00:00Pinag-uusapan na ng Department of Agriculture o DA at Senate Committee on Agriculture
00:05ang pag-amienda sa Rice Tarification Law.
00:08Yan ay para makapagbenta na muli ng NFA rice sa mga pabilihan,
00:12lalo po sa panahon ng krisis.
00:15Nakatutok si Jonathan Nandal.
00:20August 2019 pa, huling ibinenta sa mga palengke ang National Food Authority o NFA rice.
00:25Kung minsan, lalo kung mahal ang bigas, pinipilahan ito dahil mas mura sa iba sa presyong 27 pesos lang per
00:32kilo.
00:33Ngayon, 40 pesos per kilo ang pinakamurang commercial rice sa Metro Manila
00:38batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture o DA.
00:41Kaya nang isa lang sa plenaryo ng Senado ang kanilang 2027 budget,
00:45tinanong ang budget sponsor ng ahensya kung kaya pa bang maibalik sa mga palengke ang NFA rice.
00:51Pag-aaralan ba ng DA kung muli po bang magbenta ang NFA ng bigas?
00:57Yes. In fact, pinag-uusapan ng Department of Agriculture at ang ating committee on agriculture
01:04yung pag-amenda sa rice tarification measure.
01:07Ayon pa kay Sen. Kiko Pangilina na budget sponsor ng DA at chairman din ng Senate Committee on Agriculture,
01:12nais nilang ibalik sa NFA ang kapangyarihang direktang magbenta sa general public,
01:17lalo na kung may crisis, emergency o bigla ang pagtaas ng presyo ng bigas.
01:22Ipinagbawal kasi yan sa kasalukuyang rice tarification law.
01:25Ang dahilan dito ay dahil naging sanhi o source ng corruption,
01:32itong tinatawag na diversion ng NFA rice,
01:36ginagawang niriribag tas binibenta bilang regular or well-milled rice sa merkado.
01:44Para di na maulit, maglalagi daw sila ng safeguards o proteksyon sa babalang kasi nilang amyanda sa batas.
01:49Pagka halimbawa may crisis situation, may disaster, mataas ang presyo ng bigas,
01:56may emergency situation, pwedeng pumasok ang NFA at magbenta ng retail.
02:03But dapat may mga safeguards.
02:06Kaugnay pa rin ang DA budget, pinuna ni Sen. Ping Lakson
02:09ang isiningit ng Kamara na mahigit 5 bilyong pisong pondo
02:13para sa mahigit 350 farm-to-market road.
02:17Hindi naman daw kasi yan ipinanukala ng DA.
02:19Ang nasa orihinal na hiling ng ekotibo na 91 farm-to-market roads
02:23ang tinanggal ng Kamara.
02:25Kung ano yung narecommend, kinat.
02:28Yung wala sa recommendation, dinagdag.
02:30So ang tanong ko is,
02:33has DA validated these roads against its farm-to-market road network plan?
02:42Hindi na-validate ng DA yung 353 roads na ipinasok ng house sa kanilang versyon?
02:50Yes, ongoing pa.
02:52Ang review?
02:53Oo, pero initially wala.
02:55Sabi ni Lakson, 30% ng mga kalsadang idinagdag sa budget
02:59ay para sa Batangas, Nueva Ecea at Iloilo.
03:02Labing siyam dyan ay nasa Lubo, Batangas.
03:05Ano meron sa Lubo para magkaroon ng 19 farm-to-market roads?
03:10Livestock, coconut,
03:14and they have a food hub project in Batangas
03:21and all these are supporting infrastructure for the food hub.
03:26Tinalakay rin ngayon ang budget ng Marawi Compensation Board
03:29na may 5,000 biktima pa ng Marawi siege
03:32ang hindi nababayaran halos isang dekada matapos ng gera.
03:36Sabi ng budget sponsor nilang sa Senator JBR,
03:38kulang pa kasi ng 5 bilyong piso ang pondo.
03:41Kaya sa June 2028 pa, target mabayaran lahat.
03:45Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
03:51Kaya sa.