Skip to playerSkip to main content
Metro Manila at ilang panig ng Luzon, nakararanas muli ng maulang panahon dahil sa Habagat; Motorcycle riders, kaniya-kaniyang silong nang biglang umulan sa Quezon City; mga pasahero, nahirapang sumakay; 6, patay matapos tumaob at lumubog ang isang bangka sa Mapanuepe Lake; 3, hinahanap pa; Mahigit 200 bahay sa Brgy. Poblacion Oeste, binaha dahil sa high tide, Habagat at mga nagdaang bagyo; Lalaking senior citizen at 2 niyang anak, nalapnos ang katawan sa pagsabog ng LPG sa kanilang bahay; Tips para makaiwas sa sakuna mula sa pagsabog ng LPG; 25-anyos na babae, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Brgy. Damayang Lagi; Senior citizen na street sweeper, nakaladkad ng kable na sumabit sa delivery truck; Heavy Rainfall Warnings, pinalawig sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang 2pm; Kelvin Miranda, mapapanood bilang bagong karakter sa "The Master Cutter;" Senate Pres. Gatchalian, gustong paharapin sa impeachment trial si dating VPSPG Head Col. Raymund Dante Lachica; Jeepney driver na bistadong pumapasada kahit lasing, binawian ng lisensya ng LTO


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, patuloy na nararanasan ng mga pagulan sa ilang panig ng Luzon,
00:05kabilang po ang Metro Manila na nasa heavy rainfall warning.
00:08Dahil po iyan sa lumalakas muling hanging habagat.
00:11Ayon sa pag-asa, umiiral po ito sa Luzon at Visayas.
00:14Nahahata kasi ang habagat ng binabantayang low pressure area sa silangan,
00:19hilagang silangan ng Batanes.
00:21Nananatili ang medium chance itong maging bagyo o tropical depression sa mga susunod na oras.
00:27Base sa rainfall forecast ng Metro Weather,
00:30posibleng light to moderate rain sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila hanggang sa weekend.
00:36May chance na ng heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
00:41Unti-unting huhupang ulan sa lunes, National Heroes Day.
00:47Nakataas po kayo ng thunderstorm advisory sa Zamboanga City
00:50at sa ilang parig ng kamigin,
00:52Lano del Norte, Surigao del Norte, Basilan, Zamboanga, Cebugay,
00:57Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.
01:00Tatagal ang nasabing babala hanggang alas 12 ngayong tanghali.
01:05Isinalalim naman sa thunderstorm watch ang malaking bahagi ng Visayas,
01:09Occidental Mindoro at Palawan.
01:12Ayon sa pag-asa, posibleng magkaroon ng biglaang ulan na may kasamang pagkulog,
01:16pagkidlat sa mga nasabing lugar hanggang mamayang alas 10 ng gabi.
01:22Kanya-kanyang silong ang maraming motorista at commuter matapos nga po ang biglang pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro
01:29Manila kaninang umaga.
01:31Sa Edsa Camuning, hanggang Cubao, hanos mag-zero visibility na.
01:35Kaya ang ilang motorcycle rider sumilong na muna para hindi mabasa.
01:40Pabugsugsong ulan din po ang naranasan sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue.
01:44Ang ilang commuter na hirapang makahanap ng masasakyan dahil punuan ang mga jeep.
01:50Ganyan ang naranasan ng maraming motorista sa Maynila.
01:54Ang ilang commuter, sinoong ang ulan para makasakay ng jeep.
01:59Malakas na ulan din ang naranasan ng mga motorista sa Marcos Highway at Aurora Boulevard.
02:05Gutter Deep ang tubig na nagpabagal sa mga motorista na papuntang katipunan sa Quezon City.
02:17Patay ang anim na tao matapos tumaob at lumubog ang sinasakin nilang bangka sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.
02:24Ayon sa motoridad, mga katutubong ayta ang sakay ng bangka.
02:28Base sa embestigasyon, pauwi ang mga biktima ng makaranas ng malakas na hangin at alon sa lawa na nagpataob sa
02:35bangka.
02:35Galing sa Health Center ang mga biktima para magpabakuna at kumuha ng libreng pagkain at gamot.
02:40Sa labing tatlong sakay ng bangka, apat ang nakaligtas habang tatlo naman ang pinagahanap pa.
02:47Nagpapahirap sa search and rescue operations ang masamang panahon.
02:51Nagpabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa mga pamilya ng anim na nasawi.
