00:00Maagang pumila ang mga bumili po ng 20 pesos na bigas sa Bureau of Animal Industry and Agriculture Department kaninang
00:07umaga.
00:08Nahati sa tatlong pila ng mga miyembro ng vulnerable sectors,
00:12isa para sa mga nag-register online, isa para sa may mga physical na stub,
00:17at isa para sa mga kukuha pa lang ng stub.
00:20Hanggang 10 kilong bigas lamang ang maaaring mabili ng mga mamimili na pawang bahagi po ng vulnerable sectors
00:27gaya ng senior citizens, solo parents, miyembro ng 4Ps, at persons with disability.
00:34Ayon sa ilang benepisyaryo, kontento naman sila sa kalidad ng bigas.
00:38Sinasamantala rin ang ilan sa kanila ang bentahan ng murang sardinas, gulay, at prutas.
00:47Maliit man ang sugat, posible pa rin makapasok sa katawan ng bakterya na nagdudulot ng leptospirosis ayon sa mga doktor.
00:54Kaya tayo nila, kumonsulta agad para sa tamang gamutan.
00:59Balit ang hatid ni Jamie Santos.
01:05Tuloy ang buhay kahit palubog sa baha ang ilang lugar sa bansa.
01:09Kaya di maiwas ang lumusong sa banta ng leptospirosis.
01:12Gaano nga ba ito kadalikado?
01:14Ang incubation ng leptospirosis na abot mga 2 to 4 weeks kasi bago lumabas.
01:21So kung hindi siya maagapan, hindi siya mabigyan ng prophylaxis o yung lamot na magprevent na mag-infect sa katawan,
01:30eh pwede tumunta doon sa dreaded complication na kidney failure.
01:34Hindi rin kailangang may malaking sugat para makapasok sa katawan ng bakterya na nagdudulot ng leptospirosis.
01:41Any small break sa skin, any small na sugat sa skin, pwede pumasok ang leptospirosis.
01:46Problema kasi, hindi nyo makita yung mga malit na sugat sa balat.
01:49So posible pumasok pa rin siya basta ma-expose kayo.
01:53Kaya kung hindi maiiwas ang lumusong sa baha, mahalagang mag-ingat at gumamit ng sapat na proteksyon.
01:59Kaya pinakamainam pa rin ang pag-iwas sa baha kung napilitang mang lumusong magpakonsulta sa doktor
02:05para malaman kung kailangan ng prophylaxis o gamot para makatulong na maiwasan ng infeksyon.
02:11Kasabay nito, paalala ng mga doktor, hindi dapat basta-basta iniinom ang doxycycline.
02:17Kung may bukas na sugat o nakalunok ng tubig baha, maaaring kailanganin ang ibang gamutan kaya dapat munang magpakonsulta sa
02:24doktor.
02:25Bawal ang doxycycline sa mga buntis o posibling buntis.
02:29Hindi rin ito dapat ibigay sa mga bata. Nang walang payo ng pedyatresyan, maaari rin itong magdulot ng matinding acid
02:37reflux at heartburn,
02:38kaya hindi dapat agad humiga matapos uminom.
02:41Dapat ding maglaan ng dalawang oras na pagitan sa pag-inom ng doxycycline at pagkain o pag-inom ng gatas
02:48at iba pang dairy products.
02:49Pusible rin itong magdulot ng yeast infection sa mga babae na maaaring magdulot ng pangangati o iritasyon.
02:55Jamie Santos, nagbabalita para sa Jemay News.
03:01Update po tayo sa investigasyon ng Bureau of Customs at Land Transportation Office kaugnay sa luxury vehicle na isang aktor
03:07na nahuling ginamitan ng peking plaka.
03:10May ulit on the spot si Bernadette Reyes. Bernadette?
03:17Conny isisilbi na ngayong araw sa aktor na si Derek Ramsey ang warrant of seizure and detention matapos mapag-alaman
03:24na ang kanyang luxury vehicle na nakitang tumatakbo sa kalsada
03:28na may nakalagay na peking plaka ay hindi nakapagbayad ng tamang buwis at misdeclared.
