- 4 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-DMW: 2 tripulanteng Pinoy, patay sa drone strike sa Black Sea; 12 iba pa, sugatan; 2 sundalong Pinoy sa Ayungin Shoal, sugatan matapos hampasin ng sagwan at baton ng mga taga-China Coast Guard; Chinese embassay, naglabas ng sariling kuha ng insidente sa Ayungin Shoal; iginiit na mga Pilipino ang unang nanggulo; DOH, inirerekomenda sa mga estudyante ang hindi bababa sa isang oras na physical activities kada araw; Pulis na pumagitna sa away sa isang KTV bar, patay matapos barilin; namaril, arestado; Lalaki, sugatan matapos barilin dahil sa panghihingi ng balato; Mahigit 50,000 pamilya sa 33 barangay, nabigyan ng tig-10kg bigas; Approval at trust rating ni PBBM, bumaba habang bahagyang tumaas naman kay VPSD, base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia; Article 4 kaugnay sa pagbabanta umano ni VPSD kina PBBM, First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Romualdez, tatalakayin sa Day 8 ng paglilitis; Sen. Marcoleta, humiling na payagan siyang bumoto sa impeachment trial ni VP Duterte, ayon kay presiding officer Sen. Escudero; DOE: Dagdag-singil sa kuryente, posible kasunod ng panibagong oil price hike; PNP: Iglesia ni Cristo, magsasagawa ng pagtitipon sa Lunes, July 27; Sen. Robin Padilla, inungkat ang kinakaharap na reklamong obstruction of justice; puna ni Sen. Erwin Tulfo, dapat sa Senate session ito pag-usapan; 14 na pamilya, nawalan ng tirahan matapos gumuho ang bahagi ng kalsada sa Brgy. Marilog proper; Ph Volcanoes, nanatiling kampeon sa 2026 Unions Cup matapos matalo ang Malaysia; 2 sundalo at 3 sibilyan, sugatan matapos tamaan ng shrapnel ng sumabog na granada sa Brgy. Mother Poblacion; Magkasintahan, arestado sa buy-bust operation ng NBI; Ilang Kapuso shows at personalities, pinarangalan sa 1st Famas Broadcast Arts Awards; Clifford, naka-bonding ang fans sa kanyang post-birthday celeb at fan meet; very grateful sa kanilang love at support; Cum Laude graduate, umakyat sa stage dala ang larawan ng kanyang mga magulang
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Panibagong insidente ng harassment sa West Philippine Sea.
00:03Dalawang sundalong Pinoy ang sugatan matapos silang paluin ng sagwan at baton na mga tauhan ng China Coast Guard sa
00:10Ayungin Shoal.
00:11Ipoprotesta rao ng Department of Foreign Affairs ang anilay hindi katanggap-tanggap na ginawa ng China laban sa mga sundalong
00:17Pinoy.
00:18Balita ng atin ni Jonathan Andan.
00:24Sa bahaging ito ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, nakuna ng panghahampas ng sagwan at baton ang nasa mas
00:31malaking motorboat mga tauhan ng China Coast Guard.
00:33Habang mga taga Philippine Navy naman ang nasa maliit na rubber boat gamit ang kanilang malaking motorboat at mas mahahabang
00:40mga pamalo na itulak pala yun ang CCG,
00:43ang mas maliit na rubber boat ng Philippine Navy, inilabas ng Armed Forces of the Philippines ang video.
00:47Ayon sa Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, dalawang sundalo ang nasugatan,
00:53kabilang ang isang nahataw sa ulo gamit ang kahoy na baton ng China Coast Guard.
00:58Binigyan ang sundalo ng first aid at pinag-aaralan kung isa sa ilalim siya sa medical evacuation.
01:03Dalawang tropa natin na injured, yung isa required four stitches sa kanyang ulo, almost two inches yung haba ng kanyang
01:10sugat.
01:11Yung isa sa braso, sa bat ng kamay niya, sa mga daliri, sapagat sinasaga niya ang hampas sa kanila.
01:16Nasira rin ang rubber boat ng Philippine Navy.