02:59Mahigit dalawang daang bahay ang binaha sa barangay Poblasyon, Oeste, sa Dagupan, Pangasinan.
03:04Ay sa kapitan ng barangay, bunsod yan ng umapaw na creek at ang tuloy-tuloy na pagulan bunsod naman ng
03:11mga nagdaang bagyo at habagat.
03:13Karaniwang tumataas po ang baha sa kanilang lugar tuwing umaga hanggang hapon kapag high tide.
03:19Humuhu pa rin naman daw ang tubig pagsapit ng gabi.
03:22Nakikipagugnayan na raw ang barangay sa City LGU at DPWH para maisaayos ang creek at mabawasan ang pagbaha roon.
03:34Huli kami sa Valenzuela ang pagsabog ng liquefied petroleum gas sa isang residential area.
03:39Tatlo ang sugatan kabilang ang isang senior citizen.
03:43Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
03:46Mandang alas 9 ng umaga kahapon, binulabog ng pagsabog ang residential area sa Santo Street sa barangay Pagbagin, Valenzuela.
03:54Sa lakas ang pagsabog, natumba ang motorsiglo sa tapat ng bahay at tumila po naman ang maraming gamit.
04:02Maya-maya, maririnig ang sigawan at naglabasa naman ang ilang residente.
04:07Ang sanhinang malakas sa pagsabog, LPG.
04:11Nalapnos ang iba't ibang bahagi ng katawan ng magkapatid na residente sa apartment at kanilang senior citizen na tatay na
04:18may sakit sa puso.
04:19Nakita ko po yung bayaw ko. Lumabas po ng pinto at sabi niya sa akin, di. Tulungan mo si tatay.
04:26Pero ngayon po, tatlo na po sila nasa East Avenue. Nakaano po sila.
04:34Dahil kailangan daw pong i-injuvate dahil sana lang nga po.
04:40Sumikla ba nga po ay matapos ang pagsabog?
04:43Rumesponde ang mga tauhan ng barangay at bumbero.
04:46Nabutan namin doon mga nagpapanik na tao.
04:48So, pinasok ko lang po kahit malakas ang musok.
04:51Tapos ako binubamba.
04:53Damay ang appliances at iba pang gamit sa bahay.
04:57Ginukwento po sa atin ng kaanak ng mga biktima na yung LPG daw po ay nakalagay doon banda sa may
05:03lababo.
05:04Pusibleng nagluluturo po yung kanilang kaanak nung bigla po itong sumabog.
05:08Sa lakas po ng pagsabog, pati po yung katapat na bahay ng apartment ay nadamay.
05:14Ito pong grills na ito na originally nakalagay dito, natanggal.
05:18Yung bintana, kisami ito.
05:21Tapos yung mga bubog pumasok sa loob.
05:25Siguro ko, isa rin akong, ano, bigsabing may injured.
05:30Hinala ng mga otoridad.
05:32Pusibleng may leak sa LPG na siyang naging mitsa ng apoy at pagsabog.
05:37Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad habang nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.
05:42Humingi naman ng tulong ang mga kaanak ng mga biktima.
05:46Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
05:51Mga kapuso, narito po ang ilang tips para maiwasan ang sakuna mula sa pagsabog ng LPG.
05:58Ayon sa Department of Energy, ugaliin i-check kung may butas o sira ang rubber tube ng tangke.
06:04Dapat rin daw itong palitan kahit isang beses kada dalawang taon.
06:07Para masuri kung may tagas ang hose at mga koneksyon,
06:12pahiran po ito ng tubig na may sabon o liquid detergent.
06:16Tingnan kung may bumubula, nasinyalas nga po ng pagtagas ng gas.
06:21Huwag itagilid, ibalibag o pagulungin ang LPG tank.
06:26Dapat ay laging patayo ang posisyon po nito.
06:29Huwag ilagay ang LPG tank sa closed compartment o saradong lagayan.
06:33Well-ventilated dapat.
06:35Hindi rin dapat nito kasing taas ang pinaglalagyan ng kalan.
06:40Huwag din pong ilagay ang tangke sa lugar kung saan may expose ito sa araw, ulan, alikabok o init.
06:47Ugalian din na i-off ang regulator ng LPG kapag hindi ito ginagamit para iwas tagas.
06:56Patay ang isang babae sa sunog sa isang residential area sa Quezon City kaninang umaga.
07:01May ulat on the spot si Alan Gatos ng Super Radio DZBB.
