Skip to playerSkip to main content
Isinusulong ni Sen. Robin Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang age of criminal liability. Paglilinaw ni Sen. Kiko Pangilinan, puwede pa namang litisin ang mga edad 15 pataas sa kasalukuyang batas at puwede pa ring makulong ang edad 9 hanggang 15. Maling akala aniya na hindi sila puwedeng panagutin kung karumal-dumal ang ginawa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinusulong ni Sen. Robin Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang age of criminal liability.
00:06Paglilinaw ni Sen. Kiko Paglinan, pwede pa namang litisin ang mga edad 15 pataas sa kasalukuyang batas
00:12at pwede pa rin makulong ang edad siyam hanggang 15.
00:16Maling akalaan niya na hindi sila pwedeng panagutin kung karumaldumal ang ginawa.
00:21Nakatutok si Mark Salazar.
00:22Sa plenaryo ng Senado, hiningi ni Sen. Robin Padilla ang suporta ng mga kasama sa gusto niyang amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.
00:37Dapat na raw ibaba sa edad 10 ang criminal liability ng mga bata, imbis na 18 sa kasalukuyang batas.
00:44Yung mga nakagawa po ng mga heinous crime, hindi ko po talaga matatanggap na tatawagin nating mga bata itong mga ito.
00:52Sana po buksan din po natin ang isip natin sa usapin ng kailangan na.
00:59Nakita ko na ang worst of the worst, sabihin nyo na. Pero ako hindi ko masikmura.
01:04Pero pumalag sa panungkala si Sen. Kiko Pangilinan ang may akda ng 2006 Juvenile Justice and Welfare Act.
01:12May kakulangan ng batas, ngunit mas marami ang kakulangan sa implementasyon kaysa sa batas mismo.
01:23Una po, linawing ko po sa ating kaibigan, Sen. Kiko Pangilinan, wala po akong sinabi na kulang ang batas.
01:33Ang sabi ko po ay napakaganda ng batas na ito. Hindi lang po siya napapanahon ngayon.
01:41Tinabulaan na ni Pangilina na walang pananagutan ng isang bata sa batas.
01:46Hindi rin anya totoo na dapat pakawalan ang batang nagkakasala sa ilalim ng kanyang batas.
01:51Kung sila ay kumilos at magkaroon ng discernment at kumilos na parang mga tulad ng mga nasa hustong gulang na,
02:01from 18 to 15, dapat ditisin bilang mga nasa hustong gulang na.
02:09At yung 15 and below naman, pagka serious offenses, pwede silang mandatory confinement for a period not less than one year.
02:22Ayon kay Pangilinan, maraming probisyon ang batas na pumuprotekta sa biktima ng juvenile offender.
02:29Pero nagbibigay rin ang pagkakataon para makapagbago ang isang batang nagkasala.
02:34Baka ang problema ay sa halip na amendahan yung batas, ay ipatupad ng tama yung batas.
02:40Ang kabataan po natin sa ngayon, kapag sila ay nakita nila kasi na tayo easy-easy lang
02:49at alam naman natin na kayo po mismo ang nagsabi, may problema sa implementasyon at napanood pa nila ngayon yan,
02:56nako, lalo na naman lalakas po ang mga loob ng mga sindikatong bata.
03:02Pero sabi ni Sen. Pangilinan, suportado ng mga pag-aaral na naging matagumpayang batas sa pagre-reforma ng mga juvenile in conflict with the law.
03:1170% if I remember right, nung mga nabigyan ng pangalawang pagkakataon dahil nagkasala na diversion program
03:22ay nanumbalik sa normal na buhay at nagkaroon na ng maayos na pamumuhay.
03:30Ni-refer na sa Committee on Justice ang panukala ni Sen. Padilla para doon mahimay ng husto ang isyo
03:36bago ibalik sa plenario at pagbutuhan.
03:39Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended