Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Karahasan sa pa-aralan, naospital ang 15-anyos na estudyante matapos sa bunutan ng mga kaklase sa loob ng kanilang silid-aralan sa Muntin Lupa.
00:11Nakaranas daw ng pagkahilo at pagsusuka ang biktima na hininalang resulta ng pagtama ng kanyang ulo sa sahig.
00:17Saksi, si JP Soriano, Exclusive.
00:20Nakauniforme pa ang mga nakunan sa viral videong ito.
00:29Ang isang babae nasa sahig na habang ang kanyang buho ay hinihila ng kapwa niya estudyante.
00:35Nakapalibot sa kanila ang ilan pang mag-aaral.
00:38Nangyari yan itong lunes sa loob ng isang classroom sa isang pampublikong paaralan sa Muntin Lupa.
00:43Ang sinasaktang 15-anyos na estudyante, nasa ospital pa rin hanggang ngayon ayon sa kanyang ina na siyang nagbahagi ng viral video sa GMA Integrated News.
00:54Nakaranas daw kasi ng pagkahilo at pagsusuka ang bata na hininalang resulta ng pagtama ng kanyang ulo sa sahig.
01:02Malakas po, yung ulo yung unang tumama sa sahig.
01:04And then after na po noon, doon na po nag-start na may nakapag-video, doon po nag-umpisa yung video na nandun na siya sa sahig kaya hindi siya makabangon
01:12kasi sa lakas daw po nung bagsak ng ulo niya, hilong-hilo daw po siya, hindi niya alam kung paano siya tatayo.
01:19So, yun na, doon na po natin makikita sa video na yung mga classmates, siya yung hinahawakan.
01:25And itong si offender, patuloy pang nananak, naisahan pa siya dito.
01:30Sabi raw sa kanya ng anak, bago ang pananakit, binantaan pa umano siya ng kaklase.
01:35Tatayo lang daw siya, lumapit itong si offender, and then bigla na lang siyang sinuntok dito banda.
01:42Ngayon, yung instinct niya, pagkasuntok sa kanya, since medyo malapit, binalikan niya lang suntok.
01:49Agad isinumbong sa kanya ng anak na may umaway at nanakit na kaklase.
01:53Pero inakalaro niyang normal na away ng mga bata lang ito.
01:56At handa na raw sana siyang palagpasin ito.
01:59Hanggang sa nakarating sa kanya ang video,
02:02ayon sa prinsipal ng paaralan kung saan nangyari ang pananakit at sa DepEd Muntin Lupa,
02:06agad din nala sa klinik ang estudyante.
02:09Agad din daw nilang inaksyonat ang insidente.
02:12Habang nagpapatuloy daw ang investigasyon,
02:15ginagawa raw nila ang lahat para matiyak ang kapakanan ng lahat ng estudyanteng sangkot.
02:20Prioridad daw nila ang seguridad at proteksyon ng mga mag-aaral.
02:24Base sa survey ng Program for International Student Assessment of PISA noong 2022,
02:298% na mga 15 anyos na mag-aaral dito sa Pilipinas
02:34ang nagsabing hindi nila naramdamang liktas sila sa loob na kanilang sinid-aralan.
02:4043% na mga babae at 53% na mga lalaking estudyante
02:44ang nagsabing ilang beses silang nakaranas ng bullying sa isang buwan.
02:50Mas mataas yan kumpara sa average na mga naiulat na insidente ng bullying
02:54sa mga mag-aaral sa mga bansa sa OECD o Organization for Economic Cooperation and Development.
03:01Kamakaidan lang ay nilagdaan ni Education Secretary Sani Angara
03:04ang Revised Implementing Rules and Regulations ng Anti-Bullying Act of 2013.
03:10Alinsunod dito, magkakaroon ng maagang intervention at mas malinaw na proseso
03:14sa pagresolba ng mga kaso sa mga pampubliko at pribadong paaralan,
03:19pati community learning centers.
03:21Itinakda rin ang papel ng bawat isa sa mga guro, schoolheads, magulang,
03:26substitute parents at mga mag-aaral.
03:29Magtatalaga rin ang learner information officer
03:31na siyang magiging unang contact point sa pagtugon at pag-imbestiga sa mga reklamo.
03:37Hindi lamang pisikal na pananakit ang iimbestigahan,
03:40kundi maging ang mga tinukoy na senyales ng bullying,
03:44tulad ng paulit-ulit na panlalain, paninira at pagmumura,
03:48cyber bullying, diskriminasyon batay sa kasariyan o reliyon,
03:52at mga aksyong sumisira sa mental health ng bata.
03:56Dumaraan ngayon sa psychosocial intervention
03:58ang mga batang sangkot sa naku ng insidente ng pananakit sa munting lupa.
04:03Uling giit ng DepEd at ang pamunuan ng paaralan na walang puwang kailanman
04:07ang anumang uri ng pananakit sa mga paaralan sa bansa,
04:10sa baigit na nagpapatuloy pa rin ang zero tolerance sa bullying.
04:14Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.

Recommended