00:00Pullicam, ang mabilis na paglikuan ng kolong-kolong na yan sa isang kalsada sa Lubaw, Pampanga.
00:05Ang sakay po niyan, dalawang kambing na tinangay umano ng apat na lalaki mula sa isang bakanting lote.
00:12Sa follow-up investigation ng polisya, natuntun ang mga suspect matapos ituro ng isang concerned citizen ang kolong-kolong na
00:19sinakyan nila.
00:20Tatlo sa apat na suspect ang naaresto, patuloy na pinagahanap ang isa pa nilang kasama.
00:25Ang kambing naman, naisoli na po ng mga nakabili matapos malaman na galing pala ito sa nakaw.
00:32Hindi na naibalik ang ibinayad nila.
00:34Nahaharap sa reklamong pagnanakaw ang mga suspect na wala pang pahayag.
00:39Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kuna ng pahayag ang may-ari ng mga kambing.
00:45Pullicam, ang pagtangay sa isang trike bike sa isang bahay sa Pasig.
00:49Na-aresto po ang suspect pero pinakawalan din dahil hindi na nireklamo ng biktima matapos mabawi ang trike bike.
00:58Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
01:02Sa kuha ng CCTV, kita ang lalaking nakadamit ng kulay dilaw na naglalakad sa kalsada sa barangay de la Pasig
01:10City linggo ng tanghali.
01:11Pumasok siya sa isang bahay at paglabas, tangay na niya ang isang trike bike.
01:16Huling nakita ang suspect sakay ng trike bike o three-wheeled na bike sa barangay Santolan.
01:46At nakakuha naman yung bike at yung suspect din.
01:49Nabawi ang trike bike na nagkakahalaga ng 7,500 pesos na'y binentao man nun ang suspect sa halagang 1
01:56,500 pesos.
01:58Ayon sa barangay, may record na ng pagnanakaw ang 23-anyos na suspect.
02:03Ayon dun sa kabilang barangay, talamak naman daw na nagnanakaw talaga.
02:07Parang trip niya lang na kunin, parang ganun.
02:12Hindi na raw nagsampan ang reklamo ang biktima matapos mabawi ang bike kaya pinakawalan din ang sospek ayon sa barangay.
02:19Kasi ang katwira nila, kunyari, nakaawal ng cellphone, na-recover naman, so ayon na nila ng abala.
02:25Pero mali eh, kasi kung ganun lang din, paulit-ulit lang din ang mangyayari yun.
02:29Wala pang pahayag ang biktima at sospek.
02:32Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:40Pabaong chika for the weekend!
02:43Still on cloud nine ang feels ng newly engaged couple na sina Julian San Jose at Raver Cruz.
02:50Chika ni Julie, wala talaga siyang idea sa proposal dahil akala niya,
02:55simpleng 5th anniversary date lang ang kanilang pupuntahan.
02:59Inireveal naman ni Raver na bago pa man niya itanong ang big question,
03:03na manhikan muna siya sa parents ni Jules.
03:06Malaki raw talaga kasi ang respeto ng aktor sa kanila.
03:09Sa ngayon, love struck si Julie sa pang-immortalize ng kanyang feelings through music.
03:15Hindi rin daw magpapa-pressure ang Julie Ver to set the date.
03:19Sahalip, i-enjoy muna ang moment at ang process towards their big day.
03:27Since nasa song, ano ko, writing journey ako ngayon,
03:33and ako na rin yung napoproduce ko yung, napoproduce na ako ng mga sarili kong mga songs.
03:38So I think it's, yeah, it's about time to write another song for my fiance.
03:44Sinasabi rin ng mga friends ko and pati ni Roju na masayayang bro, enjoyin nyo,
03:50huwag kayo masyado magpa-pressure, sit down together.
03:53Ang maganda kasi dyan, going onwards, same na kayo magde-decide sa lahat.
03:58So excited, excited ako sa planning para sa wedding.
04:06Bilang pag-iingat sa mga lamok na may dalang sakit na dengue,
04:10namahagi po ng mosquito nets ang Talisay Cebu Health Office sa kanilang mga residente.
04:15Dagdag proteksyon niyan bukod sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran sa loob at labas ng bahay.
04:21Nagkabit din sila ng mosquito screen sa mga paaralan doon.
04:25Batay sa datos ng City Health Office,
04:27Mahigit siyam na raan ang dengue cases sa lungsod mula January hanggang November 19.
04:33Pito na ang nasawi.
04:35Mas marami ang nagkadengge sa Lapu-Lapu City.
04:39Mahigit dalawang libo na ang mga kaso hanggang November 21.
04:44Labing pito po ang nasawi na karamihan ay dalawa hanggang labing isang taong gulang.
04:50Dahil dito, nagdagdag ang City Health Office ng libring CBC test at NS1 test
04:56para hindi magsiksikan ang mga pasyente sa dengue fast lane ng Lapu-Lapu City Hospital.
05:03Pinag-aaralan naman ang Cebu City Committee on Health ang pagdadeklara ng dengue outbreak.
05:09Kasunod po yan ng pagdami ng dengue cases sa lungsod.
05:12Ang mga pribadong ospital doon puno na ng mga pasyenteng tinamaan ng sakit.
05:17Isa sa mga tinitingna nilang nakaka-apekto ay ang matinding init bunsod ng El Niño.
05:23Pati na ang mga naipong tubig sa paligid na hindi nalinis at hindi natakpan.
