bilang pagbibigay
11:43-pugay sa mga banal ng simbahang katolika.
11:46Sa kabila po niyan, may grupo pa rin na nagpaandar ng katatakutan at magbihis ng iba't ibang nakakatakot na character.
11:54Sa Tugigaraw, Cagayan, dumagsa ang mga bata na contodo Halloween costume.
11:58Pilalibot sila sa iba't ibang Halloween stations sa Kapitulyo ng Cagayan para mag-drick or treat.
12:05May pinili pang bata para sa mga natatanging papremyo.
12:09Ipinasyal din sila sa samot sa aring Halloween-themed attractions sa Kapitulyo.
12:21Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference ngayong araw para sa kaso niyang Crimes Against Humanity
12:28sa International Criminal Court.
12:30Batay sa dokumentong inilabas ng kampo ni Duterte,
12:33Piniyaga ng ICC Trial Chamber 3 ang hiling ng dating Pangulo noong October 28 na hindi dumalo sa ikalimang status
12:39conference.
12:40Walang nakasaad na rason kung bakit hindi dadalo ang dating Pangulo.
12:44Huli siyang nasilayan ng publiko sa ikatlo at ikaapat na status conferences noong September at Oktubre.
12:50Kabilang sa mga tatalakayin sa ikalimang status conference mamaya,
12:54ang listahan ng mga testigo bilang ng oras para sa presentation of evidence ng prosekusyon
12:59at mga ebidensya ang maaaring magpawalang sala sa dating Pangulo.
13:03Sa November 30, nakataknang magsimula ang pagliliti sa kaso ng dating Pangulo.
13:10Mahigit dalawang pong nag-apply para maging OFW ang sinagip mula sa Umanoy Illegal Recruiter sa Cavite.
13:18Balitang hatid ni John Consulta.
13:24Pinasok ng NBI National Capital Region at Department of Migrant Workers
13:28ang residential area na ito sa Dasmarinas, Cavite.
13:34Sa ikalawang palapag, agad sinunggaban ang target ng entrapment na hawak pa ang mark money.
13:45Ayon sa NBI, sangkot na nga sa illegal recruitment,
13:48ikinulong parao ng suspect ang dalawang biktima na umatras para maging domestic helper sa Middle East.
13:54Ayaw na nilang mag-abroad dahil nakita ng mga parents nila na may gera nga sa Middle East.
14:00So nag-pull out na sila, ayaw na nilang mag-abroad.
14:03Ang ginawa naman nitong recruiter, pinagbabayad sa nagastos ng kumpanya.
14:11Nabawal sa batas yun.
14:13Ginawa sa kanila, kinulong sila, dinitin, pinaglak yung tinutuloyan nila ng tatlong araw
14:23at mahigit pa nga sana kung hindi natin na-rescue.
14:26Dalawampot-dalawang iba pang recruit ang inabutan sa loob ng bahay.
14:29Nakita natin na masyadong inhumane, ano?
14:32Ano yung bahay, yung tinutuloyan nila, eh dilapidated, walang tamang flow ng hangin, marumi.
14:40Kinik natin sa DMW, hindi siya accredited, hindi siya registered.
14:46So, ano pa rin? Illegal recruitment pa rin.
14:49At yun nga, binerify din natin sa Department of Migrant Workers, wala rin authority to deploy.
14:55Sinisika pa namin makunan ng pahayag ang suspect na nahanap sa reklamong serious illegal detention at illegal recruitment.
15:02John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
15:12Nagsisiuwian na ang mga nagbakasyon sa Boracay, sa Malayaklan, ngayong pong undas.
15:16May ulot on the spot si Kim Salinas, na GMA Regional TV.
15:21Kim?
15:25Connie, vacation mode off at working mode on na para sa karamihan ng mga turista matapos ang mahagbang bakasyon sa
15:33isla ng Boracay.
15:35Ninagsana mga pauwing turista ang nagbakasyon sa Boracay Island ang kagban jetty port nitong umaga.
15:42Back to reality na ang mga may pasok at trabaho bukas pero babaunin daw ang mga magagadang memories sa Boracay.
15:49Anila, perfect place ang isla para mag-relax at magtanggal ng stress.
15:54Kung marami ang pauwi na, may ilang turista ngayong araw palang dumating.