01:19Pero sinuunang nang hampas?
01:21Yung China Coast Guard personnel. Makita naman natin sa video, maramis lang humahampas.
01:26Yung ating mga kasundaluhan were purely defensive.
01:30Na pangsanggalang para huwag na siya matamaan.
01:33Sabi ng AFP, mula sa China Coast Guard ship na may bow number 21560,
01:38pinakawalan ng China ang rigid hull inflatable boat na may walong sakay.
01:43Pinaikutan at kinunan daw nito ng litrato at video, ang BRP Sierra Madre.
01:48Ang kinakalawang na barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, na may mga nakaistasyong Pilipinong sundalo.
01:54Para raw itaboy ang China, naglabas ng dalawang rubber boat ang mga sundalong Pinoy,
01:58pero kalmado at hindi ro sila nanghahamon sa ginawa nilang pagpapaalis.
02:02Bagamat ginagawa ito sa ating mga sundaluhan, mataas yung kalamural at sila ay magpapatuloy sa pagpapatrolya at pagwawagayway ng ating
02:11bandila sa West Philippine Sea.
02:12Ang aksyon ng China Coast Guard, tinawag na assault ng AFP.
02:16Inilagay daw nila sa alanganin ng buhay ng mga Pilipinong sundalo at nagpataas ng tensyon sa West Philippine Sea.
02:23Sa kabila raw ng anilay karahasan na natiling profesional, disiplinado at sumunod sa rules of engagement ang mga Pilipinong sundalo
02:31habang ginagampanan ang kanilang misyon sa loob ng Exclusive Economic Zone.
02:35Panawagan ng AFP sa China, itigil na ang iligal, agresibo at mapanlinlang na kilos sa West Philippine Sea
02:41at sumunod sa 2016 Arbitral Award na iginigiit ang karapatan ng Pilipinas sa naturang dagat sa ilalim ng international law.
02:50Ang ating Department of Foreign Affairs nakikipag-ugnayan na raw sa AFP, kaugnay ng insidente.
02:55May karampatang diplomatic action daw kaugnay nito.
02:59Sabi pa ng DFA, hindi katanggap-tanggap ang anumang marahas na aksyon laban sa Filipino personnel.
03:05Ang insidente sa Ayungin Shoal nangyari ilang araw lang matapos maghain ng diplomatic protest ng DFA
03:11dahil sa AI-generated video ng state-owned newspaper ng China na nagpapakitang unggoy ang Pilipino.
03:19Hindi pa malinaw kung kabilang ito sa pag-uusapan sa nakatakdang pagkupulong
03:22ni na Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Ye.
03:28Yes, I have knowledge that the Secretary will have a meeting with the Foreign Minister of China.
03:36But as regards their discussions, of course, I don't want to preempt what they will discuss.
03:41Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
03:45Para sa National Task Force for the West Philippine Sea, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng mga tauhan ng China
03:51sa Ayungin Shoal.
03:52Lalo lang daw nitong pinalalala ang tensyon at piligro sa gitna ng dagat.
03:57Kinundin na rin ni U.S. Ambassador to the Philippines, Lee Lipton, ang anya'y delikado at mapangudyok na ginawa
04:02ng China sa Ayungin Shoal o 2nd Thomas Shoal.
04:05Nakikisarawang Amerika sa Pilipinas sa panawagan nito na itigil ng China ang kanilang iligal at agresibong gawain sa South China
04:12Sea.
04:13Ang Chinese Embassy naman, naglabas din ang sarili nilangkuhan ng insidente.
04:17Ayon sa kanila, mga Pilipinong sundalo raw ang naunang ng hampas gamit ng mga sagwan at mahahabang stick.
04:24Kaya huwag daw baligtarin ang Pilipinas ang naritibo.
04:27Muli rin iginit ang Chinese Embassy na bansa nila ang may karapatan sa Ayungin Shoal na tinatawag nilang Renai Zhao.
04:40Inire-rekomenda ng Department of Health na magkaroon agang mga kabataan ng kahit isang oras na physical activities kada araw.