03:39Noong nakaraang linggo na i-turnover na ang sasakyan sa mga otoridad, napag-alaman ng Bureau of Customs at Land
03:45Transportation Office na misdeclared at hindi pala nabayaran ang tamang buwis para dito.
03:51Ibang modelo ang idineklara sa papel. 1.8 million pesos lang ang binayarang buwis, samantalang hindi raw dapat bababa sa
03:5935 million pesos ang dapat na binayaran noong panahong in-import ito noong 2021
04:05kung kailan na sa 50 million hanggang 100 million pesos raw ang market value.
04:11Pagpapaliwanagin daw ang importer, broker, consignee at mga tauhan ng BOC kung paano ito nakapasok sa bansa.
04:18Nilinaw naman ang BOC na hindi ang aktor ang nag-import ng naturang sasakyan at nakailang pasa na raw ito
04:26bago napunta sa pagmamayari ng aktor.
04:29Sa kanyang social media post noong August 16, iginingit ni Ramsey na may proper plates daw ang lahat ng kanyang
04:35mga sasakyan.
04:37Sabi ng LTO noong isang linggo, pinaliwanag ni Ramsey na nasa abroad siya noon
04:42at hiniram ang sasakyan ng kanyang kaibigang negosyante na siyang nahuling nagmamaneho ng sasakyan.
04:49Suspendido ngayon ng 90 days ang driver's license ng negosyante.
04:53Samantala, ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuseno,
04:57i-auction o isuso basta ang luxury vehicles sa takdang panahon.
05:01Samantala, maglalabas naman ang resolusyon ng LTO,
05:04kaugnay sa paggamit ng peking plaka at sa mga maaari may kinalaman kung paano nairehistro ang naturang sasakyan.
05:12Sa ngayon, Connie, ay naririto lang sa compound ng LTO ang sasakyan
05:17habang hinihintay pang maproseso ang mga dokumento.
05:20Connie?
05:20Maraming salamat, Bernadette Reyes.
05:28Umulan ng yelo sa Carmen Bohol.
05:30Ayon sa isang residente, piglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat
05:35sa barangay Nuerba Fuerza nitong Sabado ng gabi.
05:39Napansin niya ang paglaglag din ng mga butil-butil ng yelo.
05:43Tumagal daw ang hailstorm ng ilang minuto.
05:45Ayon sa pag-asa, nangyayari ang hailstorm tuwing may severe thunderstorm.
06:01Tagtag na tagtaga mga motorista sa barangay Santo Domingo sa Batangas City.
06:05Bitak at bako-baku na kasi ang kalsada roon.
06:08May bahagi rin ng daan na hindi sementado at putikan pa.
06:12Ayon kay U-Scooper Kimberly Falcon, magsa-sunset viewing sana sila noon ng mga kaibigan
06:16nang madaanan nila ang lubak-lubak na kalsada.
06:19Kaya ang kanilang road trip na uwi sa anya ay bad trip.
06:25Nananawagan siya sa lokal na pamahalaan na may ayos ang kalsada para sa kaligtasan ng mga motorista.
06:34For the Unwinds, ina Caprice Cayetano at Marco Masa kasama ang kanilang supporters sa fan meet na inorganize ng fans.
06:43Game silang kumasa sa activities na inihanda ng Capco Shippers.
06:47Darito ang latest.
06:54Pilig, tawanan at saya ang hatid ni na Caprice Cayetano at Marco Masa sa kanilang Sunday afternoon fan meet
07:01organized by Capco fans.
07:04Nakipaglaro ang dalawa sa fans sa iba't ibang games.
07:07Mayroon ding Q&A at acting challenge.
07:10Huwag kang pabiktim dahil hindi ikaw yung biktima.
07:14Kahit parehong besi, naglaan pa rin ang oras si na Caprice at Marco
07:17para makasama at makipag-bonding sa kanilang supporters.
07:22Thankful po kami sa kanilang creativity, sa time po nila at yung efforts po nila para sa fan meet.
07:29Actually, nung nag-start talaga yung You're My Favorite Song Masa doon naging strong yung cap ko.
07:34And I'm just really grateful and happy and thankful na nakagawa sila ng setup na ganito for us.