05:28Sa datos po ng Cebu City Health Department kayong taon,
05:31halos limang libo ang kaso ng dengue sa lungsod kung saan tatlumpot siyam na ang nasawi.
05:38Batay naman sa datos ng Department of Health,
05:40mahigit dalawang daan at animnapung libong kaso ng dengue ang naitala sa bansa
05:45mula January 4 hanggang November 14 ngayong taon.
05:49Mas mababaya ng 7% kumpara sa mga naitala sa parehong panahon noong 2025.
05:58Apat na araw ng walang tubig sa ilan pong bahagi ng Taytay at Kaintasa Rizal.
06:04Pinutol ang linya dahil sa dami rao ng hindi nagbabayad.
06:08Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
06:14Mag-aalauna na ng madaling araw pero nasa labas pa rin ang kanilang mga bahay
06:19ang mga residente ng Barangay San Juan sa Kainta at Barangay Santa Ana sa Taytay Rizal.
06:25Nag-aabang sila ng rasyon ng tubig mula sa truck ng bumbero.
06:28Ipinila ng mga residente ang mga balde at iba pang mga lagayan ng tubig sa kalsada.
06:33Ayon sa mga residente, apat na araw na silang walang tubig
06:37dahil hindi raw nakabayad ang maraming residente roon.
06:41Ayon kasi dun sa ginawa kong pagbabahay-bahay,
06:44tsaka dun sa record na binigay sa akin nung namamahala ngayon,
06:48maraming talaga yung hindi nakabayad ngayong buwan na to.
06:53So kaya anang nangyari, nalakami ng Manila Water.
06:56Isa sa mga apektadong may-ari ng isang moto workshop na si LV Bisaya.
07:01Anya, nagbabayad sila buwan-buwan.
07:04Pero bakit kasama raw sila sa mga naputulan ng supply ng tubig?
07:08Siyempre malaking bala kasi ano eh.
07:12Katulad sa amin, may shop kami dito.
07:16Siyempre kailangan namin yung tubig.
07:18Nagbabayad naman kami.
07:19Buwan-buwan.
07:20Madamay kasi, ayun na nga, ayun na putulan na.
07:25Ay wala namang beso na gano'n na putulan.
07:29Basta bigla lang nawala ng tubig.
07:33Ayon sa Barangay San Juan, isang linya lang ng tubig ang nasa Block 16 hanggang 32.
07:38Kaya kapag pinatay ang supply ng tubig, lahat ng konektado ay apektado.
07:43Isa daw sa mga naging reason, maraming residente daw ang hindi nakapagbayad.
07:48Kaya itong may-ari, hindi rin nakapagbayad din naman sa Manila Water.
07:53Maraming beses na po.
07:54O hindi lang po siya isang beses, isang ano lang po eh, isa lang po yung mahawak eh.
07:58Kapag hindi nabayaran, ang tendency, lahat talaga, mawawalan talaga.
08:03Sinusubukan pa naming hinga ng pahayag ang namamahala ng patubig sa lugar at ang Manila Water.
08:09Bilang paunang tulong, nagdeploy ng mga truck ng bombero ang parehong barangay ng Santa Ana at San Juan
08:14para matulungan ang mga residente.
08:17Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
08:21Eto na ang mabibilis na balita.
08:25Arestado sa Iloilong, isang namemeke-imano ng mga dokumento para maaprubahan ang loan o utang sa bangko ng ilang aplikante.
08:33Nahuli ang suspect matapos dumalo sa hiring ng iba niyang kaso.
08:37Ayon sa Pasig Police, wanted sa iba't ibang kasong may kinalaman sa falsification of public documents,
08:43ang suspect na dati empleyado ng isang bangko.
08:46Tubo siya nga panggasinan pero minsang tumira sa Pasig.
08:50Nang makasuhan, nagtaguraw siya sa Ilocos Norte hanggang sa madakip sa Iloilo.
08:56Mismong ang Banko Sentral ng Pilipinas ang nagsampah ng kaso.
09:00Nasa kustudiya na siya ng Pasig Police at sinusubukan kunan ng pahayag.
09:06Arestado sa Baco or Cavite ang apat na sangkot umano sa iligal na droga.
09:11Sa Bybus Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency, nahuli ang mga sangkot at nadiskubre ang kanila umanong drug din.
09:19Nasamsam sa operasyon ang sampunggramo ng hinihinalang shabu na may halagang 68,000 pesos.
09:25Nahaharap ang mga suspect sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
09:32Wala silang pahayag.
09:35Samantala, naniniwala si Vice President Sara Duterte na dapat hindi natitigil ang paghahabol ng gobyerno sa mga sangkot sa iligal
09:43na droga.
09:46Kung magigayang presidente na si Inday, saayong ba kayong mababag kang tokang?
09:53Sasabi nila lahat sila, oo, tokang version 2.0, tokang, usap ko nila talaga.
09:59Kahit sa ari na gobyerno sa mundon, dapat relentless talaga yung paghahabol sa iligal na droga.
10:06Dahil madaming problema ang nagsisimula sa iligal na droga.
10:11Kaya kailangan dapat kinukontrol, sinusupres, at inaano.
10:19Ginagawang almost zero ng gobyerno ang iligal na droga.
10:24Yan ang bahagi ng panayam sa Vice Presidente ni dating Presidential Communications Undersecretary Moka Uson.
10:32Ipinatupad ang Oplan Tokhang noon ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang kampanya kontra droga na binatikos
10:40dahil naging madugo.
10:42Ipinatupad ang Oplan Tokhang