04:47Lumabas kasi sa survey ng World Health Organization noong 2024 na mahigit 89% ng mga estudyanteng Pinoy edad 13
04:54hanggang 17
04:54ang hindi nagkakaroon ng 60 minuto na anumang physical na aktividad o gawain sa loob ng isang araw.
05:01Sabi ng WHO, makabubuti sa cardiorespiratory at muscular fitness ang physical activity at nakababawa sa anxiety at depression.
05:10Ayon sa DOH, hindi mandirektang sinabi sa pag-aaral na gadget use ang dahilan,
05:15mahalagang isulong ang offline activities para sa mga estudyante.
05:19Sabi ni Dr. Cecilia Tuazon ng DOH,
05:22may ilang pasyente siya na nakitaan ng mga developmental disorder dahil pinagamit ng gadgets na wala pang isang taong gulang.
05:29May mga bata rin naglalaro ng online game at nag-groom ng mga feedophile.
05:35Inire-rekomenda ng ilang eksperto ang mahigpit na hindi pagpapagamit ng cellphone o gadget sa mga bata na wala pang
05:41labing walong taon.
05:43Ipinapayo rin ang pag-ubantay ng magulang o nakatatanda.
05:52Patay ang isang pulis matapos pumagit na sa gulo sa isang KTV bar sa Ponte Vedra, Capiz.
05:58Basay sa investigasyon, pakay ng biktima at dalawa pang pulis na makipag-usap sa may-ari ng bar
06:04kaugnay sa mga naulat na insidente ng away roon.
06:07Habang nasa loob, sakto namang may nag-away na isang grupo kaya pumagit na ang mga pulis.
06:12Bumunot ng baril ang isa sa mga sangkot at binaril ang isang pulis.
06:16Dead on arrival siya sa ospital.
06:19Naaresto ang namaril na nahaharap sa reklamong homicide.
06:22Iniimbestigahan pa kung may kaukulang dokumento ang kanyang baril.
06:26Wala pang pahayag ang suspect.
06:28Hinahanap pa ang dalawang tumakas na kasama ng namaril.
06:33Binaril naman ang isang lalaki sa Cebu City dahil sa pangangantyao tungkol sa balato.
06:38Batay sa investigasyon, humihingi ang biktima ng 50 peso sa kaibigan niyang nanalo ng 500 piso sa isang online game.
06:46Tumanggi ang kaibigan na nauwi sa away hanggang bumunot ng baril ang suspect at binaril ang biktima.
06:53Nasugatan siya sa kaliwang braso at nagpapagaling.
06:56Nahuli naman ng suspect na nahaharap sa reklamong frustrated homicide.
07:00Wala pa siyang pahayag.
07:03Nasa Lucena, Quezon, si Pangulong Bongbong Marcos ngayong umaga para sa pamimigay ng ayudang bigas.
07:09May ulot on the spot si Darlene Kai.
07:12Darlene?
07:17Rafi, kagagaling lang ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa Lucena Convention Center sa Quezon Province
07:22para mamigay ng ayuda sa mga residente rito.
07:27Kabilang dito ang 10 kilong bigas na ibinigay sa mahigit 50,000 pamilya mula sa 33 barangay dito sa Lucena.
07:34Sila yung tinukoy na binepisaryo na galing sa vulnerable sector.
07:38Unang bugso pa lang daw ito.
07:40Sa kanyang kalumpati, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaralan nilang palawigin pa ang programa
07:46at isama sa national budget sa susunod na taon kung makitaan ng magandang resulta.
07:50Bukod dyan, ay pinangunahan din ng Pangulo ang pamimigay ng TIG 20,000 piso sa 165 students sa ilalim ng
07:58Presidential Scholars Program.
08:00Ang mga nabanggit na pamamahagi ng bigas at financial assistance ay sa ilalim ng Local Government Support Fund ng Office
08:07of the President.