07:05Alan?
07:07Raffi, matay ang isang babae ng 25 anyos matapos na matrap sa sunog sa 13th Street sa barangay Damayang Lagi,
07:14Quezon City kaninang umaga.
07:16Patay sa inisyal informasyon mula sa mga arson investigator ng Bureau of Fire Protection, Quezon City,
07:21nakitang labi ng babae sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay.
07:24Ayon sa laraking kasama ng biktima, may pagkakataon pa sana na makalabas na ang babae pero bumalik pa siya sa
07:30loob ng nasusunog na bahay.
07:32Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at ang bilang ng mga nasunog na bahay.
07:37May umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula kaninang alas 8.44 ng umaga.
07:44Raffi?
07:45Maraming salamat, Alan Gatos ng Suparadyo DZ WB.
07:51Hulikam sa Valenzuela, ang street sweeper na nakaladkad ng kable na sumabit po sa isang delivery truck.
07:57Handa raw makipagtulungan ang kumpanya ng truck.
08:00Gayun din ang Meralco.
08:01Balitang hatid ni Darlene Kai.
08:07Abalang maglinis ang street sweeper na si Cora sa Valenzuela noong martes nang dumaan ng isang delivery truck at bigla
08:14siyang nakaladkad.
08:15Sa bilis ng pangyayari, humampas si Cora sa katabing poste at nakaladkad hanggang mapahiga na lang siya sa kalsada.
08:22Hindi malinaw sa video pero sumabit pala ang truck sa kable na siyang humila kay Cora na isa pa namang
08:28senior citizen.
08:29Agad isinugod sa ospital si Cora.
08:31Kinailangan siyang operahan sa balikat at naghihintay rin ng operasyon sa paa.
08:35Agad namang naglunsad ng investigasyon ng LGU.
08:38We're waiting for the full investigation kung paano po napulupot sa katawan po ng victim yung wire na ho yun
08:45at paano rin po na-hook up sa bumper ng JNT without human intervention.
08:52Ang sabi ng driver, dumaan lang ho siya tapos parang nasabit at nahila.
08:58Ang malinaw daw sa ngayon.
08:59For me, it's negligence din ho ang pag-iwan ng mga wires na nakakalat lang ba nakasabit o nakakalat po.
09:09Bawal ho yan sa Valenzuela actually po.
09:12This is also the reason why, darling, in Valenzuela we have an ordinance actually charging maintenance costs per poll
09:23sa mga utilities companies natin because we want them to be responsible.
09:29Pinatawag na ng LGU ang mga kinatawa ng JNT at Meralco.
09:32Sinisikap naming makuha ang kanilang pahayag pero ayon kay Gatchalian,
09:36aakuin umano ng delivery company ang anumang responsibilidad sa insidente.
09:40Nakatakda sila magbigay ng paunang 200,000 piso sa pamilya ni Cora para sa kanyang medical expenses.
09:45JT Express of course is saying na this is an accident talaga no?
09:51Kasi yung the driver that was driving the truck is an experienced driver in that area no?
09:57In Marulas.
09:58Kapisado niya naman po yung kalya niyon and hindi niya rin alam pa paano po yung alambre
10:03nag-hook up, nag-hook sa likod ng bumper ng truck.
10:07Ang Meralco po ay kanina in-investigate ko rin ho.
10:10What we found out is number one, the pole is owned by Meralco.
10:16But the cable which they even brought a sample, talagang Darlene medyo makapal yung cable,
10:25talagang matigas solid yung cable neto.
10:29Their statement kanina during the meeting is they don't own the cable.
10:34Hiniimbisigan pa kung aling utility company ang may-ari ng sumabit na kawad.
10:38Bukod sa tulong medikal at pinansyal, nangako rin ang LGU ng legal assistance kay Cora.
10:43Patuloy raw mag-iikot sa siyudad ang mga tauhan ng Valenzuela LGU
10:46para siguruhin na wala ng nakalaylay na kable para hindi na maulit itong insidente.
10:51Darlene Kai, nagbabalita para sa GME News.
10:55Sa isang pahayag, muling iginiit na marahal ko na hindi kable ng kuryente
10:59ang sumabit sa truck at kumalagad sa street sweeper.
11:02Patuloy raw nakikipag-ugnayan ng Meralco sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.
11:07Tumutulong din daw sila para matukoy ang may-ari ng kawad na nagdulot ng aksidente.
11:16May init na balita.