07:39Si Caprice tuloy-tuloy na ang taping para sa Kapuso Afternoon Prime series na A Million Dreams
07:45kung saan gumaganap siya bilang isang pre-law student.
07:48Medyo iba po talaga siya sa mga characters na nagampanan ko po.
07:52So si Eunice magpiprelaw, tapos very on the go lang po siya.
07:56Hindi po siya masyadong nag-aayos kasi mas focused po siya sa mga goals niya.
08:00Si Marco naman getting ready na rin for his upcoming project.
08:05Pinagahandaan pa siya, medyo secret pa siya ngayon.
08:07Pobli Karampel, nagbabalita para sa GMA News.
08:16Update po tayo sa Day 17 ng impeachment trial ni Vice President Saladuterte.
08:21May ulit on the spot si Ian Cruz.
08:23Ian?
08:27Yes, Connie, sa mga sandaling ito ay naka-lunch break na ang impeachment court
08:32at inaasahang magkakaroon na ng cross-examination ang defense team ni Vice President Saladuterte.
08:39Doon nga sa hostile witness ng prosekusyon na si Gina Acosta pag-resume ng trial bandang 12.30 ngayong hapon.
08:49Sa trial naman kanina o doon sa direct examination ay inusisa ni Private Prosecutor Virgil Ligutan
08:56ang testigo na si Gina Acosta patungkol sa pagpapahanda nito ng apat na traveling bug
09:05para nga sa pagwi-withdraw ng 125 million pesos na confidential funds.
09:10Noong 2022, sagot ni Gina Acosta, isinangguni niya ito kay VP Sara Duterte at VP SPJ Head na si Colonel
09:18Dante Lachica.
09:19Nang tanongin kung bakit alam ni Acosta nakakasya sa apat na traveling bugs ang pera,
09:23sabi niya ay estimate lamang daw niya ito.
09:26Pinaalala naman ni Ligutan na dati rin SDO ng Davao City si Acosta.
09:30Patungkol sa detalya ng pagiging SDO ng Davao City, wala na raw maalala si Acosta
09:34pero pagdating sa withdrawals ay hindi naman daw kasing laki ng ginawa nila sa OVP na confidential funds.
09:41Tinalakay rin ni Ligutan na ginamitan ng confidential funds ang mga tree planting activity ni VP Sara
09:47sa iba't ibang mga lugar.
09:49Sabi ni Acosta, ginamitan din daw ng confidential funds ang aktividad
09:52para matiyak na ligtas si VP Sara sa nasabing aktividad.
09:55Pero ayon kay Ligutan, dito lamang Agosto, may tree planting si VP Sara kahit wala namang confidential funds sa 2026
10:02ang OVP.
10:03Tinanong din ni Ligutan si Acosta kung patungkol sa patunay na may pinirmahan si Col. Dante Lachica ng BPSPG
10:11nang i-turnover sa kanya ang 125 million pesos noong 2022
10:15at ang kabuang 375 million pesos naman noong 2023
10:20Ani Acosta may pinirmahan acknowledgement receipt kapag nagbibigay siya ng pondo kay Lachica.
10:26Pinabawi raw ito kapag nakapagbigay na ng patunay kung paano naman naggamit ang confidential funds
10:32Ani Ligutan, tila ganito na ang modus operandi o metod noong SDO pa lamang si Acosta sa Davao City
10:38bagay na inobjekan ng depensa.
10:41Samantala, kung itinanong natin sa ambos interviews si Escudero
10:44kung may desisyon na ba ang Senate Impeachment Court sa pagpapalit ng oras ng trial
10:48na mula sa kasalukuyang umaga ay babalik ito sa hapon hanggang gabi.
10:53Sabi ni Escudero, wala pang pinal na desisyon ukol dito
10:57at kung gagawin man nila ito, kailangan madesisyonan na ito sa Merkulis.
11:03So yan muna ang huling kaganapan dito sa Impeachment Court sa Senado.
11:07Balik sa'yo, Connie.
11:09Maraming salamat, Ian Cruz.
11:13Ito na ang mabibilis na balita.
11:16Patay na ng matagpuan ang isang dalagitan na halos isang linggo nang nawawala sa Goa, Camarinasur.