08:08Sabi ng Pangulo, ang bawat barangay raw na nabigyan ng TIG 100,000 pesos ang magdedesisyon kung saang proyekto o
08:15programa nila gagamitin ang ibinigay na budget
08:18dahil sila ang mas nakakaalam sa pangangailangan ng kanilang komunidad.
08:22Namigay rin ang Pangulo ng Certificates of Entitlement para sa 264 na kawaninang lukan na pamahalaan ng Lucena
08:29sa ilalim ng Presidential Proclamation 436 kung saan ang kabuang 17.6 na hektarya sa landing barangay Ibabang Iyam ay
08:40inilaan para sa urban poor at government employees.
08:44Rafi, umalis agad yung Pangulo pagkatapos ng programa rito at agad siyang dumiretsyo doon sa inspection sa passenger terminal building
08:53ng Port of Lucena.
08:55Yan ang latest mula rito sa Lucena, Quezon Province. Balik sa iyo, Rafi.
08:58Maraming salamat, Darlene Kai.
09:02Bumaba ang approval at trust rating ng Pangulo habang bahagyang tumaas naman ang Sabise batay sa pinakahuling survey ng Pulse
09:09Asia.
09:1029% ang nakuhang approval rating ni Pangulong Bongbong Marcos. Mas mababa yan kesa sa 36% na nakuhahan niya
09:18noong Marso.
09:1956% naman ang nakuhang approval ratings ni Vice President Sara Duterte na mas mataas na isang puntos sa nakuhahan
09:26niya noong Marso.
09:27Lumaki naman ang disapproval rating ng Pangulo sa 50% ngayong Hulyo mula sa 45% noong Marso.
09:35Tumaas din ang disapproval rating ng BICE sa 29% ngayong Buwan mula 27% nitong Marso.
09:41Pagdating sa trust ratings, 28% ang nagsabing nagtitiwala sila sa Pangulo. Mas mababa yan kesa sa 35% noong
09:50Marso.
09:5158% naman ang trust rating ni Vice President Duterte na mas mataas na nakuhahan niyang 54% noong Marso.
09:57Nasa 51% naman ang distrust rating sa Pangulo ngayong Buwan, mas mataas kesa sa 44% noong Marso.
10:05Para sa BICE naman, nasa 27% ang distrust rating ngayong Hulyo, bagyang mataas sa 26% noong Marso.
10:13Isinagawa ang survey June 28 hanggang July 6, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
10:192,400 na tao edad 18 pataas ang pinasagot sa survey na may margin of error na plus-minus 2%.
10:33Day 8 na pumamayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
10:38Update tayo sa Senado sa ulat on the spot ni Sandra Aguinaldo.
10:42Sandra?
10:45Yes, Rafi. Ngayon niyang araw na ito ay iaharap naman ng prosecution team.
10:51Itong si NBI Chief Melvin Matibag.
10:55Yan po ay kaugnay pa rin doon sa Article 4 o yung sinasabi ng prosecution na pagbabanta ni Vice President
11:03Sara Duterte
11:03sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos, First Lady at dating speaker.
11:09Ang NBI kasi po ang nag-imbestiga sa online press conference ng BICE kung saan niya nabitawan yung sinasabing pagbabanta.
11:17Nauna nang nag-testify dito sa impeachment court ang isang NBI agent at maging yung hepe ng NBI Cybercrime Division.
11:26Kung kaya't maaasahang susuportahan ni Matibag ang mga pahayag ng mga ito at Rafi.
11:32Ngayon nga doon sa press conference ng prosecution team ay sinabi nila na bukod dyan ay meron daw bago pang
11:38sasabihin itong si Matibag.
11:41Ang isa pang inaabangan ay kung babanggitin ba ni Sen. Alan Peter Quetano ang naonang pahayag ni Matibag na iniimbestigahan
11:50siya ng NBI.
11:51Ito yung kaugnay naman doon sa sinasabing maling paggamit ng pondo ng 2019 Southeast Asian Games.
12:00Si Kayatano po ang tumayong chairperson ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.
12:06Nitong nagdang ilang araw ay nagkaroon ng maanghang napalitan ng salita si Matibag at Kayatano tungkol dyan.