15:58Para iirao-iwa sa dagsa ng tao at kung kailan mas mura ang ticket papunta sa Boracay.
16:03Sa tala ng Malay Tourism Office, nasa 27,800 ang tourist arrival sa isla mula October 29 hanggang November 1.
16:11Mayigit limang libo naman ang tourist departure kahapon at inaasahang ganito din kadami o mahigit pa ang aalis sa isla
16:19ngayong araw.
16:20Sa inisyal na assessment ng polisya, generally peaceful ang paggunita sa undas sa Boracay.
16:25Narito ang pahayag ng ilang turistang nakapanayam namin.
16:56Connie, ayon sa isang opisyal dito sa Cagban Jetty Port, limang pong mga fiberglass boats ang bumabiyahe sa ngayon mula
17:03sa apat na po na bumabiyahe sa regular na araw.
17:07Ito ay upang matiyak na makater ang lahat ng mga pauwing turista.
17:12Connie?
17:13Marami salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
17:18Hindi tulad sa iba na November 1 kariniwang pumupunta sa sementeryo, ang mga taga-angono sa Rizal nakaguyan ng November
17:242 dumalaw sa ribingan dahil ito ang All Souls Day o araw ng mga kaluluwa.
17:29At may ulat on the spot si Jonathan Andal.
17:32Jonathan?
17:35Rafi, ak-init na ngayon dito sa angono pero hindi rin niinda ng mga bumibisita ngayon sa tatlong sementeryo rito.
17:42Rafi, as of 10am, nasa 7,000 na ang crowd estimate dito ng angono police.
17:47Sabi naman nakausap ko rito, November 2 talaga sila nagpupunta sa sementeryo dahil ito ang araw ng mga kaluluwa.
17:54November 1 daw kasi ay araw ng mga santo.
17:56Nandito ako ngayon sa Angono Municipal Cemetery.
17:58Katabi nito ang Sympathy Memorial Park at nasa tapat naman ang St. Clement Catholic Cemetery.
18:03Sabi sa GMA News ng jefe ng Angono Police sa si Lieutenant Colonel Ariel Azurin,
18:07mamayang hapon at gabi nila inaasahan ang buhos ng mga dadalaw rito.
18:11Samantala, inire-reklamo ng ilang dalaw rito ang lokasyon ng mga vendor na ipinwesto sa tapat at halos dikit na
18:17ng mga nicho.
18:18Wala na rin kasi silang sapat na espasyo para makasama ang mga yumaon nilang mahal sa buhay.
18:22Isang di pa na lang ang natirang espasyo sa ilan na sobrang sikipraw dahil dadaanan pa ng ilang bumibisita.
18:29Kaya sa halip na magtagal hanggang hapon, bandantanghali, uuwi na raw ang ilan sa nakausap ko kaysa maipit mamaya sa
18:35dagsa ng mga tao.
18:36Panawagan naman ng ilan sa LGU sa na raw makita ang sitwasyon nila sa loob.
18:40Narito ang pahayag ng ilan sa aming nakapanayam.
18:45Pahirap ng pahirap kasi parang mas pinapaboran ng iba yung mga nagtitinda kaysa dun sa mga dumadalaw nilang yumaon na
18:52mahal nila sa buhay.
18:53Tapos malayo pa sila magagalit tapos madadat na nila ganito. Di sila bakakilis ng maayos.
18:58Yun yung medyo alanganin po. Kasi misi parang wala na pong madaanan.
19:06Rafi, kinukuha pa natin ang pahayag ng LGU tungkol dito sa issue.
19:09Samantala, sabi ng LGU, nasa 50,000 na tao ang inaasahan nilang dadagsa ngayong araw dito sa tatlong sementeryo sa
19:16Angono.
19:17Yan mo nang latest mula rito sa Rizal. Balik sa'yo Rafi.
19:19Maraming salamat, Jonathan Andal.
19:22Binisita rin ang mga fur family ang kanilang mga yumaong alagang hayop ngayong undas.
19:27Balitang hatid ni Athena Emperia.
19:33Hindi lang yumaong tao ang inaalala ngayong undas.
19:37Ang mga hayop na itinuring na kaanak at tumawid na sa Rainbow Bridge,
19:41ginugunita rin ang kanilang fur family.
