00:00Nauwi sa habulan naman ito Sandra, habulan ng itak at pagpaputok ng barel,
00:05ang alitan ng isang landlord sa ilang lalaki sa Valenzuela.
00:10E ano kayang punot dulo ng sigalot? Here's what we know so far with Von Aquino.
00:16Mga kapuso, dito po sa barangay General T. De Leon, Valenzuela City,
00:19naghanap ang alitan sa pagitan ng landlord at ng tatlong kalalakihan kumukuha ng mga gamit sa loob ng bahay ng
00:25isang renter.
00:26Sa CCTV, makikitang bumaba ang isang lalaki sa isang L300 van kung saan nila ikinarga ang mga gamit.
00:32Makikitang nakikipagtalo sila sa landlord hanggang sa makikita ang isang lalaki na may dalang itak.
00:38Maya-maya pa isang babae ang sumugod na may dalang itak hanggang sa tumakbo ang tatlong lalaki.
00:43Sa isa pangkuhan ng CCTV, makikitang naglabas ng baril ang isa sa tatlong lalaki.
00:48E tinutok ito sa harap at nagpaputok sa itaas.
00:51Tumakbo ang tatlong lalaki palis at hinabol pa sila ng mga kasama ng landlord at pinagbabato.
00:56Sa inisyal na investigasyon ng Valenzuela City Police, apat na buwan o manong hindi nagbabayad ng upa ang renter.
01:02Kaya't pinigilan nilang makuha ng tatlong lalaki yung kanyang mga gamit.
01:07Sinubukan naman namin punan ng pahayag ang landlord pero walang tumugon sa pagkatok namin sa kanilang bahay.
01:13Samantala, ayon naman sa mga polis, posibleng maharap sa reklamong alarm and scandal at grave threat ang tatlong lalaki.
01:19Patuloy pa ang kanilang investigasyon.
01:22And that's what we know so far. Ako po si Vorn Aquino ng GMA News.