12:14Matatandaan din mga NBI ang nagpunta sa Senado noong May 11 para arestuhin po si Sen. Bato de la Rosa.
12:23Noong ding magkaputukan sa Senado, kalaunan ay may mga NBI din yung sinasabing nandoon sa side ng GSIS building
12:32na dinahilan noon ng Senado na nagtatangka o manong pumasok sa gusali ng Senado.
12:39So bagay na mariin namang itinanggina ng NBI.
12:43Sinabi ng prosecution na si Matibag na ang huli nilang witness sa Article 4.
12:49At matapos nga niyan, Rafi ay inaasahan magmove on na sila kaugnay naman doon sa confidential fund ng Vice President.
12:58Pero hindi pa masabi po ng prosecution team kung kayang matapos si Matibag ngayon at hanggang bukas. Rafi?
13:08Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
13:12Nais ni Sen. Rodante Marcoleta na payagan siyang bumoto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit nakakulong.
13:19Ayon kay presiding officer Sen. Cheese Escudero, nagpadala ng letter of manifestation si Marcoleta kaugnay niyan sa Senate Impeachment Court.
13:28Nirefer na raw ang hiling sa Senado bilang legislative body.
13:31Didesisyon na ito sa pagumalik sa show ng Kongreso sa susunod na linggo.
13:35Para kay Escudero, napipisil niyang katigan ang hiling ni Marcoleta basta wala raw ipapataw ng suspensyon sa Senador.
13:42Nakakulong si Marcoleta dahil sa kasong plunder.
13:45Dati nang iginiit ni Marcoleta na ang kasong isinampas sa kanya ay paraan para hindi siya makalahok sa paglilitis ni
13:51Vice President Duterte.
13:54Ngayong nagtaasan na muli ang presyo ng langis, posibleng na rin tumaas ang presyo ng kuryente ayon sa Department of
14:00Energy.
14:00Ayon kay Energy Undersecretary Ruena Cristina Guevara, hindi ito ang unang beses kaya nananawagan ang ehensya sa mga distribution utility
14:08na gamitin muna ang mga murang langis bago ang mas mahal.
14:12Sabi naman ni Energy Secretary Sharon Garin, maliit lang ang porsyento ng langis sa energy mix sa kuryente.
14:18Hindi indaw ito ang direktang dahilan ng pagtaas ng kuryente, kundi ang gastos sa transportasyon ng coal at iba pang
14:25gastusin.
14:26Buling nagpaalala ang DOE sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente para hindi paganahin ang mga mas mahal na
14:33planta ng kuryente.
14:36Magsasagawa ng pagtitipon ng pasasalamat ang Iglesia ni Cristo sa Lunes, July 27 na kanilang founding anniversary.
14:43Ayon sa PNP, nakipagugnay na sa kanilang opisyal ng INC pero hindi pa tiyak kung saan gagawin ang pagtitipon.
14:50Pinagahanda na raw ng PNP ang siguridad dito lalo't inaasahang libo-libo ang dadalo.
14:55Kasabayan ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
14:59Paalala ng PNP, papayagan lang ang mga ralista sa SONA kung sila ay may permit para magkilos protesta.
15:08Pino na si Sen. Robin Padilla ng ilan niyang kapwa senador dahil imbis na impeachment trial ang pag-usapan sa
15:13impeachment court,
15:14ang kinakaharap niyang reklamang obstruction of justice ang kanyang inung-inungkat kahapon.
15:19Ang sinabi po ng mahal na ombudsman na ako daw po ay hindi sumunod sa kanilang pasabi na mag-file
15:30ng aking counter-affidabit.
15:34Ako po ay nag-submit ng aking counter-affidabit.
15:52Ang reklamo laban kay Padilla sa ombudsman ay tungkol sa pagtulong niyang makaalis sa Senado, si Sen. Bato de la
15:58Rosa noong May 14.
15:59Sagot dyan ni Sen. Erwin Tulfo, dapat sa regular na sesyon ng Senado pag-usapan ng reklamo laban kay Padilla
16:05at hindi sa impeachment court.