19:44Si Mia, dumayo pa mula kavite sa Pet Memorial Wall
19:48ng Philippine Animal Welfare Society sa Quezon City.
19:51Dito kasi ang memorial tile ng kanyang fur baby.
19:55Wala man rito ang labi ng kanyang aso,
19:57makabuluhan daw para sa kanya na may espesyal na lugar siyang babalik-balikan
20:03para sa mga alaala ng alaga.
20:05Dito din siya nang galing sa POS.
20:07In-adopt namin siya.
20:09So parang binabalik lang din namin siya sa place na nag-rescue sa kanina.
20:14May tangible na bagay na parang nakikita ka,
20:17laging mo silang maaalala,
20:20tapos pwede mong balik-balikan anytime.
20:23Nag-alay rin ng halaman at mga kandila si Alex
20:26sa memorial tile ng kanyang tatlong fur babies.
20:29Very minimum siya for the love that they bring into our lives,
20:34to just pay our respects,
20:36to serve us like a physical,
20:40parang holding place for our memories.
20:43Sa Pet Memorial Garden sa Barangay Fortune, Marikina naman,
20:47binisita ng ibang fur parents ang kanilang mga yumaong alaga.
20:50Gaya ni Rainier, na taga Santaan na Manila pa.
20:54Ayoko kasi ibaboon lang kung itatapon kung saan saan eh.
20:58Kasi nakasama namin matagal,
21:01parang magulang, parang kapatid, parang anak, ganun.
21:04Ang dog lover na si Doris,
21:06pitong yumaong aso niya ang dito sa simenteryo inilibing.
21:10Hindi kasi sila pwedeng kalimutan kasi naging party talaga sila ng buhay namin.
21:15Lalo na ako kasi 50 years na yata ako nag-aalaga ng aso.
21:19Athena Imperial nagbabalita para sa Jemmy News.
21:27Nasagip ang limang turista na muntik ng malunod
21:30habang lumalangoy sa dagat sa Baler, Aurora.
21:33Ayon sa Coast Guard Station, Aurora,
21:35rumisponde sila matapos makita ang mga turista na nahihirapang makaahon
21:40mula sa malalakas na alon sa dagat.
21:43Nasagip at nadala pabalik sa dalampasigan ang mga turista.
21:47Babala ng Coast Guard, maaaring magdulot ng panganib
21:50ang malalakas na alon kahit sa mga bihasang lumangoy.
21:58Nagluluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng komedya na TV personality
22:02na si Hil Adukal Morales o mas kilala bilang si Ati Gay.
22:07Sa isang Facebook post, inanunsyo ng pamilya ni Ati Gay ang kanyang pagpanaw.
22:13Nagpasalamat sila sa mga sumuporta at nagmahal kay Ati Gay
22:16sa gitna ng pakikipaglaban niya sa cancer.
22:19Noong isang buwan lang, nagkaroon ng living funeral si Ati Gay
22:23kasama ang kanyang mga kaibigan.
22:26Nagluluksa ang ilang kapuso star sa pagpanaw ni Ati Gay.
22:29Kabilang sina Rodjun Cruz, Wendell Ramos, EA Guzman at TJ Marquez.
22:35Pati na rin si Heart Evangelista na nalungkot din sa pagpanaw ng komedyante.
22:40Sabi niya sa IG story, Resna Angel.
22:44Kabilang si Heart sa mga tumulong kay Ati Gay sa kanyang pagpapagamot.
22:47Nakilala si Ati Gay sa pag-impersonate kay superstar Nora Honor
22:51at sa kanyang mga patok na punchlines at mash-ups ng mga kanta.
22:56Noong 2025, nang sabihin ni Ati Gay na siya ay nadiagnose na may stage 4 cancer.
23:03Simula noon ay sumailalim na ang komedyante sa pagpapagamot.
23:07Pumanaw si Ati Gay sa edad na 55.
23:20Bumulusok mula sa himpapawid ang private business jet na yan sa isang residential area sa Florida sa Amerika.
23:26Patay ang lahat ng siyam na sakay nito.
23:28Ayon sa Federal Aviation Administration, galing ang Learjet 60 sa Texas at patungo sana sa Bahamas
23:34nang bumagsak ilang kilometro mula sa Mar-a-Lago Estate ni U.S. President Donald Trump.
