00:00Nauwi sa komosyon ang paninita ng isang landlord sa ilang lalaki sa Valenzuela City.
00:06Hinahakot kasi nila ang mga gamit mula sa mga paupakan kahit hindi paumano na babayaran ng renta.
00:12Nakatutok si Von Aquino.
00:18Sa kuha ng CCTV, makikita ang nagtatalo ang ilang lalaki sa barangay General T. De Leon, Valenzuela City, Pasado a
00:26las 10 ng umaga kahapon.
00:28Ang alitan sa pagitan ng isang landlord at mga lalaking naghahakot ng gamit sa paupahan ng landlord.
00:37Maya-maya, makikita ang isang lalaking may dalang itak.
00:45Dumating din ang isang babaeng may dalaring itak at nagtakbuhan ang mga naghakot.
00:53Sa isa pang puha ng CCTV, makikita ang naglabas ng baril ang isa sa tatlong lalaki.
00:59Itinutok niya ito sa harap at nagpaputok sa itaas.
01:04Sa inisyal na investigasyon ng pulisya, naaktuhan ng landlord ang tatlong lalaki
01:09na hinahakot ang gamit ng isang nangungupahan na apat na buwan na umanong hindi nagbabayad ng renta.
01:15Sinita yung tatlong kalalakihan na nauwi sa panunutok ng baril sa kanya ng isa sa tatlong kalalakihan.
01:25Dahil dito, umalis yung ating biktima at humingi siya ng tulong o ng saklolo sa kanyang mga kaanak.
01:33At paglabas ng tatlong kalalakihan, dito na sila naaktuhan ng ating biktima at ng kanyang mga kaanak.
01:43At muling nagkaroon dito ng komprontasyon.
01:46Ayon sa mga pulis, wala roon ang umuupan ng mangyariang insidente.
01:51Wala namang nasaktan sa pangyayari.
01:53Naiwan naman ang tatlong lalaki ang sasakyang pinagkargahan ng mga hinahakot nilang gamit.
01:58Maaari silang kumaharap ng kasong grave threat sa pamamagitan ng panunutok ng baril
02:03at ganoon din sa pagpaputok ng baril sa taas na maaaring maging cost ng alarm.
02:09Alarming scandal po.
02:11Dito sa bahaging ito ng A. Bernardino Street, nangyari ang komosyon.
02:14At hindi ho kalayuan dito, banda ho roon ay ang Antonio M. Serapio Elementary School
02:19na pinili na lang mag-online class kahapon.
02:22Dahil ayon sa kanilang principal, ilang estudyante lang ang pumasok sa kanilang afternoon shift dahil sa takot.
02:28Pinaghanap pa ng mga pulis ang tatlong lalaki habang patuloy ang investigasyon.
02:33Sinubukan namin kunan ang pahayagang landlord, ngunit hindi namin siya nakausap sa lugar.
02:38Von Aquino, Nakatutok, 24 Horas.