16:06Sa kabila niyan, pinayagan ni Impeachment Presiding Officer Sen. Chis Escudero na manatili sa records ang manifestation ni Padilla.
16:15Ayon kayasista ombudsman Mico Clavano, wala pa sa system nila ang counter-affidabit ni Padilla.
16:21Kinontra ito ng abogado ni Padilla.
16:36Ang counter-affidabit had already lapsed. So, we will rely on what our system...
16:46Gumuho ang ilang bahagi ng kalsada sa Chisio Marahan, Barangay Marilog Proper sa Davao City.
16:51Limang bahay ang nasira dahil sa pagguho.
16:54May isang bayang animoy nakalambitin na dahil nakatayo ito malapit sa gumuhong parte ng kalsada.
17:00Labing-apat na pamilya ang apektado.
17:02Agad sinang iniliikas bago pa mangyari ang pagguho.
17:06Nakitaan na kasi ng mga barangay official at ilang residente ng mga palatandaan na unti-unting pagbigay ng lupa sa
17:12nasabing kalsada.
17:13Ayon sa DPWH Region 11, nasa 50 meters ang lalim ng pagguho at aabot din sa 150 meters ang taas
17:21ng apektadong kalsada.
17:23Dalawa sa apat na lanes ng kalsada ang nasira.
17:26Makakadaan ang lahat na sasakyan sa maramag Carmen, Kabakan, Digos, Davao Road.
17:31May nila namang alternate route para sa light vehicles na bihahing Davao Bukitnon and vice versa sa Campo Uno section.
17:43Tagumpay na nadepensahan ang ating rugby team ang kampyonato sa Union's Cup sa Thailand.
17:48Natalo ng Philippine Volcanoes ang kuponan ng Malaysia sa finals.
17:53Natapos ang laro sa score na 39-18.
17:57Ang Volcanoes din ang nagkampyo noong isang taon matapos talunin ang pangbato ng Thailand sa championship match sa Taiwan.
18:06Sa California sa Amerika naman, wagirin ang Pinoy boxer na si Charlie Suarez laban sa American boxer na si Manuel
18:14Avila.
18:15Mahigit dalawang minuto lang ang itinagal ng laban.
18:18Matapos paulanan ng suntok ni Suarez si Avila na napabagsak niya sa unang rang.
18:25Nakuha ni Suarez ang World Boxing Organization International Super Featherweight title.
18:36Lima ang sugataan kasunod ng pagpapasabog ng Granada sa Sheriff Aguac, Maguindanao del Sur.
18:42Sa kuha ng CCTV, binabaybay ng mga sasakyan ng kalsada sa barangay Mother Poblasyon noong Sabado.
18:48Ilang saglit pa, dumating ang isang motorsiklo at naghagis ng Granada.
18:53Target pala ng riding in tandem ang sasakyan ng mga sundalo na agulantang ang mga residente.
18:59Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, kinama ng shrapnel ang dalawang sundalo at tatlong sibilyan.
19:06Agad silang dinala sa ospital at nasa maayos ng kalagayan.
19:10Kinukuhanan pa sila ng pahayag.
19:12Kinukumpirma pa ng Police Regional Office Bank sa Moro Autonomous Region kung anong grupo ang nasa likod ng pagpapasabog ng
19:19Granada.
19:22May magkasintahang arestado sa bybasta operation ng National Bureau of Investigation sa Baguio City.
19:27Ang babaeng suspect ayon sa mga otoridad ang nag-abot ng iligal na droga at tumanggap ng bybast money sa
19:34nampanggap na buyer.
19:35Ang kanyang boyfriend, nakuha na ng isang pakete ng hinihinalang shabu bago pa yun maitapon.
19:41Galing daw mga aldat panggasinan ang magkasintahan at umakyat sa Baguio para sa nasabing iligal na transaksyon.
19:48Nasamsam sa kanila ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na abot sa 70,000 piso ang halaga.
19:53Nakuha rin ang iba't ibang drug paraphernalia.