11:18Pinalawig ng Yellow Rainful Warning dito sa Metro Manila.
11:22Ayon sa pag-asa, posible ang pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa daluyo ng tubig sa gitna ng malalakas
11:28na ulan.
11:29Bukod sa NCR, apektado rin ng Yellow Rainful Warning ang Rizal at ilang panig ng Cavite, Batangas at Nueva Ecija.
11:37Mas malakas na Orange Rainful Warning naman sa Pampanga, Tarlac, Bulacan at ilang bahagi ng Bataan at ng Nueva Ecija.
11:45Nagbabadya o patuloy ang pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa daluyo ng tubig.
11:50May bantahan ng pag-uho ng lupa.
11:52Isinailalim naman sa pinakamatinding Red Rainful Warning ang Zambales at ilang panig ng Bataan.
11:58Asahan po ang matinding pagbaha.
12:00May matinding bantari ng pag-uho ng lupa sa gita ng matitinding ulan.
12:04Tatagal ang Red, Orange at Yellow Rainful Warnings hanggang mamayang alas 2 ng hapon.
12:15Friday latest, balik action scene si Sparkle star Kelvin Miranda na mapapanood bilang bagong karakter sa GMA Prime series na
12:24The Master Cutter.
12:26Gaganap siya sa serye bilang si Uno Alcaraz.
12:30Level up daw ang mga eksena ni Kelvin na baon pa rin ng stunt routine mula sa pagganap niya bilang
12:36Adamo sa Encantadia Chronicles Sangre.
12:39Dream come true raw ito para kay Kelvin dahil makakatrabaho niya si Didong Dantes.
12:45Sa pagpasok ni Kelvin sa The Master Cutter, paano kaya maaapektuhan si Atoy at iba pang mga tauhan sa Barangay
12:52Tabang Lupa?
12:54Subay ba yan ang The Master Cutter sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras?
13:01Hindi natin alam kung isa ba siyang kalaban o kakampe.
13:06Abakan na lang natin yan sa mga susunod na episode kung talaga nga bang sa panig siya ni Atoy o
13:13sa panig siya ng kalaban.
13:19Nais si Senate President Sherwin Gachalian na humarap sa impeachment trial ang dating head ng Vice Presidential Security and Protection
13:27Group na si Colonel Raymond Dante Lachica.
13:30Sabi ni dating OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta, kay Lachica niya ibinigay ang confidential funds matapos i-encash.
13:38Ayon naman kay OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, si Lachica at si Vice President Duterte ang nakakaalam kung
13:46papaano ginastos ang confidential funds.
13:49Para kay Gachalian, mahalaga ang testimonya ni Lachica dahil siya ang itinuro ni Acosta at Ortonio.
13:56Nauna nang sinabi ni Lachica na handa siyang humarap sa impeachment trial kung ipatatawag siya.
14:06Tignan natin kung kailangan i-compel ng court na pagpuntahin siya dito.
14:11If you follow the money trail at pinakinggan mo yung mga testimonies ni Acosta, ni Ortonio, sa kanya talaga huminto
14:23yung money trail.
14:24Nauna nang sinabi ng prosekusyon na hindi na nila kailangang ipatawag si Lachica sa impeachment trial dahil sapat naan nila
14:31ang pahayag ng mga naunang testigo para ipakitang mali ang paggamit ng confidential funds.
14:38Pumalag din ang prosekusyon sa pahayag ni Vice President Duterte na idinadaan sa theatrics o pagdadrama ang impeachment case na
14:46aniay walang ni isang hibla ng ebidensya.
14:49Ayon kay House Prosecution Spokesperson Zia Alonto Adyong, tila minamaliit daw ng Vice ang mga hinihimay na issue sa impeachment
14:58trial.
15:03Umiinom ng alak habang pumapasada ang jeepney driver na yan sa bahagi ng Taft Avenue sa Pasay.
15:09Mabilis at delikado ang magmanewang chuper.
15:11Agad natuntun ng Land Transportation Office ang chuper sa viral video na ipinose sa Facebook page ni MMDA Special Operations
15:18Group Head Gabriel Go.
15:20Bukod sa lasing, inamin din daw ng chuper sa LTO na gumagamit siya ng droga.
15:26May tatlong traffic violations din daw ang chuper na hindi pa rin naririsolba.
15:30Inimpound na ng LTO ang jeep.
15:33Pinagpapaliwanag nila ang chuper sa viral video at ang jeepney operator.
15:41You

Recommended