11:21Ayon sa pulis siya, tatlong bata ang nakakita sa bangkay sa isang bakanting lote.
11:26Batay sa resulta ng paon ng forensic examination,
11:28na suffocate ang biktima dahil sa posibleng strangulation o pagkawalan ng hangin sa katawan dahil sa pagsakal.
11:35Walang nakitang tama sa ulo sa iba pang parte ng katawan ang biktima.
11:40Isinailalim sa autopsy ang bangkay.
11:41Patuloy ang imbestigasyon ng pulis siya.
11:46Apat ang sugatan matapos magkarambola ang isang AUV, kotse at motorsiklo sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong noong biyernes ng gabi.
11:53Ayon sa isang saksi, bumanga ang AUV sa likuran ng kotse.
11:57Sumalpok naman ang kotse sa isang poste.
11:59Nahagit din ang isa pang motorsiklo.
12:09Pasin tabi po, naputulan ng kalimwang kamay ang isang pulis mo tapos pagtatagain ng nag-amok na lalaki sa San
12:17Jose Camarines Sur.
12:18Ruliponde ang mga pulis sa pag-aamok ng lalaki sa barangay Kalalahan ito pong Sabado.
12:24Sinubukan nilang kausapin ang suspect pero sa halip na makipag-usap, sinugod sila ng lalaki.
12:30Hindi nahagip sa video ang aktwal na pananaga.
12:33Nadapa ang biktimang pulis kaya siya nataga.
12:35Doon na napilitan ng isa sa kanyang kasamahan na marilin ang suspect sa magkabilang hita.
12:42Kahit putol ang kamay at sugatan ang mukha, nagawang daganan ng biktima ang suspect para arestuhin.
12:49Naharap siya sa mga reklamang frustrated murder at direct assault.
12:53Sa pahiyag ng kaanak ng nag-amok na lalaki sa pulis siya, may mental health condition ang suspect.
12:59Nagpapagaling pa sa ospital ang mga ang suspect at ang sugatang pulis matapos mailalin sa operasyon.
13:05Binigyan pugay naman ang National Police Commission ang kanyang sakripisyo at tapang.
13:10Makatatanggap po siya at kanyang pamilya ng tulong at benepisyo.
13:14Sinusubukan pang makuhana na pahiyag ang pulis at ang suspect.
13:20Hinag-aaralan ng Department of Labor and Employment ang mga posibleng pulisya para sa mga delivery rider, lalo na kapag
13:26masama ang panahon.
13:28Sa panayang sa Super Radio DZBB, sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na kabilang sa mga pinag-aaralan
13:34ang pagbibigay ng hazard pay at night shift differential o dagdag na bayad sa mga rider na nagtatrabaho sa gabi.
13:41Gayun din ang pagbibigay sa kanila ng protective gear tulad ng bota at ayuda kapag nasisiraan ng motorosiklo.
13:48Una nang sinabi ng Dole na makatatanggap ng benepisyo at ayuda ang mga manggagawang nasugatan o naaksidente
13:54dahil sa masamang panahon sa ilalim ng Employees Compensation Program.
14:05After a long day, syempre masarap talaga magpahinga at humahiga sa bali o kama.
14:10Gaya ng isang pet lover sa Bulacan ng moto ay, the firmly that sleeps together stays happy together.
14:16Ang problema nga lang, nag-thump po ang isang member dahil naunahan sa pwesto.
14:26Yun o?
14:28Tuwawa eh. Kung hindi ako makakahiga, walang matutulog sa pamilyang to.
14:33Kila ganyan ang pagmamaktol ng asong si Ash matapos maubusan ang pwesto sa kama ni Fur Mom.
14:40Kwento ni Yusko for Angel Domes, sanay na sila sa pagiging drama king ng alaga.
14:46Efektib naman ang nagawa ang ngawa dahil ayun, nag-giveaway na ang isa na tong first sibling.
14:51Mukhang ang husky naman ang hindi natuwa dahil for the side ay ito ng tabihan.
14:57Dead ba naman si Ash dahil may space na sa higaan?
15:00Trending ba ang video nito with 4.5 million views?
15:05Deserve ang title na main character!
15:10Ang cute nila.
Comments