19:57Nagpositibo ang magkasintahan sa paggamit ng iligal na droga.
20:01Base sa medico-legal, maharap sila sa kaukulang reklamo. Sinisikap silang makuna ng pahayag.
20:12Pinarangalan ang ilang Kapuso shows at personalities sa First Fama's Broadcast Arts Awards.
20:19Huwag i-bilang Best Host for Public Service si Kapuso multi-awarded journalist Cara David.
20:25Kinilala rin as Best Documentary ang eyewitness doc ni Cara na Embalsamador de Motor.
20:31At Best Public Affairs talk show ang kanyang podcast na I Listen.
20:36Kinilala naman bilang Best Educational Show ang Born to be Wild.
20:41Best Lifestyle Show ang Biyahe ni Drew.
20:45Best Performer si Sparkle Artist Kelvin Miranda.
20:48Huwag i-rein ang Family Feud as Best Show for Game Reality and Competition.
20:53Best Entertainment talk show ang Fast Talk with Boy Abunda.
20:56Best Variety Show naman ang It's Showtime at Best Host for Entertainment ang main host nitong si Vice Ganda.
21:05Thank you, thank you very much sa FAMAS.
21:09But more than that, thank you sa GMA for giving me the opportunity to tell stories every day.
21:15Lahat po ng mga bata, lahat po ng mga pamilya, lahat po ng mga komunidad na nagtiwala po sa amin
21:23ng kanilang mga kwento.
21:24Alay po namin ito sa inyo.
21:26Lubos ako nagpapasalamat sa GMA, GMA Network para sa pagsuporta, para maabot kayo ang mga pangarap ko.
21:34Para magawa ko yung mga ganitong klaseng programa at sa pagbibigay nyo ng tiwala sa akin.
21:44A fun-filled fan beat at post-birthday celebration ang pinagsaluha ng fans at ni You're My Favorite Song star
21:51Clifford.
21:52Punong-puno ng fun activities ang red and black themed party na inorganize ng fans para sa sparkle artist.
21:59Game namang kumasa sa acting challenge at video kiss session si Clifford.
22:05Chika ng aktor, very grateful siya sa mga tagahanga na todo effort para ma-pull off ang event.
22:11July 7 ang mismong birthday ni Clifford na ipinagdiwang niya sa set ng serye.
22:16Ngayong 20 years old na siya, ano kaya ang nililook forward ni Clifford?
22:22Mas gusto ko lang pong mas galingan pa po sa craft ko.
22:26Sa mga future roles na gagampanan ko po, I really want to do my best talaga.
22:33Kung sa dati, parang mga young-young roles lang po.
22:36Ngayon parang mas gusto ko yung mas medyo nag-mature na rin ng konti.
22:42Maraming netizens na na-antique sa moment ng isang estudyante sa kanyang college graduation sa Bunggaw, Tawi-Tawi.
22:47Meaningful kasi ang kanyang naging pagmarcha sa pagtatapos with Latin honors.
22:54Dala ang mga literato ng kanyang mga magulang mag-isang nagmarcha paakit ng stage, si Abigail Rodriguez Tiago.
23:02Nagtapos siyang cum laude sa kurosong Bachelor of Arts and Political Science sa Mindanao State University, Tawi-Tawi College of
23:10Technology and Oceanography.
23:12Gwento ni Abigail nasa Maynila ang kanyang nanay na hindi naka-uwi dahil gipit sa pera.
23:19Tatlong taon naman na raw mula ng huli niyang nakausap ang may sakit noong ama tungkol sa sabay nilang pagkakit
23:24sa stage sa kanyang graduation.
23:26Hindi man gumaling ang ama at pumanaw bago siya makatapos sa pag-aaral.
23:30Dala naman daw ni Abigail ang pagmamahal ng kanyang ama at papa o mama at papa sa pamamagitan ng kanilang
23:36mga litrato.
23:40Nagbilid yung luha.
23:41O, muntik na, no?
23:43Congratulations sa'yo.
23:44Congratulations.
23:45Congratulations.
Comments