00:00Sa gitna naman naman ay ulat na insidente ng karahasan, iniutos ng DILG na pabantayan sa mga tanod ang mga eskwelahan.
00:08Sa Cotabato, sugatan ang isang principal sa pamamaril sa tapat ng paaralan.
00:14Saksi, si Jonathan Nanda.
00:19Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang school principal sa Midsayab, Cotabato, kaninang umaga.
00:25Lula noon ng kanyang sasakyan ang biktima na nasa tapat ng paaralan.
00:29Nakaligtas siya pero nagtamon ang mga tama ng balas sa katawan at dinala sa paggamutan.
00:33Tinutugis pa ang mga sospek.
00:35Sa Balabagan, Lano del Sur, krimeng nag-ugat umano sa bagsak na grado.
00:40Kaya umano binaril ang isang guro noong August 4.
00:43Dead on the spot ang biktima na papasok na sana noon sa trabaho.
00:46Nasampahan na ng kasong murder ang grade 11 student.
00:49Yung suspect ay nasa Balabagan NPS custodial facility while waiting for a few months of commitment order from the court.
01:00Isang gabi naman itong Pebrero, nahulikam ang pambabato ng mga senior high student sa mga ka-eskwela nila sa barangay Apolono, Samson, Quezon City.
01:08Pero ang tinamaan, ang bahay ni Kapitana.
01:11Member nga daw sila ng fraternity or gang kung matatawag na yun, mga minor ito.
01:17Kung hindi nila kayang respetuhin ang namumuno sa isang barangay, wala na silang sisinuhin.
01:22I-pinatawag noon sa barangay at pinagsabihan ang mga sangkot na estudyante kasama ang kanilang mga magulang.
01:28Ang buheng nangyayari hindi lamang po ngayon sa paaralan kundi maging sa labas ng paaralan.
01:33Kaya we have called on the community, parents, ang barangay po natin at maging ang ating LGU para tulungan po tayo doon sa incidents na labas ng eskwelahan.
01:44Kaya ang DILG may memo ngayon sa mga barangay, magtoka ng mga tanod sa labas ng mga nasasakupang paaralan
01:53para magpatrolya sa school premises at sa mga katabing lugar na pinupuntahan ng mga estudyante at para ayusin din ang daloy ng trapiko.
02:01Sa barangay Apolono, Samson, matagal na raw nagde-deploy ng mga tanod sa kanilang elementary school pero wala sa high school, nakatabi lang naman ng barangay hall.
02:08Kulang kasi ang mga tanod natin dahil ayon sa batas, dalawang pulang ang maaari na maging tanod sa bawat barangay.
02:17So ang ginagawa natin kung may extra naman na pondo, yun na lang ang mga auxiliaries, course multiplier.
02:25Mas matatakot yung mga bata na magwala dyan o mag-abang, teacher.
02:29Diba minsan may mga estudyante inaabangan, teacher.
02:32So yun din yung hazard ng aming trabaho dito sa senior high kasi yung mga estudyante mo dito.
02:38Ano, malalaki na. Oo, so nakakatakot din sila minsan.
02:43Ang problema ng bullying at karahasan sa mga paaralan, tinalakay kanina sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.
02:49Lumalalaan ang lumalalaan yung bullying. It's either binubuli sila ng kanilang kapwa estudyante or binubuli sila ng kanilang mga guru.
02:56Anong klaseng programa meron kayo na para ma-address yung lumalalang problema sa bullying sa elementary at senior high?
03:03Noong August 6 lang ho, nag-issue po ng bagong IRR pagpo sa anti-bullying policy po ng Department of Education.
03:11Pinagigting po yung efforts para po ma-prevent yung bullying incident sa mga skwelahan.
03:16Ngayon po meron ng learner's permission officer. Siya po yung nakatutok sa bawat skwelahan.
03:23Ngayon, mas paigtingin pa natin ang protocols po. Yung pag-i-inspect ng bag pag pumasok sa paaralan.
03:29Tapos po yung ating mga guro, dapat po may roving po tayo ng mga school personnel para tingnan kung anong nangyayari sa bawat silid aralan o kahit maging sa CR.
03:40Sa Apollonio Samson National High School, may sariling security guard na umiikot sa mga classroom, CR at iba pang parte ng skwelahan.
03:48At nag-inspeksyon din daw sa mga gamit ng mga estudyante.
03:51Sa panayam ng Superadyo DZ Double D, natanong din ang DepEd kung magdaragdag ba ng mga security guards sa mga paaralan.
03:58At the moment kasi, wala naman yun sa plantilya ng ating mga skwelahan.
04:02At gumagamit lang po tayo ng MO doon sa pondo ng skwelahan para makakuha tayo ng security personnel.
04:10Kaya nga po, pinapaigting natin ang koopresyon ng mga magulang, yung ating PTA, para sila po ay makatulong din po.
04:18May kakulangan din daw sa lisensyadong guidance counselor sa buong bansa na ginagawan na raw ng paraan.
04:24Parang mga 5,000 lang po ang ating guidance counselor.
04:28Dapat po yan isang guidance counselor per school.
04:30At the least, yes.
04:33Sa ngayon, meron daw ng mga tinatawag na guidance associates.
04:37Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.