00:00Sa unang pagkakataon, ayon sa Philippine Coast Guard,
00:03namataan ang isang barko ng China Coast Guard na tumawid ng Batanes.
00:07Sa Aerial Maritime Patrol ng PCG, kasama ang GMA Integrated News,
00:11kanina umaga, nakita ang China Coast Guard vessel na may bow number 4304
00:17sa layong 110 nautical miles mula sa Ilocos Norte.
00:22Ilang beses nag-radio challenge ang PCG aircraft sa barko, pero hindi sila sumagot.
00:27Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela,
00:33itong unang beses na nakakita ang PCG ng CCG vessel sa hilagang lalawigan ng Pilipinas.
00:41Bukod po rito, dalawang barko pa ng China Coast Guard ang minomonitor nila
00:45sa dagat ng Batanes mula naman kahapon.
00:48Patuloy na iniimbisigahan ng PCG ang insidente.
00:53Mga kapuso, maging una sa saksi.
00:56Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.