23:40Isinara ng Palm Beach County Fire and Rescue at North and Southbound lanes sa kahabaan ng military trail doon.
23:46Inaalam pa ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
23:57May ilang sigarilyo at vape pa rin na kukumpis ka sa Manila North Cemetery kahit bawal.
24:02Sa gitna po yan, ang nagpapatuloy na mahigpit na seguridad doon.
24:06May ulot on the spot si Oscar Oida.
24:08Oscar?
24:11Yes, Connie, nitong Sabado at nitong Linggo talaga yung inaasa ang pinakadagsaan ng mga taong magsasadya dito sa Manila North
24:20Cemetery
24:21upang dalawin ang kanila mga yumaang mahal sa buhay.
24:24Pero hanggang ngayong umaga ay tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga tao.
24:28Sa katunayan, as of 11am, umabot na sa 139,000 ang bilang ng mga taong nagsadya dito ngayong umaga.
24:39Mayigpit pa rin naman ang pinapatupad na pagbabantay kaya di pa rin makalusot ang mga pinagbabawal na mga gamit.
24:45Pinakamarami na kumbis ka ngayong umaga ay mga vape at sigarilyo.
24:49Wala pa rin namang masyadong naisusugod sa mga first aid station ng LGU at pulisya.
24:55At available naman ang mga libreng sakay na di kaano na pakinabangan kahapon dahil sa sobrang daminga ng mga tao.
25:03Priority dito ang mga senior citizens at mga may kapansanan.
25:06Yung mga nagsasama naman ng mga chikiting, inaabisuhan na dumaan na muna sa tagging section o wristband tagging section para
25:20malagyan ng tag.
25:21Ito ay para maiwasan ang mga insidente ng mga nawawalang bata.
25:26Sa tansya ng pamunuan, Connie, ay posibleng umabot sa 2 milyon ang kabuuan bilang ng mga taong magsasadya dito sa
25:35Manila North Cemetery para sa taong ito.
25:39Connie?
25:39Maraming salamat, Oscar Oida.
25:43Ito na ang mabibilis na balita.
25:47Patay ang dalawang sakay ng habal-habal matapos mabangga at madaganan ng tumagilid na dump truck sa Tanhay Negros Oriental.
25:54Base sa investigasyon ng pulisya, biglang nawalan ang kontrol ang driver ng isang dump truck at bumangga sa sinusundang mini
26:01dump truck.
26:02Sa lakas ng impact, napabilis ang takbo ng mini dump truck at nakasalubong nito ang habal-habal na sinubok ang
26:08umiwas pero nasa pool din.
26:10Sugatan ang siyam na sakay ng mga truck.
26:13Kinukuha pa ng GMA News ang panig ng Tanhay LGU na nagmamay-ari ng dalawang dump truck na nagsilbing service
26:19vehicle ng mga trabahador nila.
26:21Nasa kustodya ng pulisya ang mga driver ng dalawang truck.
26:27Sumalpok naman ang isang utility van sa concrete barrier sa barangay San Isidro sa Taytay Rizal.
26:32Ayon sa Taytay LGU, Lasing ang driver ng nasabing sasakyan.
26:37Nagkabukol siya sa ulo at itinugod sa ospital.
26:40Naalis na ang utility van kung saan ito bumangga.
26:43Hindi rin naman nagdulot ng pagbigat ng trapiko ang insidente.
26:51Nasunugan ang nasa sanlibong pamilya sa barangay Tugbungan sa Zamboanga City kagabi.
26:57Ayon sa barangay Chairman, nasa limang daang bahay ang natupok ng apoy.
27:01Pasado alas otso paggabi ng sumiklab ang apoy at naapula matapos ang halos apat na oras.
27:07Patuloy na inaalam ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala.
27:11Pansamantalang ipinatutuloy ang mga nasunugan sa barangay hall at sa Tugbungan Elementary School.
27:23Lumubog ang isang motor banka sa Dalupiri Island sa Kalayan, Cagayan.
27:31Tulong-tulong na hinilan ang mga rescuer ang ilang baka matapos lumubog ang banka.
27:36Sa isa pang video, kita ang mga sakay ng banka na nilalapitan ng mga rescuer.
27:41Narescue ang walong sakay kabilang ang kapitan.
