00:00I-dinetalya ng International Criminal Court Trial Chamber 3
00:03ang magiging takbo ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte simula po sa lunes.
00:09Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:14Sa lunes, November 30, sisimula na ang trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:20sa International Criminal Court o ICC.
00:23Ang ICC Trial Chamber 3 naglabas ng ilan detalya ng magiging takbo ng trial
00:29ng dating Pangulo sa kasong Crimes Against Humanity of Murder and Attempted Murder
00:35dahil sa kanyang madugong kampanya kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.
00:41Sa pagsisimula ng trial, 2 hours and 15 minutes ang inilaan ng Korte
00:46para sa opening statement ng prosecution.
00:49Isa't kalahating oras naman para sa Common Legal Representatives of Victims o CLRVs.
00:55May isang oras naman ang mga abugado ng dating Pangulo para sa paglalatag ng outline ng kanilang depensa.
01:03Matapos nito, agad nasisimulan ang testimonya ng unang testigo ng prosecution.
01:09Araw-araw ang trial na magtatagal ng kabuang apat na oras mula 5pm to 11pm oras sa Pilipinas.
01:17Naglabas na rin ang inisyal na schedule ng trial ang Korte hanggang sa April 2027.
01:23Nag-suminta naman sa Korte ang defense team ng ikatlong listahan ng mga ebidensya nito.
01:29Laman nito, ang 61 mga item na karamihan ay mga news articles, press releases at official issuances
01:37ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas at maging ilang release ng Binoong Truth Commission.
01:44Dito sa Pilipinas, naghain ang resolusyon sa Senado sina Senadora Amy Marcos at Senador Robin Padilla
01:51para ipanawagan ng pagpapabalik sa dating Pangulo sa Pilipinas.
01:56Nakasaad dito sa Senate Resolution 797 ang paghimok sa Ehekutibo na itigil na ang pakikipagtulungan sa ICC
02:05dahil hindi nakasapi ang Pilipinas dito.
02:07Dapat din daw itigil ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Senador Bato de la Rosa na nagtatagong ngayon.
02:15Malinaw na si Pangulong, dating Pangulong Digong, wala siyang lokal na warrant of arrest.
02:24Sana ay magkaroon ng hudyat ang ating gobyerno, kausapin ang ICC na ibalik na dito si Digong.
02:33Nauna nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng magkakapatid na Congressman Pulong, Mayor Baste at Kitty Duterte
02:41kontra sa pag-aresto at pagdala ng dating Pangulo sa ICC.
02:46Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.