00:00Makatatanggap ng refund ang mga Meralco customers simula sa susunod na buwan.
00:05Ayon po sa Meralco, alinsunod yan sa utos ng Energy Regulatory Commission o ERC
00:11na i-refund nila sa mga customer ang kabuang halos 2 bilyong piso.
00:17Base sa ginawang review ng ERC sa regulatory asset base ng Meralco,
00:22ipinagbawal nitong ipasa sa consumers ang ilang pension at employee benefit expenses
00:28alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.
00:31Ayon sa ERC, ang refund para sa residential at small commercial customers
00:37ay papatak ng 26 centavos per kilowatt hour o katumbas ng 52 pesos
00:44para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
00:50Ipatutupad ito sa loob ng tatlong buwan o hanggang sa maibalik ang buong halaga.
00:55Makikita ang balikbayad sa inyong Meralco Bill bilang iwalay na item na RAB Refund.