27:45Dinala sila sa paggamutan at nasa babuti ng kalagayan.
27:48Base sa investigasyon, nasiraan ang banka bago ito pasukin ang tubig mula sa dagat hanggang sa lumubog.
27:54Magpapatuloy ngayong araw ang pag-retrieve sa lumubog na banka.
28:00Nitong undas, binisita rin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kuntod ng kanyang ama sa libingan ng mga bayani.
28:06Kasama ng Pangulo ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos at kanyang kapatid na si Irene.
28:13Nag-alay po sila ng misa at mga bulaklak.
28:16Dumalo naman si na Vice President Sara Duterte sa kuntod ng kanyang lolo at lola na si na Vicente at
28:21Soledad Duterte,
28:23mga magulang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
28:26Nag-alay siya ng mga bulaklak.
28:33Save for effort ang ilang kapuso celebrities sa kanilang spectacular Halloween costumes.
28:39Ang latest hatid ni Nelson Canlas.
28:46Nag-flex ng kanilang creativity ang ilang kapuso stars at sparkle artists sa kanilang pagdalo sa isang Halloween party.
28:55Gorgeous white dress ang attire ni Heart Evangelista.
28:58Pero ang likod, criminally studded with bloody red crystals at may nakasaksak na plastic knives.
29:06I'm here at myself.
29:12Happy Halloween!
29:16Dumating naman as an angel si Alden Richards pero leveled up ang look.
29:21Ang tinip ko na si Ethereal Guardian Angel.
29:23Tapos ito lumabaan.
29:24Ito na yan.
29:26Nag-alas Cyclopes ang host ng event na si Tim Yap.
29:30Ang peg ni Lizelle Lopez, fashion na black butterfly.
29:36Naging scary clown naman si Ashley Sarmiento.
29:40Channeling Megan Fox naman sa Jennifer's Body si Sparkle Beauty Queen Gazzini Ganados.
29:46While Atisa Manalo arrived wearing a ball gown na hango sa isang painting.
29:51Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA News.
29:57For the first time magsasama sa isang concert ang Sparkle Gen Z Heart Robs na sina Kelvin Miranda, Anton Vinzon
30:04at Michael Sager.
30:05Bago yan, nagbigay sila ng update sa iba pa nilang projects.
30:09Ang latest hatid ni Athena Imperial.
30:15Nag-e-enjoy daw si Kelvin Miranda sa role niya sa GMA Prime series na The Master Cutter.
30:21Kwento niya, may boses daw kasi rito ang cast sa kanilang role at scene sa serye.
30:25Sobrang collaborative niya kasi even ikaw, meron kang karapatan magsalita kapag may napansin ka na hindi okay.
30:34Pag may napansin ka na hindi ka masaya, pero pwede mong i-open up or pwede kang mag-suggest.
30:40After ng TV action drama series na Kamao,
30:43tagahanda na uli si Anton Vinzon para sa isa na namang acting project.
30:48Inaaral na raw niya ang kanyang role sa mystery series.
30:51Hindi ko pa nagagawa itong karakter na ito and very matured po itong karakter na ito.
30:57Nag-workshop na ako. Tuloy-tuloy yung workshop ko sa GMA and sa Cornerstone as well.
31:03Matatapos naman na raw ang taping ng online romantic comedy series na The Way Back To You.
31:09Kasama ni Michael dito ang PBB batchmates niyang sina AZ Martinez at Ralph DeLeon.
31:15Aminano si Michael na lumabas ang kakulitan niya sa karakter niya rito.
31:18Yung ad-lib ko talagang totoo at yung dynamic namin ni AZ,
31:22yung leading lady ko this time, parang pwede ko talaga siyang kulitin
31:25and yung friendship namin really helped especially when we're in PBB.
31:28Ayun, masaya lang ako na siya yung kapartner ko dito.
31:31Magpapakilig ang tatlong hearthrobs na sina Kelvin, Anton at Michael sa isang concert next year.
31:38Athena Imperial nagbabalita para sa Gemmy News.
31:41Magpapakilig ang tatlong hearthrobs.
31:43Magpapakil ang tatlong hearthrobs.
31:46Magpapakil ang tatlong hearthrobs.
31:47Magpapakil ang tatlong hearthrobs.
31:47Magpapakil ang tatlong hearthrobs.

Recommended